Chapter 3

28 1 0
                                    


3 - Bunso


Nang mga sumunod na araw ay naging abala lang kami sa paghahanda sa pasukan at sa kick-off event namin. Nakasunod lang sa'kin mag-damag si Xavier at tumutulong sa trabaho namin sa council. Tumulong narin siya sa pagfi-finalize ng stage at kung anu-ano pang mabutiltil na trabaho ay inasikaso niya. Napansin kong seryoso siya 'pag dating sa trabaho at sineryoso niya rin ang 'pag tulong sa amin. Nung unang araw ay nanonood lang siya at nakikinig sa lahat ng mga tinuturo at kinekwento ko sa kanya tungkol sa mga ginagawa namin kapag may event kami. Nung pangalawang araw na ay  tumulong na siya agad at naging hands-on din pagkatapos.


Hindi narin masyadong naging pasaway si Xavier at umaktong propesyonal kapag mag-kasama kami kaya wala narin akong naging problema sa kanya. Paminsan-minsan ay lumalabas ang pagka-pilyo niya at kinukulit ako pero titigil rin 'pag napansing abala ako sa mga gawain ko.


Nang dumating na ang araw ng kick-off event namin ay 8:00am pa lang magulo na sa office at sabog na ang mga kasamahan ko kung saan-saan pa nagpupunta. Inaasikaso namin ang main event mamayang gabi kaya't medyo sabog pa.


"Ayna! Kailangan ka na para sa ribbon cutting!" Tawag ni Kristine na VP-Internal namin ng mga lagpas 9:00am na. Nilingon ko siya at tumango. Agad ko namang tinapos ang mga pinipirmahan ko at tumayo.


"Let's go na guys!" Sigaw ko sa iba ko pang mga kasama sa council para tumungo sa main building para ribbon cutting ng Org festival.


Sinalubong ko naman ang head ng Office of Student Affairs at kinamayan ito pati na ibang admin na naroon. Sumunod naman ang mga kasama ko sa ginawa ko at bumati narin.


"Ayna, hindi ba't kailangan nandito rin si Xavier to witness the event and cut the ribbon with me?" Tanong ng head sa'kin ilang minuto bago kami mag-simula. Nilingon ko siya at nginitian ng pilit.


"Um, yes sir. He's on his way already." Tumango nalang si sir sa sinabi ko at ngumiti.


Actually, 30 minutes ago tinawagan ko si Xavier (yes I know his number now) at sinabing kakagising niya lang. Napa-iling nalang ako sa mga palusot niya at sinabing binilisan niya at dapat ay nandito siya sa saktong oras ng pagsisimula ng morning event.


3 minutes nalang ay magsi-simula na ang event at napa-iling nalang ako. Inabot ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa at lumayo bahagya sa ibang tao bago ko tinap ang pangalan ni Xavier doon para tawagan.


"Hey, pretty girl!" Salubong niya sa kabilang linya.


"Where. Are. You?!" Irita kong sabi. Minsan talaga di ko maiwasan 'di mairita sa isang 'to.


"Oh c'mon! Don't get piss—"


"I am not! I am just really, really pissed at you right now." Mahina pero may diin kong sabi sa kanya sa cellphone. Natawa lang siya sa kabilang linya at 'di ko na narinig pang mag-salita.


"Hoy, Xavier! Nasaan ka na?" Irita kong ulit sa kanya. Nagulat naman ako ng may yumakap sa bewang ko gamit ang isang kamay at bumulong sa kabilang tenga ko. Amoy at tikas palang ng kanyang katawan ay alam ko na kung sino ito.

My Worst DistractionWhere stories live. Discover now