Chapter 7

19 1 0
                                    


7 - Disappointed

Hindi naman kami gaanong nag-tagal pa sa Puzzle Mansion. Nilibot lang namin ang buong lugar at tinignan lahat ng mga puzzles na sobrang nakakabilib pagkatapos ay nag-yaya na siyang umalis.

Dinala naman niya akong sa Sky Ranch. Sobra naman akong natuwa nung papasok na kami kasi first time ko. May Sky Ranch din naman sa SM Pampanga pero kahit doon man lang ay hindi ko parin napupuntahan. At least, ang original napuntahan ko kaya sobrang saya ko. Kitang-kita sa mukha ko yun dahil sa sobrang laki ng ngiti ko pag pasok namin.

"Excited, eh?" Nakangiting sabi ni Xavier pagpasok namin. Tumango-tango ako at ngumiti.

"Sobra! Tara dun tayo sa mga pambata." Hinila ko naman siya dun sa mga pang-batang rides.

Lahat ng pwede naming sakyan, sinakyan namin. Hindi man lang umangal si Xavier. Pero syempre what do I expect diba? Wala naman atang kinatatakutan ang isang 'to. Nag-horse backriding din kami tapos sinubukan din namin yung zipline.

"Sigurado ka gusto mong mag-zipline?" Tanong ni Xavier sa'kin nung malapit na ang turn namin.

Kumunot ang noo ko sa kanya. "Oo naman, bakit natatakot ka?" Ngumiti naman siya ng nakakaloko sa sinabi ko.

"You know I'm not, pretty girl. I'm just worried about you."

"You don't have to. I want to do this, really." I just shrugged and winked at him. Tumawa siya sa inakto ko at napangiti lang ako.

Nauna akong sumubok nung zipline at sobra akong natuwa dahil kitang-kita ko ang view ng Taal Volcano mula doon sa taas. Ang ganda nung view at nakaka-refresh lang. Pagkatapos namin sa zipline at nag-Super Viking kami. Last stop namin ang Sky Eye nung palubog na ang araw.

"Having fun?" Nakangiting tanong ni Xavier.

"Sobra! Thank you for taking me out today, Xav." Sabi ko habang nakatingin sa Taal Volcano habang umiikot ang Sky Eye.

"Sure, anytime. It's worth it, anyway." Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa'kin na para bang natutuwa siya sa nakikita niya. "Ngayon lang kita nakita ng ganyan kasaya, yung walang stress sa mukha at sobrang carefree." Nafeel ko naman ang pag-init ng mga pisngi ko sa sinabi niya kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Bolero." Natawa naman siya.

Ilang minuto kaming tahimik at pinapanood lang ang view. Nag-enjoy talaga ako sa pagu-unwind naming dalawa ngayong araw. Matagal-tagal narin kasi mula nung huli akong lumabas at mamasyal ng ganito. Sobrang busy kasi ng mga kuya ko pero naiintindihan ko naman dahil nag-iipon din sila para sa kanilang future at sa pag-aaral ko rin kaya wala akong reklamo doon.

"It was my fault." Biglang basag ni Xavier sa katahimikan namin. Napatingin ako sa kanya ng naka-kunot ang noo.

"Excuse me?"

Lumungkot bigla ang mata pero nakangiti parin ng bahagya habang nakatingin sa labas. "The break up. It was my fault."

Aahh, so ito na ba yung part 2 ng usapan namin kaninang umaga sa kotse? Wow, di ko expect na io-open niya pa ulit ang topic na ito sa'kin.

"Were you serious with her?" Tumango siya at bumuntong hininga.

"Yeah, siya yung unang babaeng sineryoso ko talaga. I liked and loved her so much."

"Then why did you break up?" Mahinahon kong tanong. Tumingin siya sakin.

"She caught me with her best friend." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

My Worst DistractionWhere stories live. Discover now