SEEK 11

4 1 0
                                    

// Lia //

Bumagsak ang kamay ni Bettina hawak-hawak ang papel na ipinadala sa kanya ng kung sino man. Nagkasalubong ang dalawang kilay niya at marahas na suminghap ng hangin. 

"May masama bang balita?" Tanong sa kanya ni John. 

"Patay na ang aking ina," aniya at hindi napigilan umiyak. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya. "H-hindi ko manlang nakita siya sa sandali." 

Tahimik kong hinahaplos ang likod niya habang nakatingin sa maliwanag na buwan. Narito kami ngayon sa tuktok ng bundok malapit sa kaharian ng Potent at nakikita mula rito ang ilaw na nanggagaling sa loob. Hindi katulad ng Vismagnus, hindi ganun kalakihan ang kaharian ng Potent. 

"I'm sorry for your loss," bulong ko sa kanya. 

"Kaya mo ba... lumaban niyan, Bettina?" Maingat na tanong ni John. 

"S-syempre," umiiyak na sagot ni Bettina. "K-kailangan ko pa rin sumali sa inyo d-dahil miyembro niyo ako." 

Maliit na ngiti ko siya tiningnan at humiwalay sa kanya. "Pagbalik natin sa kaharian, una natin pupuntahan ang puntod ng ina mo," sambit ko sa kanya. 

Napaisip ako, nasaan nga ba ang ina ni Bettina? Kung buhay pa pala ito noon, bakit namamalagi sa amin ang anak niya at hindi sa bahay nila? May alitan ba sa pamilya nila kaya sila naghiwalay? Pero mukhang hindi naman dahil kita ko ang pagmamahal ni Bettina sa kanyang ina kaya ano ang rason?

Hindi ko maitanong. 

"Kumain muna tayo," wika ni Raru na nakaupo sa harap ng bonfire na ginawa namin kanina lang. 

Nakahawak ang kamay ko kay Bettina na lumapit kami sa pwesto ni Raru at inalalayan siya umupo dahil patuloy pa rin siya umiiyak. Hindi naman ako tumigil sa paghaplos sa likod niya at wala naman sa amin pumipigil na huminto siya sa pag-iyak. 

Si Raru ang nag-asikaso bigyan kami ng tig-iisang plato na may laman na kanin at manok na nahuli namin. Nagpasalamat naman ako sa kanya at kinuha rin ang plato para kay Bettina. Inilahad ko ito sa kaibigan na tumahan na. 

"Pwede ba magsalita?" Tanong ni Raru kay Bettina. Tumango naman ang katabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. "Bukas... kailangan na natin makapunta sa harap ng tarangkahan ng Potent. Ayon sa pamilyang binayaran tayo lumaban para sa kanila ay may sasalubong sa atin na tauhan niya para makapasok tayo sa loob." 

Tumango ako bilang pag-intindi at patuloy na kumain habang nakatingin sa kanya. Napaka tahimik ng paligid at malamig ang hangin. Ang liwanag ng buwan ay nakakatulong din paliwanagan ang paligid namin bukod sa apoy na kaharap namin. Alerto ako, sa totoo lang, dahil baka may umatake sa amin na mabangis na hayop.

"Pwede ba ako mag kwento?" Pagsasalita ni Bettina. Sumang-ayon naman kami sa kanya. "Ang bigat kasi sa dibdib at alam kong mapagkakatiwalaan ko kayo. Sa dami ng laban na hinarap natin at pagliligtas niyo sa akin, sapat na ito para masabi kong totoo kayo." 

Napangiti ako sa kanya. Pinagkakatiwalaan niya na ako. Pinagkakatiwalaan na talaga nila ako. Masaya ako. Napaka saya ko dahil hindi ko na nararamdaman labas ako sa grupo nila. 

"Katulad ng kamahalan... ay hinahanap ko rin ang prinsesa," aniya at naramdaman ko ang pitik sa puso. 

"Bakit? Kaya ba umaasa kang buhay siya dahil hinahanap mo rin siya?" Taka kong tanong sa kanya na kina tango niya. 

"Pinapahanap siya sa akin ni ina, hindi ko alam kung bakit, pero kailangan ko raw siya mahanap kaso... patay na siya. Ano pang saysay ang paghahanap ko kung wala na ang aking ina?" Naiiyak niya nasabi at bumagsak na naman ang mga luha niya. Nalungkot ako para sa kanya pero hindi wala sa isip ko kung bakit nila hinahanap ang prinsesa. 

SeekWhere stories live. Discover now