SEEK 6

6 1 0
                                    

// Lia //

Napatingin ako sa maliwanag na buwan habang mabagal na naglalakad ang kabayo. May hawak akong lampara sa kanang kamay at ang kaliwa naman ay hawak ang tali ni Benie. Kumukulo na tyan ko pero ayos lang basta ang mahalaga ay nakakain at nakainom naman ang kabayo ko dahil siya ang magdadala sa akin sa bayan na iyon.

"Benie, tingin mo ba masisikmura ko ang magnakaw sa ibang tao?" Tanong ko sa kabayo. Pagod na pagod na ako pero hindi pa ako nakakahanap ng magandang pwesto para pagpahingahan. "Magagalit ba ng sobra si ama at ina kung nalaman nilang nagbago ang trabaho ko?"

Nag-ingay ng kaunti ang kabayo. Napanguso ako dahil pagkakaintindi ko ay um-oo siya. Alam ko naman na mali pero papasukin pa rin. Hindi naman na ako hawak ng magulang ko pero ramdam ko ang pangaral nila sa akin. Ano magagawa ko? Kailangan ko ng malaking pera. Pera na makakapagbayad sa utang ni ama at mabibili namin ng buo ang lupa namin sa pamahalaan.

Nakarinig ako ng kaluskos sa hindi kalayuan kaya hinipan ko ang apoy sa lampara at hinayaan sakupin ng dilim ang paligid. Nagsimula na rin umilaw dahil sa buwan at pinahinto ko naman sa paglalakad ang kabayo para lang maging alerto kami.

Delikado ng ganitong oras dahil labasan ng mababangis na hayop. Ayos lang naman sakin dahil kaya ko protektahan kaming dalawa pero ramdam ko talaga ang sakit ng binti para manghina ang katawan ko. Ilang minuto pa ako naghintay kung may lalabas na hayop pero mabuti na lang ay wala. Nasanay na rin ang mata ko sa dilim kaya pinagpatuloy ko na sa paglalakad ang kabayo.

Kruuu ~~ Kruuu~~

Pasimple kong inilabas ang punyal mula sa ilalim ng bestida ko dahil nakasabit iyon sa kaliwang biyas ko. Hindi ko alam bakit ko ginawa ito pero may nagsasabi sa utak ko na may nakatingin sa amin at sinusundan kami. Naningkit ang mga mata ko nang mapansin na may tatlong anino sa kanang bahagi malapit sa puno. Pumalakpak ako ng dalawa at mabilis naman na tumugon ang mga nakatago. Isa pang palakpak ang ginawa ko at tatlo pa rin ang kanila. Nakahinga ako ng maluwag dahil palahudyat na kakilala ko sila.

Lumapit ang isa sa akin at nakita ko ang itim niyang maskara na tinatabunan ang buong mukha. He, because of his body built and tall, was wearing a black clock. Same with others. Sila ang tatlong lalaki na pinapadala sa akin ni ama para malaman ang kalagayan ko at mapagkakatiwalaan sila dahil napaka bait nila sa ama ko. Simula noong tumuntong ako ng ika-sampung gulang ay nakikita ko na sila sa paligid ni ama kaya walang kaso sa akin kung lalapit sila lalo na kung alam nila ang code namin.

"Ano ang bilin?" Tanong ko sa kanila. Sinindihan naman ng nangungunang lalaki ang lampara ko kaya nagkaroon na muli maliwanag na ilaw.

"Lia, ang ama mo ay kailangan ka na," seryosong aniya.

"Ha?" Pagkukunwari ko.

"Nabasa niya na kapag hindi ka nakapasa ay magrerebelde ka," saad niya. Mahina akong natawa. Hindi ko nga alam sa sarili kung nagbibiro ako o seryoso sa plano. Naguguluhan din ako.

"Hindi, ayoko," aniko at umiwas ng tingin. "Papagalitan niya ako."

"Kilala mo si Ricardo, Lia. Hindi ka niya magagawang pagalitan dahil panganay ka niya," malumanay na sabi.

"Hindi, ayoko," pagmamatigas ko. "Wala pa akong napapatunayan sa kanya at kakaalis ko lang ng bahay kaya bakit niya ako pababalikin agad?" Dagdag ko at napanguso. "Sabi ko ay uuwi ako na may posisyon bilang alagad ng kaharian pero hindi pa nangyayari ang pangako ko."

"Lia, hindi mo naman kailangan pa gawin iyon dahil walang kaso sa iyong ama kung may trabaho ka o wala at alam mong kaya ka pa rin niya sustentuhan," wika naman ng lalaki sa kanan.

"Nakakahiya," usal ko at tiningnan sila. "Nakakahiya at ayoko maging palamunin lang. Gusto ko may magawa ako para sa kanila."

"Hindi ka naman nila pinipilit may gawin, Lia," sabi ng nasa kaliwang lalaki.

SeekWhere stories live. Discover now