SEEK 2

9 1 0
                                    

// Lia //

Madaling araw na ng makarating ako sa tarangkahan ng kapitolyo. Kinuha nila ang identity card ko at iniharap sa aking magic green gem para suriin kung totoo nga na ako ang nagmamay-ari ng binigay ko. Matapos ang ilang segundo ay hinayaan na nila ako makapasok sa loob.

Mangha akong nakatingin sa kapaligiran dahil bumungad sa akin ang malawak na tulay na gawa sa concrete bricks. Sa ilalim ay mahina ang agos ng tubig at sa sobrang linaw nito ay makikita mo ang iba't ibang kulay na mga isda. Pinahinto ko saglit ang kabayo para pagmasdan pa ng ilang minuto ang baba bago nagpatuloy umusad.

Ang mga bahay ay gawa sa first-class bricks at ang mga bubong ay gawa sa makapal na yero. Ito siguro ang sinasabi ni ina na unang hilera ng katamtamang mga mayayaman. May ilan akong nakasalubong na tao at ang kanilang tingin sa akin ay nagsasabi ng diskriminasyon dahil sa suot kong lumang pula na bestida na mukhang pang lola na. Hindi ko naman sila pinansin dahil wala naman masama na mahirap ako. Ang masama roon ay mapanghusga nilang pagkatao.

Tiningnan ko ang mapa na ibinigay sa akin ni ama at nakasaad doon na kailangan ko lang dumiretso para makapunta sa tarangkahan ng kastilyo. Pagkarating sa kalahati ng bayan ay nakaramdam ako ng gutom kaya pinatigil ko ang kabayo at bumaba sa kanya. Kinuha ko ang tali at humanap ng tindera na nagbebenta ng pagkain.

"Magandang umaga ho, magkano sa isang plato ng kanin?" Tanong ko dahil ayun lang ang kaya ng pera ko. Ang iba rito ay pangbayad sa uupahan kong bahay kubo.

Ang matandang tindera ay tiningnan muna ako saglit bago sumagot sa akin. Maikli ang buhok niya at kitang-kita na rin ang katandaan sa mukha niya. Hindi lang ako sigurado kung itim o kayumanggi ang mata niya dahil medyo may kadiliman pa ang paligid at hindi pa tumataas ang araw sa tuktok. "Tatlong tanso kasama na ang isang basong tubig."

"Talaga po?" Masaya kong sabi. "Pabili ho ako."

Tumango siya at inasikaso na ang pagkain ko. Isang minuto pa ay inabot na niya sa akin ang kanin at tubig kaya binigay ko naman sa kanya ang bayad. Gawa sa kahoy ang kutsara niya kaya wala akong reklamo dahil hindi naman ito marumi at kung pwede ay dadalhin ko pa ito sa lakad ko dahil makakatulong ito sa akin.

"Taga saan ka, iha?" Tanong sa akin ni manang kaya napalingon ako sa kanya. Nilunok ko ang nginunguya bago sumagot sa kanya.

"Lamba Village ho," sabi ko.

"Lamba? Hindi ba ay malayo iyon?" Kuryusong tanong niya. Tumango naman ako. "Ilang araw ang nilakbay mo?"

"Dalawang araw po," agad kong sagot. Napaawang ang labi niya pero agad din tinikom at tumango.

"Mabuti ay ligtas kang nakarating dito," aniya. "Balita ko ay dumadami ang mababagsik na hayop sa labas ng kapitolyo kaya pinaparami na rin ang kawal ng kaharian."

"Ganun po ba?" Usal ko. Kaya naman pala. Akala ko kaya pinaparami ay para mabilis mahanap ang prinsesa.

"Oo," sambit niya. "Sasali ka ba sa pagiging kawal?" Tanong niya.

"Oho," tango kong sagot. Akala ko ay maliliitin niya ako pero ngumiti siya sa akin.

"Galingan mo, iha. Maalayo ang nilakbay mo para rito. Mahigpit ngayon ang kanilang pagpili kaya sana ay makapasa ka," wika niya. Napangiti naman ako sa kanya.

"Maraming salamat po," wika ko. Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanya umalis. Bago ako sumakay ulit sa kabayo kong si Benie ay binigyan ko muna siya ng damo at tubig. Alam kong busog pa siya matapos ko siya pakainin kaya naglakad nalang ako habang hila ang tali niya.

"Makakapasa kaya ako sa pagsubok nila, Benie?" Bulong na tanong ko sa kabayo. "Sana makapasa ako dahil malaki ang sahod nila at mabibigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko."

SeekWhere stories live. Discover now