SEEK 5

7 1 0
                                    

// Lia //

Mahina kong nahampas ang noo dahil sa kapalpakan ko ngayong araw. Hindi pa ko nakakatagal dito pero kailangan ko na umuwi dahil wala na akong pera pangkain at pangbayad ng upahan. Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng gamit at inilagay iyon sa malaki kong bagahe. 

"Sorry," nakanguso kong bulong habang iniisip si ama. 

Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang hindi ako nakapasa? Ikakahiya kaya ako ni ama? Huhu, nakakatakot pa naman siya magalit kahit isang beses ko lang iyon nakita nung muntik na ako malunod sa ilog kasi di ko naman alam na may nanghihilang ugat doon. 

Handa na sana ako lumabas ng bahay pero may narinig akong bagay na nahulog sa bagahe ko. Bumaba ang tingin ko sa sahig at nakita ang mahabang metal na may pangalang nakaukit. Kinuha ko iyon at nagdalawang isip sa nabasa. 

Bakit ko nga ba naisip na isama sa plano ko ang magtrabaho ng masama bukod sa pagiging kawal ng kaharian? Dahil sa lalaking ito na si Raru Limbot. Siya ang pinuno ng magnanakaw sa bayan ng bansoy. Nagkita kami ng mahablot ko ang isa sa mga bata niya at balak sana ibigay sa mga kawal ng harap-harapan niya akong pinaulanan ng maliliit na kutsilyo. Mabuti nga ay marunong ako umiwas kaya hindi ako nasugatan ni isang piraso sa mga binato niya. 

Naglabas ako ng scramasax na nakatago sa ilalim ng bestida ko at mahigpit na hinawakan iyon. Nakatakbo na ang kasama niyang hawak ko kanina pero malakas ang loob ng lalaki para labanan pa ako. Sumugod siya at pinaulanan ako ng sipa at suntok pero naiwasan ko ang mga 'yon kasabay ng pagsubok na masugatan siya ng sandata ko. 

Nadaplisan ko siya sa pisngi kaya dumugo iyon. Akala ko ay lalayo na siya sa akin pero nakakuha siya ng tyempo para masipa ako sa tagiliran dahilan ng paglayo ko sa kanya at muntik na matumba. Sumugod ulit siya at naglabas ng punyal na balak itusok sa gitnang dibdib ko pero pumaikot ako at sinipa siya sa ulo. Bumagsak siya sa lupa pero bago iyon ay naihagis niya sa akin ang punyal pero naiwasan ko naman kaso nagka daplis ang taas ng kanang siko ko. 

"Pareho tayong mahirap," ubo niyang sabi. Nakahanda naman ang katawan ko baka subukan niya na naman umatake. "Kita ko sayo sa iyong kasuotan na mahirap ka lang kaya alam mo ang nararamdaman namin." 

"Masama ang magnakaw," aniko. "Mahirap tayo pero hindi ko pinili magnakaw katulad niyo." 

Pinunasan niya ang dugo sa mukha at inangat ang paningin sa akin. Seryoso ang mga mata niya pero nakangisi ang labi niya. "Magbabago rin ang isip mo," usal niya. "Mukhang tinuruan ka rin para maging tagapag tanggol ng sambayanan, pero katulad ko ay magbabago rin ang isip mo. Mahirap makapasa at mas mahirap makahanap ng trabaho. Ang mahirap ay mahirap at ang mayaman ay mas yayaman dahil sa mahihirap." 

"Ano naman? Kayang yumaman ng taong mahirap kapag nagsusumikap!" Sambit ko. 

"Talaga ba?" Mahinang tawa niya. "Ilang beses na kami nagnakaw sa mayayaman pero naging mayaman ba kami?" Aniya. "Hindi," sagot sa sariling tanong. "Kahit anong gawin nating mahihirap. Kahit na magtrabaho pa tayo nang magtrabaho pero kung walang nakapag-aral sa atin katulad ng mayayaman ay patuloy tayong maghihirap." 

Hindi ako nagsalita para pakinggan lang siya. May tama siya kung marami siya binubuhay sa pamilya at may mali rin siya kung hindi niya ginagamit sa tama yung pera na nakukuha niya. 

"Pataas nang pataas ang bayarin, alam mo ba 'yon? Mataas na bayarin pero mababa ang sweldo ng mayayaman sa mahihirap. Kahit anong sipag ay hindi mababayaran kung hindi patas ang binibigay." 

"May pamahalaan tayo, bakit hindi kayo magreklamo?" Tanong ko sa mababang tono. 

"May pamahalaan nga ba?" Naasar na tawa nito. "Tanginang pamahalaan 'yan, hindi ba nila alam na may naghihirap sa pinaggagawa ng mga mayayaman? Ininsulto at binaboy nila ang buhay namin. Hinusgahan at pinagbintangan. Isa sa amin ay nagbigay sulat sa pamahalaan pero wala ni isa ang nagbigay o nagsulong ng solusyon." 

Gusto ko hindi sumang-ayon sa kanya dahil hindi naman lahat ng mayayaman. 

"Kaya ang pagnanakaw at pananakit ang naging trabaho niyo para bumawi sa kanila?" Salubong ang kilay kong usal. 

"Tama ka," sabi niya. "Sa dami ng tulong nating mahihirap sa buhay ng mga mayayaman, walang ibinalik sa atin kung hindi diskriminasyon. Ano ba ang paraan para makabawi? Magnakaw at saktan din sila. Hindi lahat ng mahihirapan ay masama at wala kaming magagawa kung gutom ang nangunguna." 

"May mga mayayaman naman na kumukuha ng trabahador at iba sa kanila ay mataas ang magbigay ng sweldo," pahayag ko sa kanya habang tinatago na ulit ang kutsilyo ko. Naiintindihan ko naman ang sinasabi niya at ramdam ko ang hinanakit niya pero mali iyon. Masyado na napupuno ng sakit ang nararamdaman niya para ganito ang masabi niya at wala ako sa posisyon para sabihin na pigilan siya sa nararamdaman dahil hindi naman ako siya. 

"Ilan lang pero hindi lahat," wika niya at tumayo. "Balang araw, hindi sa sinusumpa kita, pero mararanasan mo rin ang hindi kapantayang trato ng mga mayayaman. Kung mangyayari iyon ay pwede ka umanib sa amin. Hindi kita tatanggihan. Huwag mo lang kami isusumbong dahil kaya kong hanapin ang bahay mo at patayin ang pamilya mo," banta niya at may tinapon na metal na nangangalawang na sa paanan ko. "Nandito lang ako sa paligid." 

Kung tutuusin mabait pa ang lalaki na iyon sa lagay niya. Siguro ay kulang sila sa malalakas na tao kaya napili niya akong umanib sa kanila. Sayang ang kakayahan ko kung ipapapatay niya ako, ano? Diba? 

Ano nga ba ang pakiramdam mapunta sa pwesto nila? Kilala ko ang sarili at gusto ko maranasan ang lahat. Gusto ko may kaalaman sa bawat sulok ng mundo habang nabubuhay. Alam kong masama pero pera ay pera. Importante ang pera para mabuhay. Masama na kung masama sa pagnanakaw pero hindi naman ako papatay. Siguro? Depende kung may nanakit sa pamilya ko. Sila ang buhay at lakas ko. Hindi pwedeng hindi ako gaganti kung sila na ang nadamay.

Pinulot ko ang metal at pinasok iyon sa bulsa ng aking bestida. Wala naman pumipigil at pumipilit sa akin na sumali sa kanila at bukod pa roon ay malalaman ko rin kung paano sila nabubuhay sa pagnanakaw. Kung totoo ngang hindi sila yumayaman sa pagnanakaw kahit na malaki at marami ang nananakaw nila, anong nangyayari sa nakukuha nila? 

Pagkalabas ko ng bahay ay bumungad sa akin ang padilim na langit. Malungkot ang mga mata kong tiningnan ito at napabuntong hininga. Ang bilis ng oras at aminado ako na nakakawalang gana kumilos dahil ang dami kong akala na napunta sa wala. Ang daming hiling na hindi naman nangyari. Sana kung maibabalik lang ang oras kanina ay tinusok ko na ang espada ko sa puso ni Nicodemius. Masakit ang ginawa niya sa akin pero mas masakit dahil nabigo ko si ama. 

"Patawarin mo ako kung gagamitin ko sa masama ang tinuro mo sa akin," bulong ko sa hangin habang iniisip si ama. Gustong-gusto ko makatulong at yumaman agad. Gusto ko na tumira sa kapitolyo para maranasan ang pamumuhay dito. Gusto ko... makita ang maharlikang pamilya. 

Benie is patiently waiting for me to mount him. I can't help but thank him for being with me all the day. Bukod kay Leo, siya ang kaibigan kong napagsasabihan ng iba't ibang kwento. Magwawala talaga ako kung mawawala siya sa akin. 

"Benie, matagal pa ulit bago tumanggap ulit ng miyembro ang pinunong kawal. Nakakalungkot dahil hindi ko nakamit ang pangarap pero babalik ako. Babalik pa rin tayo at sa pagbalik natin ay pasado na ako. Pareho tayo magpapalakas at sasali sa digmaan. Poprotektahan kita kagaya ng pagprotekta mo sa akin kanina," wika sa kabayo at hinaplos ang buhok nito. "Tara na at pumunta sa lugar na makakakuha tayo ng maraming pera." 




SeekWo Geschichten leben. Entdecke jetzt