SEEK 1

18 2 0
                                    

II Vismagnus Kingdom II

// Lia //

Labinsiyam na taon na nakalipas simula nang ipinanganak ako kasabayan ang nawawalang prinsesa. Noong ako ay anim na taong gulang, nalaman ko mula sa aking ama na ang prinsesa ay kinuha ng mga hindi kilalang tao. Malas niya, lalaki siyang malayo sa pamilya niya pero sa tingin ko ay patay na siya dahil hindi na siya hinahanap ng mga royal knight simula noong limang taon nakalipas.

"Favor and Rewards?" Narinig ko mula kay ama nang mabasa niya ang nakasulat sa dyaryo. "Akala ko ay tumigil na sila sa paghahanap sa prinsesa? Bakit ngayon lang ulit sila nagpatuloy pagkatapos ng limang taon?"

"Mukhang lahat ay hinihikayat ng kamahalan na mahanap ang prinsesa nila, Ricardo," wika ni ina at inilagay ang mainit na kape sa harap ni ama. Patuloy naman ako sa pagkain habang nakikinig sa kanila.

"Umaasa pa sila buhay ang prinsesa?" Natatawang sabi ko. "Kung ako kay kamahalan tatanggapin ko na patay na siya—"

"Lia!" Suway sa akin ni ina at sinamaan ako ng tingin. "Huwag ka ganyan, anak. Hindi mo alam ang nararamdaman ng isang magulang. Kapag ikaw ay nawala, kahit mahirap tayo, ipapahanap ka namin ni Ricardo dahil ganun ka namin ka mahal!"

I feel touched by her words so I give her my expression of love. "Aw, I love you too!" Paglalambing ko at ngumiti ng malaki.

Napailing nalang siya pero nakangiti na bumalik sa kusina. Nilingon ko si ama at ngumiti rin. "Are we going to practice sword again?" Tanong ko sa kanya.

"I'm proud of your English, my dear," nakangiting sabi ni ama. "But don't let anyone know you're reading and learning, Lia. Alam mo ang diskriminasyon ng mga mayayaman, kapag marunong ka ay sasaktan ka nila dahil hindi ito tinuturo sa mahihirap."

Tumango ako. Diskriminasyon sa mahihirap. Kung tutuusin marami sa amin ang matalino sadyang hindi lang tinutukan ng paaralan dahil wala kaming mabibigay na pera sa pang-aral at karagdagang kasanayan. "Pangako, ama. Itatago ko ito hanggat kaya pero alam mo naman na sanay na ako magsalita dahil sa pagbabasa ko ng mga libro."

"Mabuti iyon, Lia anak. Kaya nga tinuturuan kita ng mga nalalaman ko noong ako ay kawal pa ng kaharian para kung may umapi man sa iyo ay makakayanan mo depensahan ang sarili," nakangiti niyang sabi.

"Salamat, ama," aniko at ngumiti ng malaki.

Marami ang napapaisip kung bakit mahirap ang pamilya namin kahit naging isa sa mga kawal si ama. Malaki ang kanilang sweldo, oo, pero dahil sa isang akusa ay nawalan siya ng trabaho at ari-arian. Siya ay napagbintangan nangangaliwa noong siya ay may nobya na mayaman at dahil kakayahan ang babae ay nagawa niya pabagsakin si ama hanggang maghirap ito. Good thing he met my mother. I always see their love and affection to each other kaya nakaka proud maging anak nila.

"Lia," pagtawag sa akin pagkatapos ng ilang minuto na katahimikan. Katatapos ko lang uminom ng tubig ng mapatingin sa kanya. "The knight application is open now, will you like to join?"

Napaupo ako ng tuwid at natuwa sa narinig. "Oo, ama. Gusto ko sumali! Alam mo kung gaano ako kasaya noong tinuruan mo ako ng mga natutunan mo sa laban at mas sasaya ako kung sasali ako sa royal knights!"

Napangiti siya sa akin at napatango. "Kailan mo gusto umalis?"

"Aalis ka, ate?" Napalingon kami sa kagigising na si Leo, ang bunso kong kapatid na sampung taon. Inaya ko siya umupo sa tabi ko at niyakap siya.

"Leo, alam mo ang hirap ng buhay natin at alam mo rin na gusto ko tulungan sila ina at ama, hindi ba?" Sabi ko na kina tango niya habang nakatingin sa akin. Nginitian ko siya at tinanggal ang muta sa kanang mata niya. "Ang pagsali sa pakikipaglaban ay gusto ko maranasan at ipaglaban din si ama."

SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon