SEEK 8

9 1 1
                                    

// Lia //

Humilig ako sa puno at humikab. Tanghali na pero wala akong magawa kundi panoorin ang mga bata maglaro sa harap ng bahay. Ang saya-saya nila tingnan at parang walang problema na iniisip. Sana hindi na lang sila lumaki para hindi nila maranasan ang bigat ng buhay.

Napalingon ako kay Bettina kasama si Joseff, nasa maliit na lamesa sila at binibilang ang pilak na pera ng mabenta ang nakuha nilang tatlong bulaklak na plorera, dalawang maliit at isang malaki. Mukha pa silang dismiyado dahil mababang halaga sa kanila binili ang plorera pero wala na rin naman magagawa dahil may guhit na pinsala na ang tatlong plorera.

Humangin ng malakas kaya ipinikit ko ang mga mata. Naramdaman ko ang nakapalibot na tela sa malaking sugat ko kaya umayos ako ng pagkaka upo para hindi ako mangalay at sumakit iyon. Mag-iisang buwan na ako rito at masaya naman sa pakiramdam dahil nakakapagpadala ako kila ina at ama ng pera kapag nagpapakita ang tatlong kaibigan ni ama sa akin.

"Kumusta ang sugat mo, Ate Lialy?" Tanong ni Johanna sa akin, ang nag-iisang 16 years old sa grupo. Palapit palang siya sa akin kaya hinintay ko muna siya huminto sa tabi ko at tabihan ako. Pasimple akong napangiti dahil ramdam kong nagiging malapit na rin silang lahat sa akin.

"Ayos lang," sagot ko. "Kumusta ang pag-aaral mo ng English? Nakaka buo ka na ba ng maraming salita?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "Nakapagsulat ako ng tula para sa'yo, Ate Lia. Medyo tabingi pa ang English ko at hindi pa ganun kagalingan ang tula ko pero sana magustuhan mo," aniya.

Masaya ang kalooban kong kinuha sa kanya ang papel at binuklat ito sa pagkaka tupi. Sabik na sabik akong mabasa ito at nakita ang titulo sa pinaka taas. Nakaramdam ako ng init sa puso at saya sa tuwa.

"The book," basa ko sa pamagat.

A book was offered to me,
I refused because I thought it was never free,
I tried to stay away,
But it took my breath away.

I saw the contents,
And I was amazed about the continents,
Every pages turned,
There are words I learned.

I want a book of wisdom,
Because I learn about freedom,
To see the rainbow,
Is to see the true colors.

Tiningnan ko si Johanna at ngumiti ng malawak. "Ang galing mo na," puri ko sa kanya.

Ngumiti siya ng malaki at nahiya pa kaunti. "S-salamat, Ate Lia, ang galing mo kasi magturo."

I feel proud of her and I feel more proud of myself because I achieved my goal helping them to learn and gain knowledge. I'm happy because they can able to understand some english sentences now and use them as they want. Kaso ayun lang, ipinagbabawal pa rin ang paggamit nito sa estado nila at baka magalit daw ang mga mayayaman. If I know, takot lang sila malamangan ng mga matalinong mahihirap lalo na ang karamihan ay masisipag at may pagtitiyaga.

Pasimple akong bumuntong hininga at simple na ngumiti sa kanya. Johannah has a chinky dark brown eyes and a short jet black hair above her shoulders. She looks judgemental but she's the kindest in her teens. Ramdan ko ang pagiging ate ko sa kanya sa tuwing tinitingnan niya ako na may respeto sa mga mata.

"Can I hug you?" I asked her, opening my arms for her. Kumunot saglit ang noo niya pero lumapit din para yakapin ako.

"Bakit, Ate? May problema po ba?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.

Hindi ako sumagot dahil iniisip ko ang isang tao. She's going to be 17 this year and I won't be able to join to celebrate her birthday.

"Naalala ko lang ang isa sa mga kaibigan ko," mahina kong sabi habang nakatulala sa kawalan. "Alam kong kasing laki mo na siya at gusto ko siya makita kaso magkalayo ang lugar at estado namin sa buhay."

SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon