SEEK 4

7 1 0
                                    

// Lia //

When it's our time to fight, I can't help but feel more nervous. Although I'm not letting them see what I'm feeling, it's making me uneasy especially since they are cheering for him and not me. Babae ako, ah? Bakit hindi ang pangalan ko ang ihiyaw ninyo. 

Malakas ba ang lalaki na ito? Hindi ba sabi nung pinuno ng kawal ay ipapareha niya ako sa mas malakas sakin? Gaano ba siya kalakas kung natalo ko siya kaninang umaga?

"UMPISAHAN NA ANG LABAN!" Masayang deklara ng pinunong kawal. 

Huminga ako ng malalim at tinibayan ang sarili. Nauna akong sumugod kay Nicodemius at pinaulunan siya ng sipa mula ulo hanggang tuhod pero dinedepensahan niya lang ang sarili. Nang makita ko na igagalaw niya ang kanang paa para patirin ang nag iisa kong binti ay mabilis akong nag tumambling palikod at palayo sa kanya. Alam kong mapupunta agad siya sa harapan ko kaya bago pa ako makatayo ay mabilis ako yumuko para iwasan ang suntok niya at saka siya tinapunan ng sipa sa tagiliran. 

Napalayo siya sa akin at mangha ang kanyang ekspresyon. Dumaan ang kislap sa mga mata niya at pakiramdam ko ay may kahulugan iyon. Ngayon ay siya naman ang mabilis na kumilos at pinaulanan ako ng suntok na aking iniiwasan at sinasalag habang kumukuha ng tyempo para maatake siya pabalik.

Lumakas nang lumakas ang hiyawan at medyo nahihirapan ako sa kanya dahil malaki siya. Hindi ko rin maitatanggi na matigas ang katawan niya dahil hindi nga ako sinanay sa ganitong laban. Kung sandata lang sana ay magagawa ko pa siya matalo o kung may tyansa ay mapuruhan ng sugat. 

Napadaing ako sa sakit ng tumama ang kamao niya sa pisngi kung nasaan ang sugat ko. Malakas iyon dahilan para muntik na ako mawalan ng balanse. Sunod kong naramdaman ay balak niya akong sipain sa t'yan kaya bago niya pa iyon magawa gamit ang kanang paa niya, mabilis kong inangat ang kaliwang binti para salagin siya pero hindi ko inaasahan na sa sobrang lakas ng ibinigay niyang pwersa ay bumagsak ako sa lupa. Umangat ang sakit sa buong katawan ko ng maunang tumama sa lupa ang gilid ng katawan ko at naramdaman ko pa ang pagtama ng bewang ko. 

Hingal at hilo akong napatingin sa lupa. Aminado akong talo ako sa pisikalan pero kung magbibigay lang sana sila ng espada ay sinisigurado kong tatalunin ko ang lalaking ito. Nakarinig ako sa malayo ng tunog ng metal kaya mabilis kong nilingon ang likuran ng lalaking kalaban ko. 

"ESPADA! ESPADA! ESPADA!" Sigaw ng manonood. 

Tumagilid ang ulo ni Nicodemius habang nakatingin sa akin. "Are you giving up?" 

Lumunok ako ng laway at tumayo mag-isa. Wala sa itsura niya na aatakihin niya ako kaya buong lakas ko siyang sinugod at tinakot na susuntukin sa mukha. Kumilos ang kanang braso niya para protektahan ang sarili pero sa kanan ko talaga siya balak suntukin para makaganti. Naramdaman ko sa kamao ang tigas ng bungo niya at pareho kami napalayo sa isa't isa. Hingal man ay mabilis kong tinakbo ang espada, kinuha ito at saka humarap sa kanya. 

 Huminga ako ng malalim ng may nakitang may hawak na rin siya. Hindi ko alam saan niya nakuha ang espada niya pero maganda iyon para patas ang laban. Seryoso ang mukha niya at kita sa mukha niya ang pula ng pisngi. Muntik na ako matawa dahil bumakat ang kamao ko sa kanya. Pansin ko rin ang pagputok ng labi niya kaya napalabas ko ang dila para tingnan kung nasugatan din ba ang magkabilaang gilid ng labi ko pero mabuti ay hindi naman. 

Hinanda ko ang sarili ng mauna siyang sumugod at paangat na itinaas ang espadang umatake sa akin. Pasensya siya dahil pinakita ni ama ang ganyang galawan kaya alam ko ang gagawin.  Mabilis akong umiwas patagilid at ipinaikot sa likod ng katawan ko ang espada para mapunta sa kaliwang kamay ko. Akala niya siguro aatakehin ko siya sa harapan pero nang mahawakan ko sa kaliwang kamay ang espada ay saka ko inihampas ng malakas ang katawan ng espada sa likod niya. 

SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon