Chapter 9

493 17 0
                                    

Pagkatapos ng gabing iyon ay di ko parin talaga kayang maging masaya..

Kasi naman, palagi ko silang nakikitang magkasama at sobrang saya nilang tingnan.. habang ako'y nasa isang sulok, lihim na sumusulyap, tumitingin at nagmamasid..

Ang sakit namam kasi talaga eh.. Gusto kong umiyak pero hindi dapat kasi sa tingin ko ay hindi dapat kasi hindi naman siya naging akin in the first place..

At aside dun ay isang bagay lang ang nasa isip ko na nagdulot rin ng sakit na ito..

Ito ay ang katotohanang.. lumalapit at kinakausap niya nalang ako kapag may kailangan siya simula nung nagka boyfriend na siya.. Option niya lang talaga ako eh..

Kaya nga di ko parin maintindihan yung puso ko kung bakit ko parin tinutulak yung sarili ko kahit alam ko na naman iyon noon pa..

Kasalukuyan kong kasama si Althea ngayon... at tama nga kayo, may kailangan siya sa'kin..

Magpapahatid siya sa'kin kasi nga daw, busy yung boyfriend niya.. Di ko alam kung bakit pumayag ako.. tanga talaga ako kahit kailan.. eh sa gusto ng puso ko eh..

Di ko kaya ang atmosphere sa pagitan naming dalawa kasi tahimik lng kami.. awkward talaga para sa'kin ang pansinin siya di ko alam kung paano basagin ang katahimikan samantalang siya, ngiti lang ng ngiti..

Siya na mismo ang bumasag sa katahimikan pero nakangiti parin siya..

"Alam mo Raprap, ang saya-saya ko!"

Mabuti pa siya, masaya.. habang ako dito, patuloy na nagdurusa nang dahil sa kanya..

"Mabuti naman.. Sana maging masaya kana palagi.." sambit ko at ngumiti ng mapakla..

"Sana nga.. pagod narin akong masaktan. Pakiramdam ko nga ito na talaga yung hinihintay ko.."








spell durog? P-U-S-O-K-O

"Mahal mo talaga siya no? " as usual, ngiting mapakla lang

"Oo naman! Sobra-sobra!" ^_________^ sagot niya kasabay ang napakalapad na ngiti..

Durog na durog na talaga eh.. di niya ba talaga nararamdaman ang pagmamahal ko? Manhid nga siguro siya..

Nanahimik na lang ako kasi di ko na kaya't baka tuluyan ko nang iiyak tong sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.. Hanggang sa narating na namin bahay nila at simpleng paalam na lang ang ginawa ko at umalis.. wala na ang dating closeness at kulitan namin noon..

Isa lang naman ang hinihiling ko ngayon eh dahil alam kong di niya ako kayang mahalin, basta't maging masaya lang siya, magiging okay rin ako.. di ko nga lang alam kung kailan T-T

Nagpahinga na ako para makaipon lakas sa susunod pang pasakit na haharapin ko..




Lumipas ang isang linggo at unti-unti ko nang naaaccept yung sa kanila ni Althea at boyfriend nya pero kahit papaano ay nakakaramdam parin ako ng sakit pag nakikita ko silang magkasama at ang pagiging sweet nila sa isa't isa..

"Pero pansin ko lang, ba't ang tamlay na naman ni Theangtheang ngayun? May nangyari kaya?" Bulong ko sa sarili ko..

Dahil di ako mapakali pag hindi ko nalalaman kung bakit na naman siya nagkakaganyan.. Dahil sa curiosity ko ay sinusundan ko na talaga siya pero syempre di ako nagpapakita..

Palagi ko siyang nakikitang nag-iisa at nakatulala.. minsan sa may garden, minsan sa classroom lang.. Hindi ko parin siya nilalapitan hanggang sa umuwi..

Patuloy ang ganoong routine ko hangga't di ko parin alam.. pero di ko rin talaga inaasahan na siya mismo ang lumapit sa akin at sinabi ang nangyari..







Secretly Loving My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now