Chapter 7

676 18 0
                                    

And here's another update.. hangga't may time po ako ay lulubusin ko na ang pag uupdate dahil pag ako nawalan ng time, medyo matagal-tagal pa bago ako makapag-update ulit.. Enjoy!

------------------------------------------------------------------

Uwian na at as usual, magkasabay kaming umuwi ni Althea.. Nag-aasaran lang kami habang naglalakad.. Medyo natutuwa naman ako kasi kahit papaano ay siya yung unang nang-aasar sa akin kaya sinasabayan ko na kkoo siya... Ilang minuto lang habang naglalakad kami ay napansin kong tumahimik siyang bigla..


Nang tingnan ko siya nagbabadyang tumulo ang kanyang luha habang nakatingin sa isang side.. di ko natiis kaya tiningnan ko kung ano ang nanduon...

Nang tinignan ko na iyon ay biglang tumiim ang bagang ko dahil sa galit at kasabay nito ay ang pagsakit ng aking dibdib dahil nakikita ko na naman ang babaeng mahal ko na umiiyak... umiiyak dahil nasasaktan..

At wala pala ang sinabi kong lingunin upang makita kung ano yung noon kasi dapat pala, lingunin kung sino ang nandoon... hindi ANO kundi SINO..


At nakita ko lang naman ang lalaking naging dahilan kung bakit nagkakaganito si Althea.. Akmang lalapitan ko siya kaya lang ay hinawakan na naman ni Theangtheang ang kamay ko at sinabing....

"Wag na Raprap.. wag mong sayangin ang oras mo dahil sa kanya.. tama nang nagsayang ako ng maraming luha nang dahil lang sa walang kwentang katulad niya.." pilit siyang ngumiti kahit alam kong malungkot talaga siya...

Gaya ng sinabi niya ay hinayaan ko na at naglakad na ulit kami pauwi.. Habang naglalakad kami ay naisipan kong mamasyal muna at pumunta sa playground kaya naman ay niyaya ko si Theangtheang..

"Theang, gusto mo bang mamasyal? Total maaga pa naman..." aya ko sa kanya..

"Ha? O sige pero diyan nalang tayo sa playground.. please.."

Ayan! Di ko na kailangan sabihin kung saan kasi naman sinabi na niya...

"Oh sige.. actually doon naman talaga balak mamasyal... tara na?!"

"Sige! Tara na! Dali! " di naman halatang excited siya -.-


Naglaro kami doon.. pinilit ko talaga siyang maglaro kahit pamabata kasi ayaw niya daw talaga.. kasi naman hindi ako madaling sumuko basta ba hindi ako susukuan..

Naglaro kami sa slides, seesaw, swing na syempre siya yung nakasakay at ako yung nagtutulak.. tapos ay nakisali pa kami sa mga batang naglalaro ng habulan, tumbang preso, piko, at patentero.. Bumili din kami ng street foods at kinain namin iyon habang naglalakad kami pauwi...







Short POV of Althea

Medyo nakakalimutan ko talaga yung problema ko kapag kasama ko si Raprap.. Nagpapasalamat talaga ako kasi kailanmam aybdi niya ako iniwan.. Hindi niya pinaparamdam sa akin na nag-iisa ako at hindi niya hinahayaang isipin ko yung mga problema ko..

Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi.. Dala-dala niya yung mga gamit ko.. Ang sweet -sweet niya talaga.. Ang galing din niyang magcomfort at higit sa lahat, hindi ko inaasahan magbibigay ng advice na tanging yung may karanasan lang ang may alam.. minsan nga kahit may karanasan, wala paring alam..

Nagtataka parin talaga ako kung bakit wala parin siyang girlfriend kaya ay di ko natiis at tinanong ko na talaga siya ulit..

"Raprap.." tawag ko

"Hmm.. Bakit?"

"Bakit ba wala ka paring girlfriend??"

"Sinabi mo na nga po yung dahilan diba??"

Ano ba yan! Ba't niya ba sineseryoso ang mga sinabi kong iyon??

"Seryoso kasi iiihhhhh!!! >3>" pilit ko sa kanya..

"Gusto mo ba talaga malaman kung bakit??" Tanong niya pabalik.. tinatanong pa ba yun? Hindi naman ako mamimilit kung di ko gustong malaman.. Hmm!

"Siyempre naman no! Diba walang lihiman? :3" paalala ko..

"Eh kasi, may gusto akong babae pero sa tingin ko hindi pa siya ready and besides, di niya rin alam na gusto ko siya.." paliwanag niya..

Whoah! Hah! May nagugustuhan na siya.. At sino naman kaya ang maswerteng babaeng yon? Hmm -.-

"Talaga!!!!! Ihhhhh!!! Sino ng pala yan?? Share mo rin dali!!"

Pero biglang naging pokerface yung mukha niya at sinabing....

"Not now theang.. soon you'll know if I'm ready to confess about my feelings to her.."

"Ay? Ganun? Sige na nga,, di na ako mamimilit...."

Kanina bago niya sinabing may gusto siyang ibang babae ay isa lang ang nasa isip ko noon... "bakit di nalang ikaw??" Pero sabi niya nga diba? May gusto na siyang iba kaya minabuti kong pigilan na lamang ang nararamdaman kong ito..


*End of her POV*







James POV

Medyo gumaan yung pakiramdam ko kasi akala ko talaga hindi siya maglalaro pero ito nga't siya pa ang nag-aaya maglaro ng iba't-ibang laro at nakisali pa in kami sa mga bata doon...


Pauwi na kami at tuwang-tuwa siyang kinukwento yung mga nangyaring mga epic fail niya kanina.. Natutuwa rin ako di dahil sa kwento niya kundi dahil sa kanya mismo...








Napapatawa at napapangiti ko naman siya,







Dinadamayan ko siya sa kanyang problema,






Nagagawa kong ipalimot yung problema pa ako ang kasama niya...








Hindi ko siya iniiwan gaya ng ginawa niya ng boyfriend niya...



















Pero bakit ba??? MANHID ba talaga siya para di maramdaman??
























Ano bang meron sila na wala ako???!!!! BAKIT DI NALANG AKO????!!!!!


-------------------------------------------------------

Please don't forget to vote and comment your observations para naman may matutunan ako.. Ang silent talaga ng mga readers... Follow niyo na rin po ako... Arigatou!!

Secretly Loving My Bestfriend (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें