Chapter 1

4.2K 54 2
                                    

James' POV


Napasarap ang tulog ko kagabi kahit wala naman akong ginawang mabigat. Ganun talaga siguro, minsan nag-iinitiate na yung katawan natin na gawan ng paraan ang mga problemang di na natin napapansin, gaya ng pagpapahinga kapag pagod na kahit akala nati'y hindi pa.

Naalimpungatan ako sa ingay na nagmumula sa ibabaw ng mesa sa gilid ng kama ko. Bwiset na buhay naman to oh! Ang ingay ingay eh.

Nang tumigil na ito sa pag-iingay ay muli kong ipinikit ang bumibigat ko paring talukap. Ang akala kong mahihimbing na ako ay mali pala dahil ilang saglit lang ay binulabog na naman ang maikling tulog ko na siyang gumulat sa akin kaya naman ay biglang napatalon at nahulog ako sa kama.

Ah puta ang sakit ng balakang ko. Dahil doo'y bigkang nagising ang buong diwa ko kaya't agad kong hinarap ang maingay na bagay na iyon at binato sa dingding. Pesteng alarm clock, panira ng tulog. Makabili na nga lang ng bago.

Akala ko'y gising na talaga ang diwa ko ngunit nang lumingon ako sa kabilang bahagi ay biglang parang inaakit na naman ako ng kama ko. Ah wala ng istorbo, maka tulog na nga ulit.


Nang nasa kalahati na ako bago tuluyang makaidlip ay isang nakakabinging sigaw ang muling gumising sa akin. Yamot na yamot na ako dahil sa antok. Sisinghalan ko na sana yung kung sino mang sumigaw ay nagsalita na naman ito ulit, more like sumigaw.

"Hoy James! Ano pang hinihiga-higa mo diyan?! Ala siete na ng umaga!", sigaw ng tita ko sa mula sa labas ng kwarto ko. Lakas 'di ba? Parang nakalunok lang ng isang dosenang megaphone na ginagamit ng mga nagtitinda ng isda tuwing umaga na talagang nakakarindi pakinggan.

Sa inis ko'y napadabog ako tsaka humiga ulit sabay talukbong ng kumot at tinakpan yung buong ulo ko para di ko na marinig pa ang kaingayan sa labas. Bahala siya diyan, di naman ako yung sasakit ang lalamunan kakasigaw.

Bigla-bigla'y bumukas yung pintuan ko na akala mo'y may balak talagang sirain eh, tss. "Ano ba James?! Kahit kailan ka talagang bata ka oh! Ano babangon ka diyan o babangon ka?!" singhal sa akin ng mahal kong tiyahin.

"Tita naman eh. Inaantok pa talaga ako 'ta. Tutulog muna ako"  walang gana kong sagot at binalik yung pagkakatalukbong ng kumot at pagkakatakip ng unan sa ulo ko. Alam ko titigilan na ako niyan. Mabait yan tita ko eh, pagpapahingahin lang ako niyan.



"Ah ganun? Sige matulog ka na lang dyan at wag ka nang mag-aral. Hinding-hindi na talaga kita papag-aralin kahit kailan. Maganda yun diba?"   malumanay pero puno ng pagbabanta at pananakot ang pagkakasabi niya nyan. Napasimangot na lang ako at bigong bumangon mula sa pagkakahiga.

"Oo naman! Ansaya at ang ganda nun 'ta!", kunyari masigla ngunit puno ng sarkasmo kong sagot sa kanya sabay irap sa ere buntong hininga. "Oh diba?? Gusto mo ba yun?", gatong pa niya sa pagkayamot ko.

"Tsk! Oo na, eto na nga eh! Babangon na nga... bwisit talaga" , agad kong sagot sa kanya na yamot na yamot talaga sabay pabulong na ang pagkakasabi ko sa huling dalawang salita."May sinasabi kang bata ka??", agad niyang tanong. Nagulat ako at kinabahan ng konti dahil baka narinig niya yung sinabi ko.

"Hah? Ah sabi ko  ko po ang  ganda niyo talaga kaya siguro mahal na mahal kayo ni tito!", taranta kong pagbawi agad-agad dahil baka talagang narinig niya at magalit na. Kainis naman talaga oh!

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi nagalit. Baka nga di nito narinig yung sinabi ko kanina . Akala ko'y lumabas na siya agad dahil biglang tumahimik ang paligid ngunit paglingoon ko'y...




"^__________^ talaga?? naku hihihi.. " , pabebe niyang tanong sabay kurap-kurap ng mata na parang nag bibeautiful eyes. Makaasta to akala mo talaga dalaga eh no? -_- at talaga namang uto-uto talaga tung babaeng to kaya siguro madali lang siyang nakuha ni tito.

Don't get me wrong. I love my tita, pati si tito ko but there's just a few times na napaka-childish nilang dalawa. Mas bata pa nga umasta sa'kin eh. Yun nga lang, nakakatakot din pag seryoso na masyado.

"Oh sige na, magprepare ka na at malelate ka na talaga!", dagdag niya pang sabi na di parin maalis-alis ang malapad niyang ngisi at ngumunguso pa ng konti para magpigil ng ngiti. Sarap hilahin ng nguso eh, abusada talaga. Pero wag kayo ha, hindi ako galit dyan. Sadyang ganyan lang talaga ako maglambing minsan.

Yeah. Kahit naman ulila ako eh marunong din ako ng ganun. Madalang nga lang masyado, kapag gusto ko lang o kung kinakailangan. Alam niyo na ibig kong sabihin. Hahays.


Nang tuluyan na siyang lumabas ay napa buntong-hinings na lang ako ng malalim. Buhay nga naman, parang life. Dali-dali nalang din akong naligo at hinanda ko na ang mga gamit ko pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba para kumain na..


"Kumain ka na James dahil late ka na", aya sa'kin ni tita. Kaya naman ay kumain na ako. At dahil di ako sanay kumain ng agahan ay isang hotdog lang ang kinain ko at uminom ng gatas. Bakit? Wala ka na dun, eh sa mahal ako ng tita ko eh, anong magagawa ko? Lakampake dun -_-

"Tapos na po ako, alis na po ako 'ta", sabi ko agad while nagmamadali sa pagnguya at paglunok ng kinakain ko sabay ubos sa isang baso ng gatas.

"Teka lang, oh eto na yung allowance mo atsaka yung lunchbox mo ha wag mong kalilimutan. Alam ko hindi healthy ang mga pagkain dun sa school mo", bigla niyan sabi bago pa ako makaalis na siya ikinapantig ng tenga ko. Inis na nagdabog at nagkamot sa ulo ako sabay harap sa kanya. "Tita naman eh"

Yung totoo? 15 na ba talaga ako para sa kanya o 5? Hays. Eto pinakaayaw ko ko kapag masyado siyang in good mood eh, binebaby ako. No choice kaya hinayaan ko nalang kesa naman pagalitan pa ako nito. "Asus! haha binata kana talaga haha pero wag mo paring kalimutan" , nakuha pa talaga akong biruin nito eh.

"Hays. Yeah sure. Sige na I'll go na 'ta, love you", pagsuko ko nalang para makaalis at saka hinalikan yung tita ko sa noo.

Yep. I may distance myself away from people but it doesn't change the fact na may pagmamahal din naman ako para sa mga tumayong magulang sa'kin.

"Naku naku tung batang to oo.. naglalambing na naman.. o syasige na't late na late ka na talaga..", nakangiti niyang sabi. Yeah she's happy with that. Ilang beses na niya akong sinabihan na wag ilayo ang loob ko sa iba na hindi ko naman sinunod, aside from them lang din anyway.

"Alright, I'll go na 'ta. Take care here ha?" sabi ko sa kanya at naglakad na palabas ng bahay. Nang makapara na ako ng tricycle at agad akong sumakay at tumungo na sa school.

-------------------------------------------------------------------------

Don't forget to click / tap the vote button and leave a comment or suggestion. Ciao!

Secretly Loving My Bestfriend (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora