Chapter 3

1.3K 21 0
                                    

"HUUUUYYYYYY!!!!!!"

at ayun ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan..

"H..h-haaah??? Ah.. eh"

"Diba group 1 ka?? Lika na! Magpapraktis na tayo!"

Ako namn tong si gago at tinitigan lang siya..

Syet! Tumulo yung laway ko!!! Laptrip!!

Pero joke lng yun no..

"Ah sige! Sige!"

"Sige ka nang sige pero nakatunganga ka parin.. Halika na nga!!"  At hinila po ako ng lola nyo!! Haha

"Oh ganito gagawin natin at ito ang kakantahin natin *ek ek chu chu* .."  at yun daw ang ipepresent namin..

"Ok class tapos na ang 30 minuto kaya magsibalik na kayo sa inyong upuan.. oh sige mauuna ang Group 1 sa kanilang presentasyon.."

At ayun nga, nagsimula na kami sa aming yell...

Hanggang sa natapos ang lahat sa presentasyon ay nagbigay ng komento ang guro..

"Maganda ang pinakita niyong presentasyon kahit 30 minuto lang ang binigay kong oras sa inyo.. pero ang nakakuha ng pinakamataas na marka ay ang ... Group 1!!   Sa susunod ulit.. Paalam sa lahat!"

"Paalam at maraming salamat po Gng. Bautista!" -kami

"Uy! Ang galing mo ah! Tayo may pinakamataas na score.."

"Di ah! Magaling ka lang talagang gumawa ng yell at magturo.."

"Asus! Nambola ka pa! Oh siya ako nga pala si Althea.. ikaw??"

"James Raffy!! Hehehe.." napakamot ako sa batok sabay yuko.. parang nahiya ako eh..

"Pwede bang Raprap tawag ko sayo??" :3 Sabay pout pa.. pakshet hangkyuut!! Haha

"Hah?! Ah eh.. hehehe" di ako makasagot kasi nga ang kyut niya..

"Ayaw mo?? Ok lng nmn kung ayaw mo.. :3" nagpout ulit.. ay! Naku! Naku! Naku! Napailing na lang ako..

"Ah, hindi okay lng nmn.. first time kasi eh kaya medyo na shock lang ako.."

"Yes! Hahaha.. may mga friends ka na ba Raprap?? Hehe kung wala, eh di sabay tayo magrecess.."

"Ah.. wala pa nga eh.. nahihiya kasi ako eh.."

"Ah ganun ba? Sige ako nlng friend mo.. although may iba pa akong mga friends.. okay lang ba sayo??"

"Hah? Ah, oo naman no! Mabuti nga't may nakipagfriend pa sa akin eh.."

"Haha.. ako lang tatawag sayo ng Raprap hah?!" nagpout rin siya.. haha cute talaga..

"Oo, sige pero.... Sa isang kundisyon..!" Hahaha kala mo ikaw lang hah?!

":3 ay? Ano ba yang kondisyon mo??"   Haha pout na nman.. madaya to ah.. pout ng pout para pagbigyan.. pero di ko rin alam kung bakit ko siya pinagbibigyan.. hmm..

"Pwede ring ba kitang tawaging Theangtheang (A/N pronounced as Tyangtyang po.. wala akong maisip na name eh..)??"

"Yun lang pala eh!! Oo naman siyempre pwede!"

Yes!  "Pwde rin bang ako lang tatawag nun sayo??"

"Hahaha.. possessive much?? Joke haha.. siyempre.. ikaw lang kaya nagbigay sa'kin ng palayaw na yun.."

Buti naman..

Papunta na kami sa canteen habang nagkukwentuhan..

Matapos naming magrecess ay bumalik na kami sa room..

Ang bilis talaga ng oras at palabas na ako ng gate para umuwi kaso..

"Raprap!!! Raprap!! Hintay!!"

Lumingon ako sa gilid ko.. wala naman.. paglingon ko sa harap ay nandun nakatayo ang isang  magandang dalaga... este si Althea pala..

"Oh, theangtheang?? Bakit? May kailangan ka ba??"

"Wala naman.. pauwi ka na diba?? Malapit lang kasi bahay namin sa inyo.. Pwede bang sumabay??"

Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug!

Parang bumilis yung heartbeat ko pagkasabi niya nun.. Natulala ako sa harap niya bigla..

"Hah?! Ah.. oh sige... pero......" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya ito..

"Ayan!! Haha sige sige tara na!!!! Dali!!!!!"  at nanghila na naman ang lola niyo -.-

Pauwi na kami pero dahil sa kadaldalan ng babaeng to..

"May girlfriend ka na??"

Sandali akong natigilan sa tinanong niya.. Langya tong babaeng to.. tsismosa eh..

"Hah?! Ah eh.. wala eh.. hehehe"

"Ganun? Bakit wala? Wag mong sabihing....."

"Hell no!! Ano ka ba.. tinanong mo kung meron eh di sinabi ko wala.. sana tinanong mo kung nagkaroon para malinaw -.- langya ka kung anu-ano pang sinasabi mo dyan.."

"Eh? Haha so nagkaroon ka na?? Kwento mo dali!!!!"

"Kris TV ba ito o The Buzz?? -.- napakausisera mo talaga!"

"Ano ba yan.. nagtatanong lang eh! Sungit..:3 "

Pout ng pout kala mo cute.. eh sobrang cute nya kaya.. nakaka-inlove..

O.O

Di joke lang yun no! Tse! Wag nga kayo!

"Basta! Tanong ka ng tanong sa'kin samantalang ako eh pamgalan mo lang ang alam ko.. -.- "

"Ay? Hehehe ganun ba? Sige ikaw naman magtanong.."

"Wag na!"

"Asus! Nagtampo na po si lolo -.-"

"Wag na nga eh.. pag ako nagtanong di talaga kita tatantanan hangga't di mo pa nasasagot lahat ng tanong ko.."

"Ok lang naman yun eh!! Sige na!! Ayiiieehhhh!!! Nahihiya siya sa akin! Hahaha magtanong ka na kasi!"

"Sa susunod na! Malapit na tayo eh!"

"Ikaw bahala! Haha basta wag kang mahiya ano ka ba!"

"Oo na! Oo na! "

"Good! Haha oh ayan na bahay namin.. salamat sa paghatid! ^_________^"

Paghatid daw! Eh siya kaya yung namilit na sumama tapos sasabihin niyang salamat sa paghatid -.-" ano ba yan..

"Hah? Ah walang anu man! Sige!"

"Haha sa uulitin!! Ingat ka!!"

Uulitin?? Aba! Abusada tong babaeng to eh..!!

"Ah.. sige! Alis na ako.."

Umalis na agad ako.. baka kung ano na naman ang sabihin nun -.-

Nang umuwi na ako ay ginawa ko na ang mga gawaing-bahay at mga takdang-aralin.. At dahil napagod ako, ayun KNOCK OUT!!



Nagpatuloy po ang ganuung habit ng babaeng yun.. hanggang sa naging close friends na kami.....

-----------------------------------------------------------

Don't forget to vote and comment.. At siyempre, follow niyo po ako..

Secretly Loving My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now