Chapter 5

559 15 0
                                    

Naka-update narin sa wakas! Pasensya sa mga nag-aabang.. Yan ay kung talagang may nag aabang! xD haha.. hayaan nyo na lang po akong mangarap.. Hectic talaga schedule namin eh.. Ganun talaga pag matalino.. at ganun din talaga pag BH.. Ang hirap mag move-on.. kayo na bahala mag isip kung anong konek nun.. So here's the chapter..

------------------------------------------------------------------------

Matapos ko siyang ihatid ay umuwi na rin ako at nagpahinga.. Sinubukan kong matulog dahil talagang pagod ako.. Pero kahit anong pilit ko ay hindi tlaga ako makatulog.. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko yung mukha ni Theangtheang na umiiyak dahil nasasaktan. Di ko nga alam kung bakit ko to nararamdaman. Dahil wala pa talaga akong experience ay nagtanong ako sa expert.....







'

Yun ay ang tito ko.....




Lumabas ako ng kwarto at bumaba.. Hinanap ko si tito sa buong bahay at dun ko lang siya nakita sa may garden na nakaupo at umiinom ng wine..

Nang makita ko siya doon, isa lang ang agad na pumasok sa isip ko except nung talagang kailangan ko..

Yun ay gusto ko ring uminom ng wine...

Kasi naman eh.. hilig ko talagang uminom ng wine..

Lumapit ako sa tito ko..

"Tito, pwede po bang uminom nyan? Total wala namang pasok bukas eh.. atsaka di naman po madami yung iinumin ko.."

"O sige.. pero bakit parang ang tamlay mo yata?? At mukhang problemado ka pa.. may nangyari ba?"

Ayan.. nag open na siya ng topic.. ayan isishare ko na lang.. pero bago yun, siyempre kuha muna ng wine tsaka inom.. hahaha!

"May itatanong lang ako tito eh.. tsaka pahingi nalang rin po ng advice.."

"O sige ba! Haha "

"Kasi tito, kanina lang.. lumapit sa'kin yung kaibigan ko.. Babae po siya at siya lang ang naging kaibigan ko.. ayon nga, nung lumapit siya sa akin, bigla niya akong niyakap... biglang bumilis yung tibok ng puso ko.. parang kinakabahan? Ah basta ganun.. tapos bigla nalang siyang humagulhol habang yakap ako.. pagkarinig ko nun, parang tinusok yung puso ko.. di ko alam kung bakit ako nasasaktan eh.. naaawa na talaga ako sa kanya.. di ko kayang makita siyang ganun kasi parang nasasaktan din ako.. ano po ba ito?"

"Haha... May iba ka bang naramdaman bago nangyari yung sinabi mo?"

"Tuwing kinukurot niya yung pisngi ko, tuwing binibiro niya ako na crush ko ba daw siya.... Matagal-tagal narin po ito eh.."

"Haha.. Alam na alam ko yan James.. ganyan na ganyan din yung naramdaman ko noon eh.. di ko maintindihan.."

"Ganun po ba? Eh ano po ba yun tito??"









"INLOVE ka na James.. haha! Simula pa lang yan.. "

"Ako? Inlove? Eh hindi ko pa nga naranasan mainlove eh.."

"Kaya nga! Ayaw mong maniwala kasi wala ka pang alam.. Sooner or later you'll understand it James.. "

"Kung ganun, ano po bang dapat kong gawin tito?? Di talaga ako sanay.. pakiramdam ko hindi naman dapat.."

"Alam mo James, sa pag-ibig hindi mo masasabing dapat ba o hindi dapat yung nararamdaman mo.. Basta't mahal mo siya, mahal mo siya... hwag mong sabihing hindi dapat kasi hindi mo pwedeng pigilan yang nararamdaman mo.. at hindi mo dapat diktahan ang puso mo.. At wag mong kimkimin at ilihim yang nararamdaman mo James kasi baka di mo makayanan, pumutok yang puso mo.. hahaha.."

Am I going to laugh now? Pero ang lalim nun hah?! Grabe talaga yung mga nagka experience na..

"Yun na nga po eh.. kaya nga nagtatanong at nanghihingi ako ng advice sa inyo kasi di ko alam kung anong gagawin ko -.-"

"Ikaw talaga.. Isa lang ang masasabi ko sa'yo James, sabihin mo sa kanya yang nararamdaman mo at ikaw mismo ang magpahilom ng sugat niya hangga't may pagkakataon ka pa.."

"Parang ang hirap naman nun tito eh.. di ko kaya.."

"Kaya mo yan James.. naduduwag ka lang.. naiintindihan kita kasi nga first time mo pa lang.. ang akin lang eh wag mong sayangin yung pagkakataon.."

Nag isip-isip akp tungkol sa sinabi niya.. Siguro nga tama si tito.. Ngayon alam ko na ang gagawin ko..















At sisimulan ko na yun hangga't maaga pa..



-----------------------------------------------------

Okay ba magbigay ng advice yung tito ni James?? Lame po ba yung chapter?? Don't forget to vote and comment your observations and suggestions para naman po may maidagdag ako sa knowledge ko.. Follow niyo narin po ako.. Xie Xie!

Secretly Loving My Bestfriend (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ