Chapter 2

2.3K 26 2
                                    

James POV

* SA SCHOOL *

Pasimple lang akong nagmumuni-muni habang papasok sa eskwelahan. Kagaya na lang din ng dati, hindi talaga ako masyadong kumportable kapag first day of school. Ewan ko lang kung bakit. Baka dahil hindi ako magaling makipaghalubilo sa ibang tao. Hays.

Para lang talaga akong tuod na naglalakad. Tuwid masyado ang katawan, ngunit nasa magkabilang bulsa ko lang nakapasok ang dalawa kong kamay habang nakasukbit sa isa kong balikat ang dala kong bag. Marami akong naririnig na bulung-bulungan pero hindi ko nalang pinansin, bahala sila sa buhay nila.

Nang makapasok na ako sa gate habang lutang parin ang isip ko'y biglang...

"To all students please proceed to the school auditorium for the flag ceremony will start. Everybody is required to attend because there will be an announcement given after the ceremony."

Tss. Ganun pa rin talaga. Andami-daming announcements samantalang ang main point lang din naman nun ay ang sabihing hanapin namin kung sa'n yung classroom namin tss, mga siraulo.

Napailing na lang ako at nagsimulang magtungo sa school auditorium. Habang naglalakad ay narealize kong hindi ko pala alam kung saan iyon kaya naghanap ako ng mapagtatanungan.



Nawalan na akong gana kakahanap nang mapansing masyadong maaarte ang mga estudyante dito kaya't nagtingin-tingin ako sa paligid at nang may makita akong direksyon kung sa'n tumutungo ang karamihan sa mga estudyante ay sumunod nalang din ako. Baka sakaling doon  ang tungo nila.


Nang makarating ako dun ay talaga namang sandamakmak ang mga estudyanteng nagpabalik-balik ang lakad, nalilito kung saang linya sila pupunta. Sa hula ko'y by grade level ang groupings ng lahat ng estudyante eh kaya nagtingin-tingin ako sa paligid.

Kakatingin ko'y may nakita akong karatula na hawak-hawak ng mga mukhang facilitator sa magkaibang sides na may nakalagay  na mga grade levels. Kaya nagtungo ako sa kung saan ako dapat.

Kagaya nga ng sinabi sa announcement, nagsimula na ang flag ceremony kaya nagsitayuan ang lahat at umawit. Habang busy sila kakaawit ay nagtingin-tingin ako sa paligid ko, nililipat-lipat ko ang aking tingin nang biglang nahagip ang tingin ko sa isang side.

Parang naestatwa ako sa nakita ko, napabuka bigla ang bibig ko pero wala akong masabi, parang nahigit ko na lamang bigla ang hininga ko. Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko nang makuha nito ang atensyon ko.

Napabitiw na lang ako ng tingin sa kanta nang biglang nagsitayuan lahat ng estudyante ang nag-ingay bigla. Siguro'y tapos na ang announcement nang wala man lang akong narinig miski isang salita. Bumuntung-hininga nalang ako at nagsimula nang bumaba at tumungo sa labasan ng auditorium para hanapin ang classroom ko



Napagod talaga ako kakalakad sa paghahanap sa classroom ko. Tangna naman kasi, may mga listahan pala ng mga pangalan ng mga estudyante na nakalagay sa mga pintuan ng bawat room kaya naman inisa-isa ko pa lahat pabalik sa kung saan ako nagsimula.





*FAST FORWARD*


Nang makita ko na kung sa'ng room nakapaskil ang pangalan ko'y na 'YES!' nalang ako sa aking isip. Buti nalang talaga at well-ventilated ang mga hallway na masyadong enclosed sa dami ng mga classroom dito kaya di ako nainitan at pinagpawisan.

Kung nagkataon na hindi ganun ay baka di nalang muna ako pumasok since first day pa lang naman at ayoko namang humarap sa mga magiging kaklase ko na nangangamoy.

Nang tingnan ko kung anong section ako napabilang para matandaan ko'y napangisi ako. Section A ako, tss ano pa nga ba? Kahit naman ganito ako'y may tinatago rin naman akong talino pero di ko naman yung pinagyayabang at pinangangalandakan.



Secretly Loving My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now