(3)

29 2 0
                                    

“Go, go SCHS! Fight, fight SCHS! Win, win SCHS! GO FIGHT WIN RED DRAGONS!”

Ang ingay talaga pag ganitong may laban ng basketball sa ibang school. Bukod sa cheering squad, may mga studyante pa na sobrang grabe maka-tili para sa mga bias nilang player.

Dumating na yung mga taga-Southwesthern, and mukang madami ding dalang back-up cheerers. Nandun sila sa kabilang side ng bleachers.

“Uy, bakit di ka pa nagwa-warm up dun? Malapit na kaya magsimula yung game.”

“Di naman ako makakapaglaro kahit na gustohin ko eh.”

“Hala? Tinanggal ka ba ni Ivan dahil dun sa nangyari nung nakaraang Monday?”

“Tss! Hindi yun.”

“Ha? Eh ano pala?”

“Eh bakit ba nandito ka? Tapos iiyak ka nanaman tapos sasampalin mo nanaman ako.”

“Uy, hindi ha? Last na nga yun diba?”

“Eh bakit nga nandito ka?”

“Bakit ba ang dami mong tanong. Bakit nga kasi di ka makakapaglaro?”

Ang taray naman neto! Di na sumagot. Parang tinatanong lang siya eh. Masyadong pa-mysterious ang loko, kala mo naman kung sino siya.

Kyyaaaaaaah! Magi-istart na yung game at si Ivan yung nandun sa Jump ball. Ang cool talaga ng boyfriend ko. Yes, boyfriend ko na nga ulit siya. Nung Sunday kasi, pumunta si Ivan sa amin at nag-usap kami. Nag-explain siya at nag-sorry sa mga nasabi niya, in-invite niya ko na manuod sa laban nila sa conditiong magiging kami ulit.

Kung ano man yung ini-isip niyo, siguro nga tama kayo. Ako nga yung nagpumilit na maging kami ulit. Eh siya naman kasi eh, pinipilit niya akong manuod ng laban nila. Syempre di naman ako papayag ng walang kapalit yun diba? Kaya ayun na nga yung nangyari, oo na po. Ako na TANGA!

Whooo! Ang galing talaga niya, siya yung unang naka-points at three points pa. Grabe! Kaya siya yung ginawang captain ball ng team eh. Kalabog at sigawan nanaman ang mga fangirls at ang squad. Mukang madaliang laban lang talaga ‘toh sa kanila.

“Ang saya mo ha? Alam mo ba kaya hindi ako pwedeng makapag-laro dahil na-accidente kami.”

Ano daw? Akala niya ba ako si ate Charo? Kung talagang na-aksidente sila, eh bakit buhay pa siya ngayon tapos nakakapag-dota pa? Sus!  

“Nasemplang yung motor ni Justin nung Monday, may bumangga kasing kotse sa likuran namin eh. Tapos ang bilis ng harurot kaya ayun, di na namin napansin. Pero yung nakita ko, katulad na katulad talaga yun ng kotse ni Reyes. Di ko nga lang na-alala yung plate number.”

Putek na yan, di ko na masyadong marinig yung drama netong Joshua na ‘toh. Ang ingay kasi eh, naka-points nanaman yung team namin. Grabe, tambak yung kalaban. Zero palang sila tapos kami eleven na yung points. Ang pangit kaya ng mga ganyang laban, walang challenge. Bakit ba kasi tinanggap nila yung laban na yan? Sus naman!

“Hoy! Nakikinig kaba?”

Gusto ko namang makinig sa kanya kaso lang di ko talaga marinig. Yun, buti naman naka-score na yung kalaban. Ang pogi din nung naka-number twenty three na yun ha. Siguro campus heartthrob din yun kasi grabe yung tilian ng mga babae sa kanya eh.

“San mo ko dadalhin?”

Tss! Ang lakas niya ha? Di ako makawala sa pagkaka-hawak niya ng wrist ko. Bwisit! Gusto ko pa naman panuorin yung laban ng my-loves ko.

The ArrangementWhere stories live. Discover now