(1)

127 4 0
                                    

Late morning ngayon, nandito ako sa bleachers para panuorin ang practice ng basketball team. And ang reason kung bakit ay para mapanuod ko si Ivan. No, no, no! Let me rephrase it. I’m here para bantayan ang di ko lang poging boyfriend, kundi ubod ng babaero pa. Yes! He’s my boyfriend, Ivan Reyes. Actually, pagkarating ko ng school dito agad ako dumiretso sa Gym kasi alam kong may practice sila. Kaya kahit na late ako, mas gugustuhin ko pang bantayan siya kesa habulin yung mga classes ko.

Sheez! He’s on his way to my place. Ngayon lang niya siguro ako napansin. Ang pogi niya talaga kahit na pawis na pawis pa siya. Yung parang wet look yung dating niya, which made me lucky to have him. He smiles at me and as ussual, yung mga fangirls sa likod ko nagtitilian at nag-aaway para sa ngiti lang ni Ivan ko. Kainis talaga sila. Di ba nila nakitang nasa harap nila yung girlfriend ng tinitilian nila? Nakakahiya sila. Parang minsan lang makakita ng pogi. Finally, he sits beside me. Teka? O_o Nasan na ba yung face towel ko dito sa bag. Ang pagkakatanda ko may nilagay ako dito nun eh. Kainis naman oh, di ko mahanap kung nasan.

“You want water? Bibili ako.”

Hay nako, Ashley! Ano bang tanong yan? Sa malamang gusto ng boyfriend mo ng tubig nuh. Bakit kailangang itanong mo pa? Psssh -_- Sabi ko nga eh. Eto na nga po tatayo na para bumili ng tubi—

“Lets’s END this.”

Nakababa na ko sa bleachers ng marinig ko yang phrase na yan. ‘Let’s END this’, paulit-ulit na nage-echo sa utak ko. At alam mo yung masakit dun? Yun ay boses ni Ivan ang narinig kong nagsabi niyan. Humarap ako sa direksyon niya para makita ko yung reaction niya. Nakatitig lang siya sa akin, seryoso. Bwisit! Wala namang nangyari sa amin ha? Ang pagkaka-alam ko masaya naman kami nung mga nakaraang araw. Nako ha! Ayoko kaya ng ginu-good time.

“Alam mo pwede kang pang-best actor dyan. Teka lang, bibilhan lang kita ng tubig sa canteen ha? Tigil mo na yan joke mo.”

Naglakad na ko palabas ng Gym. Hmp! Ang ganda ng joke niya ha? Nakakatuwa grabe! Di niya ba alam na kahit na jinojoke niya lang ako ang sakit pa din yun marinig sa kanya tapos kala mo pa seryoso talaga siya dahil hindi man lang siya ngumingiti. Hindi ko alam may talent pala sa pagu-good time yung boyfri—

“Do I look like kidding here?”

“Ivan, hindi na nakakatuwa ha!”

This time, naiinis na ko. Pinagtitinginan na kami ng mga taong nandito sa Gym. Feeling ko lahat ng atensyon na sa aming dalawa lang. Parang yung oras himinto. Ano bang nangyayari sa kanya? Ayaw niya ba na pinupuntahan ko siya sa practice niya? Pwede niya namang sabihin diba? Hindi yung sa ganitong paraan. Nakakainis siya! Kung hindi talaga siya magso-sorry, magwo-walk out ako dito at hinding hindi ko talaga siya papansinin ngayong araw! (-- 3 --)

“I’m sorry, Ash. I know this is unfair to you pero—”

Nag-sorry nga siya ang kaso may pero sa huli? Promise! Di ko na talaga siya maintindihan ngayon, sana po kung ano yung tumatakbo sa utak niya eh pag-isipan niya pong maigi kasi po hindi na talaga nakakatuwa. Yun na lang ba yung sasabihin niya after a long pause? Then let me break the silence.

 “C’mon. Is it a part of your prank jokes?”

“Seryoso ako. Maybe I’m tired.

“Of what, Van?”

“Of everything.

“Of me!”

Tumalikod ako sa kanya. Ayokong makita niya yung mga luhang pumapatak sa mata ko. Ayokong ka-awaan niya ko at dahil lang dun magbago ang isip niya. Tama naman diba? Pagod na siya sa akin. Ayaw niya nang nasa tabi niya ako dahil hindi niya magawa yung mga dapat eh ginagawa niya which is yung pangbababae niya. Pero bakit ganun, bakit siya pa yung napagod. Diba dapat nga ako? Dahil kahit ilang beses ko na siyang nahuli na may kalandiang babae, nagpapakatanga na lang ako. Nagpaka-martyr ako para sa kanya tapos ganito lang ang gagawin niya para sa akin? Wala siyang kwenta. TT___TT

The ArrangementWhere stories live. Discover now