(2)

43 2 0
                                    

“So Joshua pala talaga yung name niya.”

Hmm, ia-add ko ba siya or i-ignore na lang? Actually, nagpe-facebook ako and it’s sunday night. Kakatapos ko lang i-block si Ivan at i-delete yung mga photo album namin sa account ko. Ilang linggo din akong nagkulong na lang sa kwarto ko. I spend my week erasing every memory Ivan and I made. Inumpisahan ko sa pag-delete ng number niya, gayong kabisado ko naman tapos blinock na din siya para wala na kong mareceive na text niya if ever man na mangangamusta siya. Makakatipid pa ko nun diba? At lease di ko na kailangan bumili ng bagong sim. Pero alam mo yung nakakatawa sa akin ay yung sobrang baliw ko talga. Kasi naman kahit na ginawa ko yun, tinitingnan ko pa din yung spambox ng phone ko para tingnan kung ite-text niya ko. Sa spambox kasi napupunta yung mga text nung number na blinock mo, kaya ayun tinago ko muna yung phone ko para di ko na gawin ang mga kahibangan na yun. Sumunod na ginawa ko, binasa ko yung mga letters at lahat ng remembrance niya sa akin nung kami pa. Nung nasawa na ko sa paulit-ulit kong pagbabasa sa mga yun, sinunog ko na. Pati yung mga bears na binigay niya sa akin kahit masakit. After kasi ng incident dun sa Gym, hindi ko na muna binalak na pumasok dahil alam kong makakarinig pa din ako ng mga chismisan tungkol sa nangyari sa amin. Paano ako makakamove-on dun diba? At lease naman may nagawa akong maganda nung mga araw na hindi ako pumasok.

*click* Ma-add na nga lang ‘toh! Wala namang mawawala kung ia-add ko siya diba? Isa pa, classmate ko naman siya. Tulad nga ng sinabi niya, siya yung inu-utos utusan ko, kaya bilang kabayaran. Ia-add ko na lang siya para matuwa siya sa buhay niya.

(0)(1)(1)  AN: Ayan po yung nandun sa left-side ng facebook. Yung sa Friend Request, Messages and Notifications. And yung numbers ay yung red na nagpa-pop up kapag may updates dun. Kung hindi niyo na gets, bahala na kayo basta iyon yun.

Ano kaya unang iki-click ko? Yung notifications na nga lang.

-Joshua Ramirez accepted your friend request.

Ay, yun lang pala yun eh. Kala ko naman masyadong nakaka-excite eh hindi naman pala. In fairness lang ha? Ang bilis niyang mag-accept. Edi siya na nga!

Pustahan, nagpapa-like lang yang message na yan. Ganyan naman mga tao sa facebook eh, mas madalas pang mag-pm kapag nagpapa-like. *click*

- Joshua Ramirez: Haba ng bakasyon natin ha?

Sos! Alam niyo ba, may pagka-pakialamero yang lalaking yan. Lahat na lang sinisita o kaya naman napapansin, nakakainis. Sobrang feeling close siya diba?

- Ashley Laurente: Ano naman?

- Joshua Ramirez:  Hahahaha

- Ashley Laurente:  Abnormal ka ba?

- Joshua Ramirez:  Bakit naman?

- Ashley Laurente: May nakakatawa ba dun sa sinabi ko?

- Joshua Ramirez: Wala

- Ashley Laurente: Eh bakit ‘HAHA’ yung reply mo?

- Joshua Ramirez:  Trip ko lang paki mo ba?

- Ashley Laurente:  Ewan sayo!

- Joshua Ramirez: Musta ka na pala

- Ashley Laurente: Ayos lang

- Joshua Ramirez: Ako hindi mo tatanungin?

- Ashley Laurente: Bakit naman kita tatanungin?

- Joshua Ramirez: Taray naman neto

- Ashley Laurente:  Wala kang paki!

- Joshua Ramirez:  Bilis na tanugin mo na ko

- Ashley Laurente: Ayoko nga!

- Joshua Ramirez:  Tss!

The ArrangementWhere stories live. Discover now