Chapter 38

30 3 0
                                    

Eternal Love

"Rain, rain go away~."

Napatitig ako sa bintana. Kitang kita yung patak ng ulan. At rinig na rinig ko din pagkanta nina Zedrick sa gilid.

Ang lakas ng buhos ng ulan.

Buti nga nakababa na kami nang bumuhos ang ulan. Sobrang lakas. Nililinis ata ang kapaligiran. Sobrang lamig din ngayon.

Nagtitipon tipon kami dito sa may living room habang nagkakape't naka-jacket ang lahat. Ako naman ay nakabalot sa kumot habang nakaupo sa may sofa.

"Guys, check these photos."

Napatingin kaming lahat kay Spade. Tumigil na din sa pag-iingay sa wakas ang iba.

Nagflash sa tv 'yung mga pictures namin kanina. Yung groupie.

"Waaaaahhhh. Ang cuteeee."

"Ang ganda natin diyan."

"Pinaka Pogi ako!"

Humangin bigla. Lakas ng hangin sa kayabangan nila, jusme.

Dun sa picture namin kitang kita yung sunrise tapos ang cuteeeeeee. Cute na cute si Lolo M hehe.

"George, lumiit ka bigla diyan." Ani Donald na may pagtawa pa.

Napasimangot naman ako. Paano ba namang hindi e nasa gitna ako nung tatlong hari. Tatangkad nila nagmukha akong maliit.

"SADYA NAMANG MALIIT YAN!" sigaw ni Wavin na akala mo e nasa kabilang kanto pa.

"Lahat ng babae naman maliit!" Pang-aasar ni August sabay tingin kay Nadya na inirapan siya.

"Iw ha."

Daming kaek-ekan talaga nitong mga 'to. Ngayon ang sweet sweet nilang nagtatalo. Di ko na nga magets e, yung nagtatalo sila pero ang clingy at nakangiti sila sa isa'isa.

"Marami akong nakuhang mga pictures."

Sunod na ipinakita ni Spade yung picture, napa'oohhh' bigla yung mga egg warriors. Picture kasi nung apat  na couple 'yun nina Corine-Achylis, Nadya-August, Zedrick-Mindy, Jacob-Olyvia tandem. Yan yung part na nanonood kami ng sunrise, yung pinaalis ako ni Timothy don kasi sinasaktan ko raw sarili ko.

"YIIIIIIEEEE!"

Napasigaw na din ako. Aba, lumalayag!

Namumula yung mga babae samantalang hindi naman magkaintindihan kung anong irereact yung mga lalaki.

"Ang sweet sweet niyo." Bitter na wika ni Timothy.

"Tigila niyo nga yan! Next na nga, Spade." Asar na wika ni Olyvia na sobrang namumula. Napangisi pa si Spade, walang balak inext pero binato naman siya ni Olyvia ng unan.

"Pfft."

Inenext na yung picture at..

—_— - me.

HOOOOOOOOOOOOHHH!"

"YIIIIEEEEEEE!"

"TAMISSSSSSS!"

Napaawang ang labi ko. Maang na tiningnan ko si Spade na nagkibit balikat sa'kin.

"Hoy, ano yan!" Sigaw ni Timothy.

Napapikit ako bago nasapo sa noo. Yung picture na lumabas don ay yung muntik na akong mabaliktad. Yung tinulungan ako ni Gray na nakahawak sa bewang ko tapos si Zero nakahawak sa braso ko.

Class of Morpheus Season 2Where stories live. Discover now