Chapter 23

29 2 1
                                    

Mechanics

“Hayy."

Napaub-ob ako sa desk ko. Natapos na din! Andami naming sinagutan, andaming nilecture ni Gray tapos nagrecitation pa isa isa. Lahat kami sumagot, medyo nakakatense nung ako na. Buti nalang tinanggap sagot ko! At buti nalang din hindi ako minock ng iba.

Ang tindi pala ni Gray maging prof, dinaig pa ibang professor namin e. Grabe. Tapos siya pa din mamaya. Magrerecitation na naman daw! Hayyy.. Pero okay na 'yun at least may natutunan ako. Nagegets ko na 'yung mga formula kanina.

Nang makaupo kasi si Zero ay inulit ni Gray from the top 'yung tinuturo niya. Buti nalang. Nakahabol tuloy kami este ako lang pala. Kayang kaya naman ni Zero e.

“TARA NA, KAKAIN!"

May tumapik sa balikat ko, si Wavin. Mabilis na tumayo ako sa desk ko bago humarap kay Zero na nakaupo pa rin. Nagtatanong ang mata niya.

“Ehem, libre."

Hindi ko pa nakakalimutan na sinabi niya sa'kin na ililibre niya daw ako. Sakto tanghalian na.

“When did I ever say that I'll treat you?"

O tamo? Kingina, talaga nito ni Zero. Sinamaan ko siya ng tingin. Hinigit ko sa manggas ng damit si Wavin.

“Tara na, Wavin."

Sabi ko na nga ba't iindyanin ako non. Psh, asa pa 'ko.

“ALAM KONG GUTOM KA PERO 'YUNG UNIFORM KO!"

Binitawan ko 'yung damit ni Wavin bago siya hinarap. Napatanga ako nang nandon na din si Zero sa likod namin! Sinulyapan niya pa 'ko bago niya kami nilampasan.

“Let's go bago pa magbago isip ko."

O_O

Waaaaahhh! Libre, libre!

Patalon talon na umakyat ako sa hagdan. Forda libre ba naman. Jusme, buti nalang at nagbago isip niya hehe.

“LIKOT NITONG BATANG ITO!" Bulyaw sa'kin ni Wavin. Hindi ko siya pinansin, tuloy tuloy lang ako naglakad pataas. Kaso biglang lumingon si Zero, 'yung mata niya parang nananakot.

Napanguso ako bago matinong lumakad pataas. Sabi na nga kasing huwag malikot e.

“GUYS, DITO!"

Nandon na agad si Timothy. Napakaamos ng mukha niya, andumi. Parang 'yung mukha niya pinagkakain niya jusko. Lumapit kami sa kaniya. Nag-iisa lang siya don.. Ay hindi pala.

“I'll get you food, what do you want? My treat."

Nandito din si Gray at ililibre niya raw ako! Aba, sa'kin nakatingin. Kapag pagkain okay lang naman sigurong magassume?

“I'll be treating her." Pagsingit ni Zero.

“I can treat her, wala pa namang nabibili para sa kaniya." Giit ni Gray.

Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanila. Nagyayabangan na sila e, pini-flex nila 'yung mga yaman nila. Edi sanaol mayaman, tss.

“Ako na."

Hinawakan ni Zero ang braso ko. Napalingon ako kayna Gray na naiwan sa table. Gulong gulo itsura ni Timothy at Wavin.

“AKO? ILIBRE NIYO DIN AKO!" Sigaw ni Wavin.

Binitawan ni Zero ang braso ko nang nasa harap na kami ng counter. Agad ko siyang siniko.

“Ba't parang nagpapaligsahan kayo ni Gray?"

Class of Morpheus Season 2Where stories live. Discover now