Chapter 33

32 2 4
                                    

Results

Inilapag nila ang mga dala sa may seats namin. Nakakapagtaka pa dahil nakapasok ang mga MIB dito. Kaninong Men in Black ba 'to? Kay Lolo M o Kay Sir Steve?

“Pano nakapasok mga yon?’’

“Gosh, the security guard is so annoying."

Hindi na kataka taka kung bakit ganito ang mga reakyson nila. Maski ako gulat. May pasurprise sila na ganito hindi man lang kami sinabihan. Pero teka. Ibig sabihin alam nila na hindi kami pwedeng bumili ng lunch dito?

“I heard na nakailang panalo na kayo." Ani Sir Steve na kadadating lang.

Nakaalis na yung mga MIB na pinuna pa ni Mrs. De Villa. Sa sobrang inis niya dahil nakapasok yung mga MIB ay siya mismo ang lumabas para siguro sermonan yung guard.

Kawawa naman.

Oo naman,sir. Kami pa ba?"

“At dahil diyan, help me with those food. Ipamigay natin." Wika ni Gray.

Yown!"

Hindi nila pinansin ang bulungan sa paligid, todo labas sila sa mga pagkain. Pinamimigay na nila sa ibang Egg Warriors. Ang kaharap ko ngayon ay sina Zero, Archer at si Sir Steve.

HOYYY, YUNG KAY GEORGE SAKIN NIYO BIGAY!"

Lakas talaga ng bunganga ni Wavin.-_-

“Bakit nalate po kayo?" Pagtanong ko kay Sir Steve.

“I was busy with those..."

Napaawang ang labi ko nang ituro niya yung mga pagkain. So, si sir ang nagluto nitoooo?

“Halaaaa,sir! Kayo po ang nagluto?"

Sinulyapan ko si Zero na nakataas ang kilay sa'kin.

“Nope. Nagpaluto ako. Then i decided to wait since late na ako kanina."

Ahhhh. Akala ko naman.

Napakamot ako sa ulo ko. Iniimagine ko na si sir Steve as chef e. Ready na akong magpatulong kay sir pagluluto tapos nagpaluto lang palang siya.

Sayang sir."

“Sino sino yung mga lalaki kanina?" Pagsingit ni Archer.

"A friend of mine."

A friend of his? Sino namang friend ni sir yon? Shy type siguro kaya nakataklob ang mukha.

Kain na kayo."

Kakain na talaga ako!

Andaming mga pagkain na dala. Iba't ibang putahe meron pang mga desert. Paano nagkasya lahat 'yon don?

Anyways, bahala na nga kakain nalang ako!

Habang busy kami sa pagkain biglang lumapit si Mrs De Villa kay sir Steve. Tinawag niya 'to.

Kahit hindi ko sila kita alam ko na papagalitan ni Mrs De Villa si sir Steve. Hayy.

Kawawa naman si sir Steve."

“Ano kayang sinasabi sa kaniya ngayon?"

Huwag kayong mag-alala, hindi mapapaalis si sir."

Class of Morpheus Season 2Where stories live. Discover now