Chapter 1

94 4 3
                                    

A new beginning

“Siguro naman ngayon belong na ako?"

Talaga george?

Kung ganitong belong lang din naman ayoko nalang maging belong. Nasaan na kaya sila ngayon?

Siguro by now, nasa bagong classroom na sila, nagaadjust. They were doing their best para magadjust kaya dapat ako din. I need to adjust myself sa loob ng classroom na 'to.

Kelangan ko.

Napatayo ako. Ang sakit ng mata ko. Ilang beses na 'kong umiyak sa buwan na 'to. Hindi man lang napagod sa pag-iyak. Hay nako, George. Whoo. Kelangan ko ring tulungan sarili ko ngayon pa lang.

“Maglilinis nga ako."

Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Sinisipon na ako, langya. Buti nalang talaga may tissue pa 'ko. Tapos ko na ilabas lahat ng sama ng loob ko kaya maglilinis naman ako.

Naglakad ako sa may palikod ng classroom at saka kinuha 'yung tambo at dustpan. Nagsimula akong magwalis. Pinagigi ko ang pagwawalis. Gusto ko pagbalik nila dito malinis 'to para hindi sila magalala. Gusto ko 'yung pagbungad nila dito sa room ang una nilang iisipin okay ako, hindi ako miserable at kinakaya ko.

Nagtuloy tuloy ako sa paglilinis pati kasulok-sulokan ay winawalisan ko. Kelangang malinis, kelangang….

My tears fell down from my cheeks. Bakit? Bakit ngayon ko pa 'to nakita?

Tuloy tuloy lang sa pagagos ang luha ko hanggang sa mapahagulhol na 'ko. Napatakip ako sa bibig habang pinagmamasdan 'yon.

Yung locker..bakit?

Sobra akong naiiyak habang pinagmamasdan 'yon. Yung locker na kung saan may nakasulat na din na pangalan ko.

Georgina Astair Noburi

Napalapit ako don. Eto 'yung locker na nasira. Kahit sira na dinidisplay pa rin nila. Nakatago pa rin. Hinawakan ko 'yung bandang locker kung saan nandon ang pangalan ko.

Akala ko ba ayaw niyo kong isama dito pero ano 'tong nakikita ko ngayon? Belong na ba 'ko sa wakas?

Napangiti ako. “Thank you."

Pasinghot singhot na ipinagpatuloy ko ang paglilinis. Nakakabuset talaga 'tong luha na 'to. Napakakulit. Hindi na 'ko magtataka kung maging sobrang pula ng mata ko. Tyak na tatanungin ako ni kuya. Hay.

Nagpatuloy ako sa paglilinis pati 'yung kasulok sulokan nilinis ko. Nilinis ko lahat. Hindi ko lang mapigilang hindi magsenti kapag napapagmasdan ko 'yung mga bakanteng upuan dito sa room. Nilapitan ko 'yung upuan ko, inayos ko 'yun. Sinunod ko agad 'yung lamesa.

Eh? Kinapa kapa ko 'yung mini drawer don sa lamesa ko merong envelope? Hindi e, parang picture ata 'to. Picture nga. Picture kung saan kasama ko sina Zero, eto 'yung time na akala ko kakaratehin ako ng mga itlogz, kasama din sina Tim at Wavin. Eto 'yung nasa mansion kami ni Lolo M, when they all shouted 'Class Z'.

Tiningnan ko 'yung likod non and I froze when I saw what's written at the back.

“I saved you this picture, mukha kang nakalunok ng ampalaya diyan. :D. Anyways, keep this ha! Remember, you're always belong."

-- Tim POGI

Kelan pa 'to? Napaupo ako sa may upuan ko. I smiled as I look at the picture. Minsan naiisip ko na bakit parang wala silang care sa'kin mali pala ako. They really care for me hindi lang nila maipakita. Ang slow ko rin kasi minsan.

Napabuntong hininga ako.

Ipagpapatuloy ko nalang 'tong ginagawa ko. Medyo ginanahan akong maglinis. Kelangan kong bawas bawasan ang pag-iyak. Papaulanan na naman ako ni kuya ng mga tanong.

Class of Morpheus Season 2Where stories live. Discover now