Chapter 34

48 4 4
                                    

Results (Part 2)

“Alam mo naiirita na ko don sa Nero girl na 'yon! Gusto ko na siyang ihagis." Gigil na wika ni Corine pagkapasok namin sa lab.

Nakapalibot sa kanya ang grupo nina Achylis. Naupo ako sa upuan na vacant. Ngayon lang ako nakapasok sa laboratory. Ang laki pala dito at ang daming computers.

May malaking banner na nakadikit don sa may unahan, merong Battle of the Brains na nakasulat. Meron ding mga pangalan kung saan kami uupo, two seats apart.

“Ay teka, napansin niyo ba si Yvo kanina? He's helping George!"

Narinig ko na naman ang pangalan ko. Big deal sa kanila na tinulungan ako ni Yvo. Well pati nga din ako nagtataka. Ano 'yon trip niya lang? Bakit niya ako gustong tulungan kanina?

"Baka may gusto si Yvo kay Georgee?GANDAAA MOOOO!"

Binalingan ako nina Nadya na syang nagpangiwi sa akin.

“Katakot naman yang sinasabi niyo."

I can't even imagine.

"Tsk. Kayong mga babae kahit kaaway niyo kapag magpakita ng motibo kilig na kilig na agad kayo." Wika ni Kin na nasa may gilid. Yung mukha niya parang buset na buset siya sa naririnig.

"Why not?" Maarteng sagot ni Nadya.

"Masyado kayong nagpapaniwala. Nantitrip lang 'yon."

Napaagree naman ako. Si Yvo kasi siya yung tipo na hindi kayang magpakasweet kahit kanino. Wala lang pakiramdam ko lang na ganon siyang klaseng tao. MalaZero.

"Kunsabagay. Pero kung sakaling may gusto si Yvo kay George, ay nako PAK NA PAK!"

Pak na pak? Sumama ang mukha ko habang nakatingin sa kanila. Sabog na naman ang mga babaeng 'to.

"Tama na nga 'yan."

Hindi na nakakatuwa. At saka dapat focus kami sa examination. Kung ano-anong pinagsasasabi.

Lumayo na ako sa kanila ng konti. Wala pa dito sina Zero,Tim,Archer at si Gray. Si Warren wala pa din. Kausap pa ata niya si Angel.

Siguradong kinakausap niya tungkol sa nangyari don sa room ng Class A. Baka nga alam na nina Yvo ang nangyari eh.

Napabuntong hininga ako.

Kung ganon siguradong alam na ni Angel na alam ko yung plano niya. Balak niya akong isabotage.

“Talagang makikipag-usap ka kay Tristan?"

"Ay palaka!"

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Curious na tiningnan ko si Gray na biglang sumulpot. Ni hindi ko man lang syang nakitang dumating.

"Bakit ba bigla bigla kang sumusulpot?"

Hindi naman ako nainform na kabute na pala siya ngayon.

"Sagutin mo ang tanong ko George."

Nangunot ang noo ko. Ni hindi man lang ako pinansin?

"E...oo. bakit?"

"Tsk. Why?"

"Mukhang may sasabihin siya na importante."

"He's just trying to get your attention."

"Hindi e. Mukhang may sasabihin talaga siyang importante."

Kanina nung nagsasalita si Tristan, he look happy and proud. Mukhang napakaimportante ng gusto niyang sabihin.

Class of Morpheus Season 2Where stories live. Discover now