Chapter 8

35 2 0
                                    

“My Dream...”

“Good news! George, george!"

Nagtatatakbo si Warren. Napatayo ako sa upuan ko. Ano naman kayang good news ang sinasabi niya?

“Oh, ano ba 'yang good news na 'yan?" nauna pang nagtanong sa'kin si Timothy.

“Imake sure mo na good news talaga 'yan ha!" giit ni August.

Hinihingal pa 'yung tinatanong nila. -.-

Nakahawak pa sa tuhod na akala mo'y pagkalayo layo ng tinakbo.

“K-kasi… h-habang papasok ako…" pagod na pagod siya. Gusto ko siyang lapitan at tapikin sa balikat. “….n-narinig ko na 'y-yung…!"

'Yung? Ano bang gusto niyang sabihin?

“Sabihin mo na!" Nagsasalubong na kilay ko dito kay Warren. Hindi na natuloy tuloy ang sasabihin, jusko.

“'Yung rank mo, t-tumaas! Pang7 ka! Pang 7 ka na!"

Pang…rank 7 ako? Totoo ba 'tong naririnig ko?

Wala sa sariling napalapit ako kay Warren at saka siya hinawakan sa balikat. Nagulat pa siya sa ginawa ko. Maya-maya pa'y inalog alog ko 'yung balikat niya.

“Totoo ba 'yang sinasabi mo?"

“T-teka! Totoo ang sinasabi ko! Huwag mo 'kong ganyanin, nakakahilo!"

Totoo? Shuta. Rank 7 talaga ako!

Napatakip ako sa bibig ko. Nababahuan kasi ako sa hininga ko---este hindi ako makapaniwala. Rank 7 ako! Mula sa pinakanghuli naging rank 7 na 'ko!

“George, rank 7 ka!"

Sumisigaw na wika ng mga egg warriors. Sila pa 'yung mas excited kesa sa'kin. Hindi pa rin maprocess ng utak, puso't kaluluwa ko na rank 7 nga ako.

Tanginams. Totoo ba 'to?

Nakatulala lang ako sa kawalan.

“Huy! Congrats, RANK 7 KA!" Sobrang lakas ng sigaw ni Timothy pero hindi man lang ako natinag. Nakatulala lang ako. Ewan ko ba kahit anong pagprocess ng utak ko ayaw talaga.

Hindi lang kasi nakakapaniwala na tataas ng ganito ang ranking ko.

“Te! Gising!"

Nagsnap pa sina Nadya sa harap ko pero wa epek. Hindi man lang ako natinag.

“Jusko, medic medic----."

Sinapok ni Wavin si Timothy.

“ANONG MEDIC?! SIRAULO KA BA? ALBULARYO KELANGAN NIYAN!"

Albularyo? Pinagt-tripan na naman nila ako. Nagtawanan pa sila. Pero hindi ako naiinis. Naiiyak ako.

“What's wrong with her?"

Pumasok sa room ang kadadating lang na sina Gray, Archer at si Zero. Napatingin ako sa kanila. Yung mga itsura nila parang sobra silang naweweirduhan sa paligid.

“Nabaliw na." sagot ni Timothy.

“Nabaliw?" Hindi makapaniwala si Gray sa narinig, may paglapit pa siya sa akin. “Hey. Are you alright?"

Nabaling ang tingin ko sa kaniya. “Gray…"

Tinitigan niya ako, sunod kong sinulyapan si Zero at Archer. I smiled at them. “R-rank 7 daw ako."

Hindi man lang sila nagulat. Walang kahit na anong pagbabago sa reaction nila.

“As expected." ani Zero?

Class of Morpheus Season 2Where stories live. Discover now