Chapter 30

29 3 2
                                    

Battle of the Brains

Malayo pa lang pero rinig na rinig na ang ingay sa auditorium. I can hear them. Paulit ulit nilang sinisigaw ang 'Class Z'. Anong gusto nilang iparating? Yung mga estudyante sa main, chinecheer ba nila kami---syempre hindi.

For sure na may iba don na gusto kaming matalo.

Hawan na hawan ang mga tao dito sa hallway. Nakaligtas kami sa mga pambabato nila. Nasa auditorium na silang lahat. Hanep, mas excited pa sila sa amin.

“Why are they screaming Class Z? Kaimbyerna sila." Ani Olyvia na nasa likuran namin.

“Paplastik." Ani Zedrick na may pagroll eyes pa

Nagpalinga linga ako sa paligid. Wala pa din 'yung anim. 8 am ang start, 7:55 am na, hindi pa din mahagilap.

“George, saan na ba sina pres?" - Jacob.

“Hindi ko alam."

“Pati sina Wavin, Tim at Kin wala pa din."

“Baka naman parating na." Sagot ko nalang kahit kinakabahan na din ako.

Baka hindi sila dumating. Jusme, subukan lang nila kakalbuhin ko sila lahat.

Nakahinto pa rin kami sa may harap ng malaking pinto ng auditorium, nakasara 'yon kaya naman hindi kami kita sa loob. Pero syempre rinig pa rin namin ang mga hiyawan nila.

“Antagal naman nila." Reklamo ni Corine na hindi na mapakali.

Tahimik lang kami. Itinuon ko ang pansin sa hallway. Nagiimagine ako na biglang susulpot sina Zero don. Kaso ni anino nila walang dumating.

Nasaan na ba sila? Natabunan na ata ang mga 'yon. Sabi ko na nga ba't dapat kinaladkad ko na sina Wavin kanina nung nakita ko. May 'pasusunod susunod' pa sila, hindi naman sumunod agad!

Napabuntong hininga ako.

“Bakit hindi kayo pumasok sa loob?"

Lumabas sa isang room kalapit nitong auditorium sina Angel , Nero, Louis, Rin, Tristan at si Yvo. Nadako ang paningin ko kay Angel. Ngayon ko lang sya nakita pagkatapos ng nangyari.

“Bakit hindi kayo ang pumasok?" sarkastikong sagot ni Zedrick kay Louis na ikinangiti nito.

“You should get in. Malapit na magstart, I heard na kapag nag8 am na, idedeclare na kami ang panalo."

Sila ang panalo? So, ibig sabihin?

“Kayo ang mga representatives?"

“Natumpak mo, gurl!" Sagot ni Nero. Tinaasan niya pa kami ng kilay. “Kaya pumasok na kayo before ako mauna at ilock ko 'tong pinto, hmppp!"

Aissh. Bakit kelangang sila pa? At saka bakit ang tagal nila Timothy?

“Get in." Maawtoridad na wika ni Yvo.

Bigla akong kinabahan. I can feel Tristan's gaze, ganon din si Yvo. At alam ko ring nakangisi siya.

Walang kumibo sa aming lahat. Wala pa sina Zero, sila ang representative namin kaya paano kami makakapasok? Si jacob lang ang nandito na rep namin.

“Why aren't you moving?" Pagsasalitang muli ni Yvo.

Sinulyapan ko sina Corine at ibang egg warriors. Nakatingin sila kay Yvo at 'yung iba naman ay halos umiwas na ng tingin dito.

Tila may hinahanap si Yvo, then he stared at me.

“Where's your president?"

Napalunok ako. Sa pananalita niya halatang nagyayabang siya.

Class of Morpheus Season 2Where stories live. Discover now