Chapter 19

103 32 1
                                    

Room 142.

Ang lahat ay kasalukuyang nakatayo sa tapat ng room 142, lugar kung saan gaganapin ang susunod nilang laro.

Medyo madilim ang hallway dahil kakaunti pa lang ang nakabukas na ilaw sa kabila ng pagkahaba nito.

Sa building na kanilang pinuntahan ay mayroon ngang dalawang palapag. Dito namamalagi ang mga junior high students ng kanilang paaralan. Ngunit simula nang magising sila sa paaralang ito matapos malanghap ang misteryosong usok noon pagkatapos ng lindol, tila nagbago na ang lahat.

Mas naging misteryoso ang buong paaralan.

Maging ang mga bawat silid ay hindi na napupuno ng mga upuan at mga gamit pang-eskwela, kun'di iba't-ibang lugar na hindi nila maintindihan kung paano iyon nangyari.

"Takang-taka talaga ako, guys. 'Di ba ang super weird na mayroong mga beds sa classrooms? Tapos 'yung last game venue na'tin ay may swimming pool tsaka mga lockers eme eme," bulalas ni Sienna, tinitignan niya ang buong paligid ng paaralan, sobra kasing tahimik.

Nagsalita naman ang katabi niyang si Yvonne. "Weird talaga. As in super! Kaya curious ako kung anong venue na naman ngayon ang paglalaruan natin. Sigurado akong iba na naman 'to. Baka mas malala pa nga."

"Kailan pa nagkaroon ng mga ganoon dito sa Cygnus Junior College? Wala naman 'di ba? Parang hindi talaga kapani-paniwala mga nangyayari sa'tin. Kahit sino sa inyo, pwede bang pakisampal ako? Feeling ko tulog pa rin ang diwa ko, eh," favor ni Yvonne sa mga kasamahan.

Akmang sasampal na naman si Alfred nang biglang hawakan ni Elayza ang kamay nito kaya napatigil.

Napatingin si Alfred dahil hawak ni Elayza ang kamay nito.

"Ginagawa mo?"

"Sasampal ka na naman bigla? Itutulad mo kay Yvonne 'yung ginawa mo sa'kin kahapon?" Imbis si Yvonne ang nasampal, si Elayza nga ang sumampal kay Alfred.

"Aray!"

"Huy Elayza!" Agad na napatakbo si Yvonne sa pwesto ni Alfred. "Ayos ka lang ba, Alfred?"

"Oo. Ayos lang naman ako," wika nito ngunit nakahawak sa bandang pisngi na sinampal ni Elayza, tinitignan nang masama ang kaklase.

"Bakit mo ginawa 'yun?" tanong ni Yvonne kay Elayza.

"Sasampalin ka bigla ni Alfred, eh."

"Hayaan mo na, utos ko naman," bwelta ni Yvonne.

"Gano'n?" Idinampi nga rin ni Elayza ang palad niya sa pisngi ni Yvonne.

"Ah!" Napahawak ito sa kaliwang pisngi.

"Oh ayan. Nagising ka na?"

"Tangina naman!" Napamura na lang si Yvonne sa gulat. Dahil sa sampal ni Elayza, nagising nga ang diwa niya at napagtanto na totoo ngang nangyayari ang lahat.

Ngumiti si Elayza. "Sorry na, Yvonne," at nag-peace sign. "Friendly slap lang 'yon. Huwag ka sana magalit."

"Guys, hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko ngayon. Para akong hihimatayin sa kaba," singit ni Anne, nakapwesto ang isang kamay sa bandang puso nito.

"Ikaw pa, Anne, kinakabahan?" tanong ni Aason sa kaniya na may pagdududa. "Tch! Isa ka pa nga sa mga excited na maglaro para mabuko ang killer 'di ba? Dapat hindi ka kabahan kasi mukhang masaya 'tong lalaruin natin."

"Alam mo na ba ang laro, Aason?" tanong naman ni Miguel.

"Hindi pa."

"Oh. Edi itikom mo bibig mo."

The Enigma of 11STEM-2Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum