Chapter 02

174 42 36
                                    

"Nasaan tayo?" wika ni Precious na kakagising lang. Hindi niya makita ang paligid dahil sobrang dilim doon.

Tumayo siya at sinubukang maglakad.

"Guys, nasaan ba kayo, ha? Hindi ko kayo makita! Ang dilim." sabi pa ni Precious habang dahan-dahan na naglalakad sa quadrangle. Wala siyang ideya na quadrangle ang kaniyang pinaglalakaran.

"Aray!" daing ni Elayza nang biglang matapakan ni Precious ang daliri nito sa paa gamit ang takong ng sandals niya. "Ang sakit!" usal pa niya.

Nagulat doon si Precious. Hinahanap niya kung nasaan banda si Elayza.

"Hala! S-sorry, Elayza. Hindi ko nakita. Huhu. Sorry," paghingi niya ng tawad. "Nasa sahig ka ba?"

"Oo." sagot ni Elayza. Sinubukang umupo ni Precious at sinamahan siya.

Sumunod naman na nagsalita si Aason. "Bakit wala akong makita? Ang dilim nga. Nasaan ba tayo?"

"I don't know, too." nagsalita na si Darren sa gilid. Hindi rin siya makita ng mga kagrupo. Kinakapa ang dilim.

"Ano 'tong mga nasa leeg natin?" pilit na tinatanggal ni Ivan ang collar na nasa leeg niya kahit 'di niya makita kung ano ang itsura nito.

"Pabilog siya. Ano kaya 'to?" si Allyza naman ang nagsalita ngayon.

"Wala ba tayo sa room?" kinakapa ni Precious ang mga kaklase sa dilim.

"Wala. Mukhang malawak dito, e. Tsaka makalat sa room natin earlier, hindi ganito kalawak." sagot ni Darren at gumapang siya palapit kina Aason at Precious.

Sina Precious, Darren, Elayza, Aason, Ivan, at Allyza ay magkakasama. Napagtanto lang nila iyon nang marinig ang boses ng isa't-isa. Nanatili silang magkakadikit sa iisang gilid.

Sa kabilang banda ng quadrangle naman ay nagsalita at sumigaw si Eiram. "STEM-2! AYOS LANG BA ANG LAHAT? KUMUSTA KAYO?"

"Mga tol, nasa'n kayo? ayos lang daw ba kayo?" tanong naman ni Ezekiel at kinakapa ang mga kasamahan niya. Alam niyang katabi niya lang sina Kendrick at Gian.

"Okay lang ako. Hindi naman ako nasaktan. Don't worry." si Kendrick.

"Oo, tol. Ayos lang." sagot ni Gian.

"Ezekiel, saan kayo banda?" boses ni Althea ang narinig ni Ezekiel.

"Dito kami sa gilid. Ikaw, saan ka?" sagot ni Ezekiel. Pinapakiramdaman saan nanggaling ang boses ni Althea.

"Papunta na kami riyan nina Kryslyn at Angela. Diyan lang kayo, ang dilim kasi ng daan, potek!" natawa si Althea at gano'n din sina Angela.

"Nasaan ba kasi tayo?" tanong na ni Kryslyn sa mga kasamahan kahit walang nakikita.

"Hindi ko alam." si Althea.

"Ang uncomfy nitong suot ko sa leeg. Ano ba 'to?" usal ni Angela.

Naupo na muli si Eiram matapos siyang sumigaw. Narinig naman niyang ayos lang ang lahat. Kaso nga lang hindi niya makita kung nasaan banda ang mga kaklase. Sina Anne lang ang katabi niya sa isang gilid.

Napaunat si Anne ng katawan nang makatayo ito. "Ang sakit ng katawan ko!" may lumagatok pa nga na buto.

"Grabe na 'yan, Anne," tawang-tawa si Alfred kasi ang lakas ng lagatok ng buto nito. "Gan'to 'yung tunog, oh. Pakaak!" sabay tawa ulit.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now