Chapter 10

141 39 2
                                    

“Such a nice day to have some fun, girls. Isn't it?” bati ng boses sa lahat na kanina pa nagtataka kung anong lugar ang kinaroroonan nila. Pagmulat na pagmulat kasi ng kanilang mga mata ay bumungad agad ang isang malaking kwarto na kung saan halos labing-anim na higaan ang makikita.

“Ikaw! Sabihin mo sa amin kung nasaan kami ngayon?!" mapanghamon na saad ni Yvonne dahil isang hindi pamilyar na lugar na naman ang kanilang pinagmulatan.

Katabi ng kama ni Yvonne ay si Precious na siyang dumugtong sa sinabi nito. “Kaya nga! Saan mo naman kami dinala? What's the meaning of these beds? Nasaan kami?”

Kanina pa gising ang lahat. Lahat sila ay nagtataka dahil pare-pareho sila ng mga suot-suot. Ang lahat ay nakasuot ng white terno pajamas.

“White terno pajamas? Bakit ganito ang suot natin? ‘Di ba ang suot natin ay uniform? Ang ibig sabihin ba nito ay may taong nagpalit ng damit sa’tin?” Biglang napahawak sa katawan si Sienna matapos niya iyong sabihin. Tila may napagtanto siyang isang bagay.

“OMG! May naghubad sa’tin?” anang Anne.

Nag-react na rin ang ibang girls. Nag-inarte na sila at inisip na tila nabastos sila nang hindi namamalayan.

“Baka may ginawa sila sa’tin, ha?” paninigurado ni Valerie. Nahawa na rin ito sa kaartehan ng nga kaklase.

“Oo nga eh. Kinikilabutan ako gagi,” halos manginig na wika ni Andrea.

Bumida si Joy sa usapan ng mga kaklase. “Hoy h’wag nga kayong mga OA. Nakita niyo ba na may ginalaw sila sa katawan natin? Wala naman ‘di ba? Hindi sa nagpapakampante ako pero para wala naman ginawang masama ‘yung nagpalit sa’tin.”

“May point ka, Joy,” sambit ni Juriel. Tinanguan din iyon ni Kryslyn bilang pagsang-ayon.

“No. What if the boys did it? Paano kung sila ang nagpalit sa’tin? Shux, I can't imagine.” Nagtakip ng mukha ni Precious na para bang nahihiya sa mga pinag-iisip.

“Wait lang, guys. Hindi niyo ba napansin? Wala ang boys rito,” singit ni Elayza na kanina pa nakikinig sa usapan ng mga kaklase. Tila wala itong pakialam sa topic nila. Basta siya ay nakaupo lang doon.

“Oo nga ‘no?”

“Nasaan kaya sila?”

Nagulo ang lahat at pinaghahanap ang mga boys nilang kaklase pero puro babae ang naroroon sa silid. Si Eiram bilang president, ang siyang lakas-loob na kumausap sa boses.

“Nakita mo ba sila?” tanong ni Jea sa kaibigan nitong si Allyza.

“Hindi,” maikling sagot ng kaibigan.

“Hoy boses! Nasaan mo dinala ang mga boys? B-bakit wala sila rito? Anong ginawa mo sakanila? Sabihin mo sa amin!” Ang boses ni Eiram ay parang may pinaninindigan na isang bagay. Nais niya talagang malaman ang sagot kung bakit pagmulat ng kanilang mga mata ay sila lang at walang mga lalaki ang kasama.

“Pinatay mo ba sila?” usisa ni Yvonne.

Nagtinginan ang lahat kay Yvonne.

“Teh, seryoso ka sa tanong mo? Patay talaga?” Halata sa ekspresyon ng mukha ni Althea ang pagkagulat.

“Grabe naman, Yvonne. Hindi ba pwedeng like nasa ibang lugar sila?” wika naman ni Jaicel na katabi lang si Althea.

Umirap si Yvonne. “Edi nasa kabila.”

“Luh?” reaksyon nila sa naging ugali ni Yvonne.

“Nasaan ka na? Sagutin mo ang tanong namin. Anong nangyari sa mga boys?!” pag-uulit ni Eiram. Wala kasing tumutugon na boses sa mga sinasabi nila.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now