Chapter 12

146 40 3
                                    

“No!” giit ni Precious. “Ma’am Micka, we can't do this anymore. Pagod na pagod na po kami. Please help us. We need your help! Unti-unti na po kaming nauubos isa-isa at ayaw na po naming may mawala pa sa amin. We're begging, ma’am…” Lumapit siya sa tv screen at nakiusap.

Sinamahan siya ni Sienna at humawak sa balikat nito.

Lumipat ang tingin ng guro kay Precious. Napaatras sila nang kaunti. “Help? Why would I help the students who killed my co-teacher?” Tumaas ang kilay nito.

“Ikaw pa ba si Ma’am Micka na adviser namin? You changed a lot,” anang Precious. “‘Di ba?” Tumingin ito Kay Sienna.

Tumango ito. “Oo nga, eh. Parang ibang tao yata ang kausap natin.”

Lumapit na nga si Yvonne sa kanila at siya naman itong nagsalita. “Ma’am, parang hindi mo naman kami naging students. Hindi mo ba kami mahal? Sige na, ma’am. Tulungan niyo na po kami makaalis dito.”

“I will help all of you to leave this place...”

Umayos ang lahat. Tumingin sila kay Ma’am Micka. Ang iba pa nga ay nagpanting ang dalawang tenga nang marinig iyon. Sa wakas ay napasang-ayon nila ang kanilang guro na tulungan silang makaalis sa lugar na iyon.

“Yes!” Abot tenga ang ngiti ni Gian.

“Thank you, ma’am!” Ganoon din si Althea.

“Ang bait talaga ni Ma’am Micka kahit kailan!” bulalas ni Patrick.

“Totoo ‘yan, pre,” dagdag ni Ezekiel.

“Ma’am, alis na tayo rito!” ani Krysylyn.

Natawa lang ang guro dahil natuwa ang mga estudyante sa binanggit nito. “Funny. Killing is a crime! Playing deadly games is illegal. But dying from it is legal. I will help all of you to leave this place in one condition.” sabi nito. Nagbago agad ang ekspresyon sa mga mukha ng lahat.

“Ma’am?” Kumunot ang mukha ni Elayza.

“B-bakit po, ma’am? Akala ko po—” Naudlot naman sa sasabihin si Vhenhur.

“Anong condition po iyon, ma’am?” usisa ni Kendrick.

“Ma’am, huwag naman mahirap. Baka may mamamatay din po sa condition niyo?” anang Eiram.

“Huwag naman, ate ko,” giit ni Leozandro.

Ang mapungay at nakakatakot na tingin ng kanilang guro ay muling tumama sa kanila. “ The condition is very easy,” panimula niya. “The one who killed Mr. Reymark among you should surrender now because that's the point why there are games — to find out who killed him. Now, tell me, students. Who is the killer?” Mas tumaras ang tingin nito na nagpakaba sa lahat.

“Pero the killers are already dead. Andrea and Valerie are gone!” giit ni Darren.

Hinatak siya ni Aason. “Sinasabi mo, Darren? Kasasabi lang na may iba pang killer. Pinatay nina Andrea at Valerie ang grupo nina Caesar kasi sinabotahe nila tayo. Pero iba pa ‘yung tinutukoy na killer ni Ma’am Micka. The killer of our Calculus teacher. ‘Yung bwisit na Reymask na ‘yon.”

“Bwisit talaga, Aason?” Natawa si Darren.

“Oo! Kainis ‘yun,” aniya.

“Seems you didn't listen carefully earlier, Darren. Let me repeat what I said. We will play more games when the killer among you doesn't surrender.”

“Wala ng laro!” bulyaw nito.

“Uy, Darren. Si Ma’am ‘yan, oh!” Pinagalitan siya ni Anne dahil sa inasal.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now