Chapter 31: Who?

25 0 0
                                    

"Tangina! 'Di pa sinabi kung sino e. Papatayin pa 'ko sa pag-iisip."

Nag-uusok na reklamo ni Luis matapos mabasa iyong sulat na kanyang natanggap mula may Jade. Padabog niyang ibinaba sa center table iyong papel at  napasandal sa kanyang kinauupuan. Sa labis na inis ay nakaramdam siya bahagya ng kirot sa ulo kaya napahilot sya sa kanyang sentido.

"Bakit, anong sabi?" Kuryosidad na tugon ni Mahana. Hindi nya nabasa iyong nilalaman ng sulat  kanina dahil nakaharang ang ulo ni Luis. 

Wala siyang natanggap na sagot mula sa lalaki kaya naman kinuha ni Mahana iyong papel at kanyang binasa ang nilalaman nito.

Mag-ingat ka sa mga nakapaligid sa'yo dahil hindi lahat  sayo ay totoo.
                       -jade

"Ke laki-laki ng papel tapos yan lang sinulat niya?" Iritableng tugon ni Mahana. Sinilip niya pa sa likod ng papel, nagbabakasakali siyang may nakasulat pa doon pero wala na talaga. Tanging sa harap nito na ang may sulat, kakarampot pa.

"Argh! Sino ba kasi ang mga potanginang tinutukoy niyang traydor sa paligid ko?" Ani Luis habang napapikit na bahagyang hinihilot ang kanyang sentido dahil nastress na siya ng malala. "Marunong naman siya siguro sa spelling pero bakit hindi niya magawang isulat nalang ang pangalan nito."

Ganoon din ang naiisip ni Mahana. Maski siya ay nakukuryo ng sobra kung sino iyong tinutukoy ni Jade na traydor. Kagaya ni Luis, sumasakit na rin ang ulo nito sa sobrang pag-ooverthink.

"Hindi kaya tinatakot siya ng kung sino man 'yong mastermind ng kasal natin kaya hindi niya masabi ng diretso?" Segunda ni Mahana, napatingin si Luis sa kanya at inalis ang kamay na humihilot sa kanyang sentido kanina.

Napatayo si Luis, napahawak siya sa magkabila nitong beywang at napaisip sa sinabi ng babae. "Ang tanong, sino 'yong mastermind? Anong nagawa ko sa kaniya o sa kanila para gawin nila sa'kin 'to?"

Napakibit-balikat si Mahana. Napapaisip tuloy siya kung bakit nadamay siya sa gulo na si Luis lang sana ang involve.

"Alalahanin mong mabuti lahat ng kinaaway mo, Luis, baka isa sa kanila 'yong mastermind." Suhestiyon ng babae.

Napailing-iling si Luis. "Hana, malapit sa akin 'yong mastermind, 'yon ang sinabi ni Jade. Wala siyang pinangalanan basta ang sabi, nakapaligid sa akin. Hindi naman ako ganoon kafriendly e, mapili ako sa kaibigan lalong-lalo na sa taong pagkakatiwalaan ko. Pwedeng kaibigan o maski kapamilya ko 'yong mastermind."

"Pwes, sino?"

"Hindi ko alam." Napasuntok si Luis ng mahina sa pader na malapit sa kanya. Nagulat pa roon si Mahana kaya halos tumalon ang kanyang puso. At kapag ganoon na nag-uusok si Luis sa galit dahil sa problema nila, nakakaramdam siya ng kakaibang takot. Ang takot na iyon ay tanging kalmadong presensya lamang ni Luis ang makakahinto.

"I really need to go back to Manila as soon as possible. Hindi ko na kayang patagalin 'to. Kating-kati na akong malaman kung sino 'yong mastermind  sa letcheng kasal na 'to. Humanda sila sa'kin." Nagbabantang boses na usal ni Luis habang nakatingin sa malayo. Nakayukom ang  kanyang mga kamao sa galit na handang-handa na itong sumuntok.

Napalunok na lamang si Mahana sa takot. Wala siyang ipinagdadasal nong oras na iyon kundi ang mapakalma si Luis dahil natatakot na siya. Sa paraan ng pananalita nito, sa paraan ng pagyukom ng kamao niya at paggalaw ng panga nito ay halos kumalawa na ang kaluluwa nito sa takot.

-

"Ang init-init, saan ba tayo pupunta?" Nakangusong reklamo ni Luis habang nakasunod sa nagmamadaling Mahana. "Bakit tayo nandito sa palengke? Magbebenta pa tayo? Wala naman tayong napitas kanina ah, bakit tayo nandito?"

Accidentally Married to A Playboy (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now