Chapter 21: Kasagutan

39 0 0
                                    

"Prinank ka lang, nagalit ka na agad."

Narinig ko ang sunod-sunod na pagtawa ni Mahana matapos niya akong maabutan na hawak-hawak iyong pregnancy test na positive. At mas lalo pa akong naguluhan sa mga sinabi niya.

Napakunot ako ng noo. "Anong prank?"

Kinuha niya iyong pregnancy test na hawak ko. Sinundan ko siya ng tingin na maupo sa dulo ng kama. Kung gaano kakabado ang puso ko siya naman ang ikinakalma niya.

"Aamin na ako. Sige na." Tugon niya, nakaabang ang buong sistema ko sa mga susunod niyang sasabihin.

"Bu-buntis ka?" Dire-diretsong tanong ko dahil nilalamon na ako ng kaba.

"Hahaha!" Ayon na naman ang pagtawa niya na ikinaiinis ng teinga ko na marinig.

"Bakit ka ba tumatawa? Anong aamin mo? Wala ka ng aaminin dahil nahuli na kita. Buntis ka ' diba?" Iritableng tugon ko. Konti nalang din ay sabunutan ko siya dahil sa pagiging kalmado niya. Pinagtatawanan pa ako ng babae.

"Shunga! Hindi ako buntis." Sagot niya na ikinagulat ko.

"Anong hindi? Positive 'yang resulta dyan sa pregnancy test mo oh. Hindi ka naman siguro bulag no?" Depensan ko, medyo tumataas na ang boses ko sa kanya dala ng inis.

"Oo, hindi ako bulag." Pagdidiin niya. "Sino ba kasi maysabi sa'yo na akin 'to?" Itinaas niya ang hawak nito na pregnancy test.

Mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi niya. Kung hindi sa kanya iyong Pregnancy test, e kanino?

"Kung hindi sa'yo 'yan, e kanino? Tsaka, ano 'yong mga signs na napansin ko sa'yo? Hana, tumama lahat ng signs na sinabi ni Rhaiven sa akin kaya paano mo nagagawang magdeny ngayon?" Pakikipaglaban ko, ni halos hindi ako kumukurap sa pagiging desperada ko ng kasagutan.

Nakita ko kung paano siya napabuntong-hininga ng malalim. "Kay Kayejell 'to, 'yong kaibigan ko sa apartment." Tugon niya. "Mangingialam ka na nga lang sa mga gamit ko, namali ka pa ng akala."

Umalis siya sa pagkakaupo sa dulo ng kama at inihagis sa loob ng kanyang shoulder bag iyong pregnancy test, saktong nashoot naman ito sa loob.

"What? Paanong hindi sa'yo? How about those fucking pregnancy signs na napansin ko sa'yo?"

Hinarap niya ako at narinig ko ang pagtawa niyang maikli. "Hindi ba obvious na sinet-up lang kita?" Taas-kilay niyang tugon.

Mas lalo akong nagulugan sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?

"Anong set-up na pinagsasabi mo dyan?"

"Jusko! Nahalikan mo lang ako non, limot mo na agad." Nakangising tugon niya. Nakita ko pa kung paano niya basahin iyong lower lip niya gamit ang kanyang dila.

At bumalik sa alaala ko iyong pagkakataon na hinalikan ko siya. Iyong malambot niyang labi, iyong pagtugon niya sa mapusok kong paghalik at sa paraan ng paghawak niya sa leeg ko na madiin. Fuck! How can I forget that?

"Nagsex ba tayo, that night?"

"Ano sa tingin mo?" Pilyong sagot niya.

"Just answer my fucking question, Hana."

Nakipagtitigan muna ito sa akin bago sumagot. "Hindi. After mo 'kong halikan, inihiga mo na 'ko sa kama then hindi na kita naramdaman pa." Paliwanag niya.

"E ba't hubad ako pagkagising natin?"

"'Yon nga ang prank e."  Kagat-labi na tugon niya.

"What do you mean?"

"Nagising ako ng madaling araw at syempre, hindi naman ako makakapayag na hindi ako makaganti sa kademonyohan mo sa akin kaya ayon, sinet-up kita." Panimula niyang paliwanag. "Hinubad ko lahat ng damit mo para mag-overthink ka ng malala pagkagising. Para isipin mo na may nangyari sa atin kahit ang totoo ay wala talaga. Syempre, para makatotohanan yong prank ko sa'yo, tinotoo ko 'yong mga signs ng pregnancy."

Accidentally Married to A Playboy (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now