Chapter 8: Bad News

45 3 0
                                    

"As of now, wala pang balita ukol sa pagpapahanap kina Jade. Sa lawak ng mundo, hindi natin alam kung saan sulok sila hahanapin. Kumalma ka nga, 'yong reward na ibibigay ng Lola mo muna ang asikasuhin mo."

Kinuha ko iyong iniabot ni Kenneth sa akin na bote ng alak. Sumadya ako rito sa condo niya para makibalita. Hindi ko siya makontak kaya sinadya ko na siya. Wala sina Chris at Rhaiven dahil busy sila sa mga buhay nila, lalong-lalo na si Rhaiven.

"Anong kalma? Paano ako kakalma sa lagay na 'to? Ni hindi ko alam kung nasaan sina Jade e. Pre, walang silbi kung makukuha ko 'yong reward kapag kasal pa rin ako sa babaeng 'yon. Gusto ko, as soon as possible ay mapasawalang bisa na 'yon."

Kumuha ako ng pulutan namin at kinain ko iyon. Oo, napapayag ko nga si Mahana na magpanggap kami pero ang ikinakatakot ko, baka hindi niya gawin ng maayos ang trabaho niya. Bukod don, hindi pa alam ni Misty ang tungkol sa kasal namin ni Mahana.

"E anong magagawa natin, mukhang nagtatago sila e."

"Iyon ang nakakapagtaka sa lahat, bakit sila nagtatago after nong kasal? May iba ba silang dahilan bakit sila nagtatago? May nag-utos ba sa kanila na gawin 'yon?"

Gabi-gabi ko nang iniisip ang mga posibleng rason patungkol sa kasal. Para kasing may isang tao ang may kapakanan lahat ng ito at kung sino man iyon ay hindi ko na alam.

"Don't tell me, pinagdudahan mo si Mahana."

"It's not like that, bro.."

"E ano? May kahina-hinala ba sa mga kilos niya?"

"Wala naman."

"Sabagay! Mahihirapan ka bang mapapayag 'yon kung may alam siya sa kasal niyo? Halata naman na biktima lamang siya e. Pero, posible pa rin 'yang  iniisip mo, isipin mo lahat ng nangyari sa inyo nong highschool tayo, baka nga naghihiganti siya. Mag-iingat ka."

Hindi ko alam kung sino ang kakampi ko dito. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan si Mahana kahit wala naman nakakaoverthink sa mga kinikilos niya. Tama si Kenneth, biktima rin siya, valid lahat ng kilos niya para masabi kong wala siyang kinalaman sa nangyari.

Ang tanong, sino ang may gawa nito sa akin?

"Ayoko sa lahat is yong makalat, ah. Gusto ko malinis palagi 'tong condo ko. Ayoko sa burara, at ayaw na ayaw ko na pinapakialam yong mga gamit ko."

Hinayaan ko lamang si Mahana na ipasok niya iyong mga dala niyang bagahe kahit hirap na hirap na siya sa pagpasok ng mga 'yon. Binadtrip na naman niya ako nong sinundo ko siya kaya bahala siya.

"Ano pang sense na titira ako dito kung ayaw mong mapakialam lahat ng gamit mo?"

Padabog siyang naupo sa may sofa, nakangusong yakap-yakap nito ang kanyang sarili na nagbabadyang sasabog na naman ito sa galit.

"I'll allow you those kitchen stuff but know your limits. Ako ng bahala sa groceries at lahat ng bayarin dito sa condo, just do you job well." Tugon ko at tinitigan siya, wala naman akong natanggap na sagot mula dito kundi tanging pagtango lang.     " Of course, I'll let you use the bathroom syempre pero pinapangunahan na kita, ayoko sa dugyot."

Napasimangot ito sa sinabi ko, salubong ang dalawang kilay na tumitig sa akin. "Mukha ba 'kong dugyot, hmp?"

"I didn't say that. Sinabi ko lang na ayaw ko sa dugyot." Depensa ko.

Napabuntong-hininga ito ng malalim saka inayos-ayos ang buhok. Naglakad ako papunta sa gawi ng cabinet dahil may kukunin ako don.

"Oh, wear that one kapag lalabas tayo kasama sina Mama."

Iniabot ko sa kanya iyong maliit na box na kulay pula na naglalaman ng singsing. Sumadya ako na bumili ng ganon para masabi at maipakita kita Lola na totoong kasal kami kahit hindi naman talaga. Syempre, kinakailangan namin ng props para magampanan kunwari na mag-asawa kami. Singsing ang isa sa mga simbolo ng mag-asawa.

Accidentally Married to A Playboy (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now