Chapter 5: Offer

58 4 0
                                    

"Ikaw na ang bahala sa Misis mo, Luis at kami ay matutulog na."

Akay-akay ni Mama si Papa na halos lantang gulay na ang kalagayan dahil tinamaan na ng sobra ng kalasingan. Matapos kasi ang dinner ay nagyaya pa sila na uminom, go na go naman pati 'yong mga kamag-anak  ko na pare-parehas din na lasing na, maliban kay Lola na nauna nang pumaroon sa may kwarto upang matulog. At kagaya ng sabi ni Lola, nagcelebrate nga sila pero hindi ako halos nakaramdam ng tuwa.

Tinulungan ko si Mama na alalayan si Papa hanggang sa kwarto nila. Malakas kasi siyang uminom kagaya ko kaya wag na kayo magtama kung kanino ako nagmana sa pagiging lasinggero.

"Oh, saan ka pupunta?"

Napansin ko na tinatahak ni Mahana ang daan palabas ng main door ng bahay namin nang pababa na ako sa may hagdanan.

"Uuwi na."

Hinabol ko siya hanggang sa makalabas kami ng bahay. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad at nakabuntot lang ako sa kanya.

"Ba't ka nakasunod sa'kin?"

Huminto ito sa paglalakad at hinarap ako na makikita sa mukha niya ang pagdududa dahil nga nakasunod ako sa kanya.

"We need to talk."

Natawa si Mahana ng mapakla at tsaka ito tumingin ng nakangisi sa akin.

"Ulul! Talk mo mukha mo." Singhal niya sa akin na ikinainis ko. "Aawayin mo lang naman ako e. Kaya bago pa tayo magkarambulan, uuwi na 'ko."

Nagpatuloy siya sa paglalakad pero mabilis ko siyang hinawakan sa may palapulsuhan niya para mapigilan ito.

"I'm fucking serious, Mahana." Maawtoridad na tugon ko kaya padabog niyang binawi 'yong kamay niya sa akin at pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Oh, akala ko ba naiinis ka sa'kin? Ayaw mo nga na raramdaman 'yong presensya ko, 'di ba? Tutal naman tulog na 'yong kapamilya mo, tapos na din ang trabaho ko bilang MISIS mo." Pagdidiin niya sa kanyang mga salita.

Napabuga ako ng hangin sa inis. Nakikita ko naman na parehas lamang kami na ayaw maramdaman ng presensya ang bawat isa. Pero gusto kong malaman niya na kinakailangan ko ng tulong niya.

"I need your help."

"Wow naman! Himala! Nangangailangan pala ng tulong ang isang Playboy na si Luis. Gosh! Firstime ko 'tong maencounter ah. Dakilang playboy, humihingi ng tulong sa akin?" Nakaduro pa siya sa kanyang sarili at humalakhak ng malakas.

"Wala akong time para makipagbiruan sa'yo." Iritableng tugon ko sa kanya.

"Excuse me lang, ha? Mahana ang pangalan ko hindi founder ng sagip kapamilya, hmm?" Singhal nito sa akin at inayos na niya ang kanyang shoulder bag. "Alis na 'ko."

"I'll pay you, fifthy thousand a month, just be my wife."

Napatigil siya sa paglalakad, ilang segundo muna ang nakalipas bago ito humarap sa akin. Pinagkrus niya ang kanyang braso sa kanyang dibdib at nakataas-kilay na tinapunan ako ng tingin.

"Kahit kaluluwa mo pa ang ipangbayad mo sa'kin, ayoko! Matapos nong mga ginawa mo sa'kin nong highschool, akala mo ba, papayag ako ng ganon lang kadali? Pwes! Manigas ka."  Malditang ani nito at inirapan ako.

"Ano ba, Mahana, paano mo nakakayang magchill lang ng ganyan? Hindi mo ba nakikita, nauulol na ako kakaisip ng paraan para lang maayos 'yong kasal na 'yon. Tapos ikaw, kalmado lang?"

"Wala akong pakialam kaya kalmado ako, okay? Tsaka, okay lang naman sakin kung kasal tayo, walang problema sa'kin tutal naman parehas natin na 'di ginusto yon e. Ayos lang sa'kin dahil sa papel lang naman tayo masasabing mag-asawa, hindi sa totoong buhay." Depensa nito.

Accidentally Married to A Playboy (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now