Chapter 12: Good news

37 2 0
                                    

"Sana lang talaga may mapala tayo dito sa ideya mo, Luis, at kung wala, ikaw ang bahala na magpaliwanag sa nililigawan ko. Date namin ngayon, pre, wrong timing ka naman e."

Mula makaalis kami ng condo ni Kenneth ay panay na siya reklamo dahil may date dapat sila nong Alona na nililigawan niya. Kung hindi ko lang kinosensya kanina, hindi naman siya sasama sa akin.

"Uunahin mo pa talaga 'yon kaysa sa'kin? Importante 'tong lakad natin, pre, galingan mo na lang magpalusot sa kanya mamaya."

Napakamot na lang siya ng ulo habang nagmamaneho. Para bang may sili sa pwet ko at hindi ako mapakali sa pagkakaupo. Kating-kati na akong makuha 'yong kopya nong CCTV footage. Tanging iyon ang makakapagsalba sa akin.

Nakatanggap ako ng tawag mula kina Rhaiven at Chris na naroon na daw sila sa bar. Mas nauna pa silang dumating don dahil malapit lang naman 'yon sa mga work nila hindi tulad sa amin ni Ken na kinakailangan pa namin makipag-initan sa mga motorista dahil sa traffic.

"Anong meron at napasugod tayong apat dito? May broken ba sa inyo?" Nagpalipat-lipat ng tingin si Rhaiven sa amin matapos naming magkita-kita sa harapan ng bar. "Tirik na tirik ang araw oh, tanghaling tapat sumugod na tayo dito para maglaklak ng alak, 'di niyo na hinintay na magdilim manlang."

"Kailangan kita, Rhaiven, huwag ka na magtanong basta ihanda mo 'yong cheke mo. Magagamit natin 'yan mamaya." Inakbayan ko siya papasok sa bar.

"Don't tell me, uutang ka na naman? Pocha naman, Luis, ba't 'di ka nalang magpa-ampon sa akin, gago ka. Inubos mo na ang pera ko e." Reklamo nito sa akin at pilit nagpupumiglas paalis sa pagkakaakbay ko sa kanya.

"Kahit gawin mo na 'kong alila after this basta tulungan mo 'ko sa pinansyal."

Nagpauna kaming pumasok ni Rhaiven sa loob ng bar. Walang katao-tao dahil maaga pa naman. Mga alas dos pa lang ng hapon. May mga ilang staff na nagkalat sa paligid upang mag-ayos ng mga upuan at lamesa. Pati 'yong Dj ay nagprapraktis na rin yata para sa trabaho nito kinagabihan.

"Magandang tanghali po, mga ser, ano pong sadya nila?" Magalang na tugon ng lalaking abala na nag-aayos ng mga alak sa counter. Napansin niya ang pagdating namin kaya aligaga siyang lumapit sa pwesto namin.

"Gusto naming makausap 'yong manager." Tugon ko at inilinga ang paligid dahil sinusubukan kong alalahanin iyong gabi na ikinasal kami ni Mahana. Kahit yata pigain ko ang utak ko, wala talaga akong malala na kasama ko siya.

"This way po mga ser."

Iginaya niya kami papasok sa isang opisina sa may bandang left side, right side non ay papunta sa mga kwarto tapos sa dulo ay may mga comfort room. Sinundan lang namin iyong lalaki na umasikaso sa amin at pagpasok namin sa opisina ay bumungad sa amin ang isang lalaki, nasa mid kuwarenta siguro ang edad.

"Mr. Mendoza, what brought you here?"

Una niyang nakilala si Rhaiven dahil mukhang magkasosyo sila sa negosyo. Sabi na nga ba at magagamit ko si Rhaiven para mapadali ang lahat.

"May concern 'tong kaibigan ko kaya sinamahan ko na if you don't mind, Sir." Pormal na pakikipag-usap ni Rhaiven sabay turo sa akin.

"Sure, maupo kayo.."Kanya-kanya kami ng upo sa sofa na naroon sa opisina ng manager. "So, ano ang maitutulong ko sa inyo?"

"Hihingi po sana kami ng kopya ng CCTV footage nong isang beses na pumunta kami dito. Magbabayad po si Rhaiven ng malaki, huwag po kayong mag-alala."

Kaagad akong nakatanggap ng mahinang pagsiko mula kay Rhaiven dahil sa sinabi ko. Pinagdilatan niya pa ako ng bahagya kaya natawa na lang ako.

"Sure, no problem."

Matapos kong sabihing  ang concern ko ay iginaya niya kami sa isang kwarto kung saan naroon ang isang lalaki na may bantay sa  mga CCTV ng bar.

Accidentally Married to A Playboy (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now