Chapter 16: Unknown Number

38 1 0
                                    

"Bakit magkasama kayo ni Mama kanina? Anong pinag-uusapan niyo? At bakit, nandito siya sa Pinas e pagkakaalam ko, nasa abroad dapat siya kasama si Papa? Bakit inform ka na nandito siya tapos ako na anak niya, hindi?"

Ang daming tanong na sumasagi sa utak ko dahil sa nakita ko kanina na tanging sina Mahana at Mama lamang ang makakasagot. Nakakapagtaka naman talaga, bakit alam ni Mahana na nandito si Mama pero hindi manlang niya sinabi sa akin? Bakit parang may pinag-uusapan silang importante at kung ano man iyon ay wala akong ideya?

Napatigil siya sa pagsusuklay ng kanyang buhok. Abala kami sa paghahanda sa pag-alis namin kasama si Lola. Ayon nga sa sabi niya kanina, sasama kami sa dinner with her amigas/ amigos. Kahit naman ayaw ko ay wala akong magagawa.

"Isusurprise ka dapat ni Tita, kaso, nabisto mo naman kami kanina." Sagot nito pero hindi ko magawang makumbinsi. Gusto ko ng malalim na paliwanag. Hindi ako satisfied sa sagot niya.

"Anong pinag-usapan niyo? Mukhang seryoso kayo kanina e." Tanong ko ulit.

Wala akong napansin na kakaiba sa mga kinilos ni Mahana maliban lamang sa pagtagas ng butil ng pawis sa noo niya na animoy kinakabahan. Hindi ko pa rin maiwasan ang magduda sa kanya dahil una sa lahat, hindi ko naman alam kung kakampi ko ba talaga siyang tunay o hindi.

"Yon nga, 'yong pangsusurprise dapat niya sa'yo."

Hindi ako nakasagot at napatango na lamang. Baka nga nagiging praning lamang ako kaya kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko at pati ang sarili kong ina ay pinagdududahan ko.

Nagkanya-kanya kami ng pag-aayos ng sarili ni Mahana bago pa kami tawagin ni Lola. Abala siya na naglalagay ng makeup sa kanyang mukha na nakapwesto roon sa vanity table, habang ako, naupo na sa sofa, naglalaro ng mobile games para hindi ako maburyo kakahintay sa kanya.

"Luis..".pagkuha niya sa atensyon ko.

"Hmm?"

"Baka naman pwedeng makuha na 'yong passport ko." Tugon nito at nilingon pa ako saglit bago ibinalik ulit ang atensyon sa kanyang ginagawa.

Napabuntong-hininga ako ng malalim saka napailing. "Pinag-usapan na natin ang tungkol diyan, di ba? Saka mo lang makukuha 'yon kapag naibigay na ni Lola 'yong reward ko."

Narinig ko na may ibinaba siya sa ibabaw ng table saka ito umupo paharap sa pwesto ko.

"E, nagagawa ko naman ng maayos 'yong trabaho ko e. Mukha namang effective 'yong pagpapanggap natin sa Lola mo. Masyado nang matagal 'tong pagpapanggap natin, baka mamaya iba ang kahantungan nito." Komento niya, napahagikgik pa ng mahina dahil alam ko ang iniisip niya.

No way! Kung iniisip niya na magkakagusto ako sa kanya, hindi. Kahit siya na lamang ang babae na matira dito sa buong mundo, mas gugustuhin ko nalang na magpakamatay.

Napailing ako sa palaisipan niya. "Kilala ko ang galawan mo nong highschool tayo kaya hindi mo ko matatakasan ngayon."

"Hindi naman kita tatakasan e, tutupad pa rin ako sa kasunduan natin. Inaayos ko na kasi 'yong papeles ko para makaalis na ko ng bansa bago matapos ang taon. Baka kasi magastos ko sa ibang bagay 'yong sahod ko na mula sa'yo e." Depensa niya at halatang-halata na uhaw siya na makuha sa akin iyong passport niya.

Naibaba ko ang hawak kong selpon at tinignan siya.

"Ano bang gagawin mo don at atat na atat ka yatang pumunta don?" Taas kilay na tanong ko.

Nahihiwagaan na ako ng sobra kung ano ang dahilan niya kung bakit nagmamadali siyang pumunta sa ibang bansa. Hindi nalaman ng private investigator ni Kenneth ang tungkol doon. Mukhang mahalaga iyon kay Mahana, at kuny ano man ang ipupunta niyandoon ay wala akong ideya.

Accidentally Married to A Playboy (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now