Chapter 10: Head or Tail

41 2 0
                                    

"Hindi mo sinabi sa akin na close pala kayo ni Mama. Kailan pa?"

Binasag ko ang katahimikan matapos naming ihatis si Mama sa bahay. Nang maabutan ko silang nag-uusap, aligaga silang dalawa na animoy gulat na gulat sa pagdating ko. Tutal sinusundo si Mahana, isinabay ko na rin si Mama na nabalitaan ko na nagtaxi lang papunta roon.

"Sinuyo ako ng Mama mo kaya siya nandon." Sagot ni Mahana sa akin habang nasa labas ng bintana ang kanyang tingin. "Napansin niya yata 'yong kilos nating dalawa kanina sa restaurant. Hindi mo sinabi sa akin na malakas ang pang-amoy ng nanay mo kapag magkagalit ang dalawang tao."

Buong pwersa ko na kinalabit ang preno ng sasakyan ko dahil nagkulay red ang traffic light. Bahagya akong napatitig kay Mahana na noon na buryong-buryo sa postura niya. Kahit wala siyang ginagawa sa akin, inis na inis talaga ako sa kanya. Ewan ko talaga kung kaya ko siyang pakisamahan hanggang sa makuha ko yong rewars kay Lola.

"E bakit gulat na gulat kayo nong makita niyo 'ko?" Tanong ko, napalingon siya sa akin at ilang segundo lang ay nag-iwas rin ng tingin.

"Nag-assume ako na kaya ka nandon kasi susuyuin mo 'ko."

"Kapal mo! Pumunta ako don para sunduin ka dahil baka takasan mo 'ko. Baka makalimutan mo na may agreement tayong dalawa." Depensa ko dahil malakas mag-assume ang babaeng ito.

Napansin ko ang pagngisi niya na talagang hindi niya nagawang paniwalaan ang sinabi ko. Muli kong ginalaw ang manibela ng sasakyan ko dahil nagkulay berde na iyong traffic light.

"Tsk! Huwag kang assumera! Hindi ka maganda."

Padabog niya akong hinarap. Panakaw-nakaw lang ako ng tingin sa kanya dahil nagmamaneho ako.

"Luis, bakit pa natin kailangang magpanggap? Hindi ba pwedeng tigilan nalang natin tutal naman ang pamilya mo lang naman at mga kaibigan mo ang nakakaalam na mag-asawa tayo e. Tsaka, patay na si Mayor Queja, at sa tingin ko, pagtatawanan lang tayo sa korte kapag pinagpilitan natin na aksidente 'yong kasal. Sinabi ko naman sa'yo na okay lang sa'kin na kasal tayo tutal naman sa katapusan ay aalis na 'ko ng bansa."

Napailing ako sa mga sinabi niya. Hindi ko makuha ang pinupunto niya pero hindi ako payag sa gusto niya na itigil namin ang pagpapanggap.

"Ngayon pa ba tayo titigil e mukhang nakukumbinsi na natin si Lola? Mahana, mahalaga sa akin na mapasawalang bisa 'yong kasal natin. Hindi kita mahal, hindi mo rin naman ako mahal 'di ba? Nararapat lamang na gawin natin 'yong annulment." Pangungumbinsi ko sa kanya dahil wala akong ibang kakampi sa ngayon kundi siya lang.

"Mahihirapan tayo, ni hindi natin alam kung nasaan si Jade. Mag-aaksaya lang tayo ng panahon."

"Ako na ang bahala don, ang mahalaga ngayon, gawin mo ng maayos ang trabaho mo. Passport mo ang nakasalalay don, Mahana. Hindi ka makakaalis ng bansa kapag hindi mo ginawa ng maayos ang trabaho mo, maliwanag?"

Nakuha ko siya sa mga salita ko kaya napanatag ako. Kahit papaano ay madali siyang utuin. Sa ngayon ay kinakailangan ko ng sapat na oras at pagplaplano para mahati iyong gawain ko sa paghahanap kay Jade at sa pagkuha nong reward ko. Sana lang magtagumpay kaming dalawa.

-

"Ay ang sarap mahiga."

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Mahana sa kama ko, nagpagulong-gulong na parang bata. Napansin ko tuloy na nagusot 'yong bedsheet ko kaya mabilis ko siyang nilapitan upang suwayin.

"Alis diyan. Hindi sa'yo 'yan." Pagtataboy ko sa kanya.

"Teka, ba't ako aalis? Kama nating dalawa 'to dahil mag-asawa tayo. Tsaka, inaantok na ako, Luis." Niyakap niya iyong unan na nahawakan niya't pumikit na upang matulog. Sa inis ko ay hinila ko ang isang paa nito dahilan para mapahiyaw siya.

Accidentally Married to A Playboy (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now