Chapter 14: Stealer

39 2 0
                                    

"Ba't kasi hindi nalang natin pagbigyan si Lola para tantanan na niya tayo."

Muntik kong maibato kay Mahana iyong hawak ko na unan dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi na namin kailangan mag-agawan sa kama dahil malaki naman iyon. Kung tutuusin ay mailalarawan ko na iyong pinakamagandang kwarto ang kinuha ni Lola para sa amin.

"Are you out of your mind?" Inis na singhal ko sa kamya. "Papayag ka na makipagsex sa akin para lang mapatahimik ang Lola ko? Adik ka ba?"

"E kaysa naman 'yong kinukulit tayo, nauubusan na ako ng palusot don e." Sagot nito.

"Tsk! Ganyan ka ba kababaw para pumayag na lang ng ganon kadali? Mahana, bata ang hinihiling ni Lola at hindi isang laruan lang na ibibigay ng basta-basta. Kung makasunod ka kay  Lola parang nag-uutos lang ng gawaing bahay 'yon ah." Kompronta ko.

Ang dali sa kanyang mapapayag sa mga ganong bagay para matapos kaagad ang problema. Hindi niya pinag-iisipan ng mabuti ang mga posibleng mangyari kung nagkataon na gagawa nga kami. Kung makapagdesisyon siya, para lang ito naglalaro na parang bata.

"Sayang naman 'tong pinareserve niyang kwarto sa atin kung hindi natin babahiran ng kalibugan natin 'di ba?" Usal nito at inililinga ang mata sa kabuuan ng kwarto.

Napahilot ako sa kanyang sentido. Para akong nakikipag-usap sa taong walang utak. Paano ko ba matatagalan ang ganitong klase ng tao na mahina ang pag-iisip sa mga bagay-bagay? Potangina! Pakiramdam ko, mas mauuna pa akong mamatay kaysa makuha iyong reward o 'di kaya mapasawalang bisa yong kasal namin.

*What the? Don't tell me ayos lang sa'yo na may mangyari sa atin kahit hindi naman natin mahal ang isa't isa?"

Napatango-tango ito. "Mag-asawa naman tayo e saka.." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at nakita ko kung paano ito napalunok. "-mukhang yummy ka naman. Daks ka siguro 'no?" Taas-kilay niyang tanong.

"Yuck! Ang baboy mo!" Nandidiring tugon ko. Hindi ko kayang makuha sa mga salita niya dahil pinapangunahan ako ng pandidiri.

"Wow naman, Luis, diring-diri ah. Parang 'di ka uhaw sa sex." Humagikgik pa ito ng tawa at sa pandidiri ko ay naihampas ko sa kanya iyong unan na nahawakan ko. "Aray naman!"

"Hindi ako natutuwa ah. Umayos ka nga, Mahana. Hindi ito ang tamang panahon para sa mga biruan na 'yan." Singhal ko sa kanya. "Imbes na tulungan mo 'ko mag-isip para makatakas kay Lola, pinapasakit mo naman lalo ang ulo ko."

"Kumalma ka kasi, stress na stress ka e." Naramdaman ko na hinimas nito ang aking braso, tinignan ko siya at nakita ko ang nakakabaliw niyang pagngisi na hindi ko nagustuhan.

"Kung ano man 'yang binabalak mo, huwag mo ng ituloy. Baka makalimutan kong babae ka at masapak kita ng wala sa oras." Pagbabanta ko sa kanya dahilan para mapasimangot ito.

Napalayo siya ng konti sa akin at napabuntong-hininga. "Eto naman, tinatry lang naman kitang akitin e."

"Patawa ka? 'Di bagay sa'yo. Kadiri." Inirapan ko siya saka niyakap ang unan na hawak ko.

Hindi niya ako sinagot at nakita ko na lang si Mahana na umalis sa kama at nagtungo sa may table. May kinuha siya roon, iyong remote control nong TV. Nagtaka ako dahil mukhang may hinahanap siyang channel.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"Naghahanap ng bold.." sagot nito habang patuloy na nagtitipa sa remote control.

"Tangina? What do you think you're doing, Mahana?" Singhal ko, napabalikwas ako ng sandal sa head board ng kama.

"Mukha kasing 'di gising ang junjun mo kaya bubuhayin ko para masimulan na natin ang oplan baby making." Gumalaw-galaw pa ng kilay nito pataas baba na ikinainis ko.

Accidentally Married to A Playboy (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now