Chapter 6: Takas

48 5 0
                                    

"Kalilipat pa lang ng pangalan ko sa kompanya, uutangan mo na 'ko. Ni wala pang bente kwatro oras na nakapangalan tong kompanya sa'kin e."

Napasugod ako kay Rhaiven nang maalala ko na mauubos na ang laman ng bank account ko. Hindi magiging sapat ang pera ko na nandon para bayaran si Mahana if ever pumayag ito, idagdag pa 'yong gagastusin namin sa pagproseso nong annulment ng kasal namin.

Sa aming lahat, si Rhaiven itong mapera dahil animoy nagtatae ng pera ang bank account nito or wallet. Swerte kumbaga ang isang to pagdating sa pera. Hindi naman ito 'yong unang beses na uutangan ko siya. Lahat kami kapag may problema pinansyal ay sa kanya kami kaagad tumatakbo. Hindi naman kasi madamot ang isang 'to.

"Babayaran ko naman, pre. Kinakailangan ko lang talaga ngayon."

Nagdekwatro ako ng upo sa sofa na nasa gilid ng kanyang opisina habang abala na nilalaklak 'yong alak na inilabas niya kanina sa may center table.

"Hindi naman issue sa akin kung mababayaran o hindi e." Napasandal siya sa kanyang mesa at diretsong humarap sa akin. "Aanhin mo ba 'yon?"

Nilunok ko muna iyong alak na ininom ko bago ko siya sinagot. "Pambayad ko kay Mahana if ever pumayag na siya sa offer ko. Plus, 'yong gagastusin namin sa pagpapasawalang bisa nong kasal namin."

"Itutuloy mo pa rin? Akala ko ba, okay lang sa kanya na kasal kayo?"

"Sa kanya, pre, okay lang, you know me already. May pinaglalaanan ako ng salitang 'i do' ko."

Kaagad nakuha ni Rhaiven ang ibig-sabihin ko kaya natawa siya at napailing-iling. Sa kanya ko mas inoopen up ang tungkol sa bagay na iyon. Kapag kasi sima Chris at Kenneth, puro may halong kantyaw ang advice nila, hindi tulad ni Rhaiven na puro seryosohan.

"Did she know it already?"

Napaangat ako ng tingin at napailing. "Naghahanap pa ako ng magandang pagkakataon."

"Alam mo, opinion ko lang ah, may mapapala ka ba talaga sa babaeng 'yon? I mean, ang tagal na kasi, bro, graduate na tayo, ni wala ka pang kasiguraduhan kung gusto ka non o pinapaasa ka lang e. It's been three years, Luis. Tatlong taon ka ng mukhang umaasa sa wala." Seryosong komento ni Rhaiven.

Tatlong taon. Oo, tatlong taon na akong naghahabol na parang aso sa taong mahal ko na hindi ko rin alam kung mahal din ako. Sa tatlong taon, wala siyang binigay na assurance sa akin basta ang mahalaga sa akin ay may komunikasyon kami at magkasundo kami.

"Pinapaasa ba 'ko non e halos gabi-gabi naman kaming nag-uusap? May update-tan, lambingan, tampuhan. Oo, wala pa siyang binigay na assurance sa akin, pero, pre, mahal ako non, sigurado ako, sadyang busy lang siya sa career niya.  Alam mo naman na pangarap niya 'yon mula pagkabata e." Depensa ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako na baka may patutunguhan iyong sinabi ni Rhaiven.

"Itratransfer ko nalang sa account mo kapag natapos na 'yong meeting ko mamaya." Tinapik ni Rhaiven ang balikat ko saka ito nagpaalam na aalis na kasama 'yong sekretarya niya dahil may meeting nga siyang dadaluhan.

Matapos ang pag-uusap namin ni Rhaiven, inalis ko muna sa isip ko ang naging topiko namin. Hindi ko muna uunahin iyon, mas mahalaga na mapapayag ko si Mahana para makuha ko na yong reward ko kay Lola. Aayusin ko muna siguro ito bago ipaalam sa kanya.

"Goodmorning, Hijo.."

Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko na narito sa kwarto ko sina Mama, kasama si Lola na nakaupo sa may sofa ng kwarto ko. Anong ginagawa nila dito sa condo ko?

"Ma, Pa, Lola? What are you doing here?" Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang tatlo dahil wala akong ideya kung bakit sila nandito.

"We're here to visit you and Mahana. Wait, where's your wife?" Hinalungkat ni Mama ang buong kwarto ko upang hanapin si Mahana pero wala siyang napala.

Accidentally Married to A Playboy (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now