Chapter 13 ◉⁠‿⁠◉

7 1 0
                                    

Tahimik akong nakaupo sa classroom habang nagkekwenta ng pera na nasa wallet ko.

Two hundred na lamang ang laman noon at kailangan mapagkasya ko iyon. Bali 30 pang lunch ko,20 pang pamasahe pauwi tapos tabi ng 100 para sa pangbayad sa apartment,so may tira pa kong 50. Nice!

"Hoy!Bat mo kinuha yang notebook ko? Akin na nga yan!"sabi ko kay Miguel nang kunin nito ng basta basta ang notebook na nakapatong lamang sa table ko.

"Damot mo naman! Pakopya lang alam mo namang napakasipag kong estudyante eh!"sabi nya habang dali-daling sinusulat sa notebook nya ang assignment ko. Ngayon na ang pasahan nito at ngayon lang sya nanggagawa kaya ayan tuloy,nagmamadali sya.

Dalawang araw na ang nakalipas imula ng mag confess si Miguel. Hindi ko na rin masyadong nakikita si Nathan. Naging maayos naman ang paguusap namin ni Miguel noong araw ng birthday nya kaya wala kaming ilangan sa isat-isa at umaakto na parang walang nangyari. Kung hindi lang siguro ako nahulog kay Nathan ay papayag akong magpaligaw kay Miguel. After all gwapo din naman sya at medyo maayos. Medyo nga lang.

"So kasalanan ko? Sa susunod gumawa ka ng assignment mo hindi yung nangongopya ka. Para saan pa ang pagpasok mo sa eskwelahan kung wala ka rin namang natututonan ? Maawa ka naman sa magulang mo. Hirap silang magpaaral sayo tapos ikaw ganyan."pagaangaw ko

Malakas syang napatawa kaya napatingin sa'min yung iba naming kaklase .

"Yieee! Nagkakamabutihan sila."sabi ni Trina na panay rin ang tawa na sinundan naman ng mga kaklase namin.

"Sinong manok nyo ha? Team ChanMiguel o ThanChan?"tanong ni Sanya sa mga kaklase namin. Ang mga walang hiya naman ay nagkanyakanya ng sabi ng team. May ibang nagsasabing team ChanMiguel at ThanChan pero mas marami ang ChanMiguel.

Sinamaan ko naman sila ng tingin kaya nagsitigil na sila.

"Nakita mo na? Pati mga kaklase natin boto satin. Sabi ko kasi sayo ako nalang eh."napabaling ako ng tingin kay Miguel dahil sa sinabi nya.

"Tumigil ka nga dyan. Tapusin mo na yang assignment mo nang mapasa na yan"sabi ko sabay tayo .

"Tara guys bili tayo ng pagkain"Aya ko sa dalawa.

"Tara, kanina pa rin ako nagugutom eh."napahawak pa si Sanya sa tiyan nya.

Palabas na kami ng pinto ng biglang magsalita si Miguel. "Teka sama!"habol nya samin

"Di ba nanggagawa ka ng assignment mo?"Tanong ko sa kanya

"Tapos na. Ako pa ba"then he smirked. Napailing na lamang ako sa kanya.

Andito kami ngayon sa convenience store at busy sa pagpili ng mabibili yung dalawa habang si Miguel naman ay kung ano nalang ang makuha. Paka gastos talaga!

"Ano ba yan bakit ba kasi dito pa tayo bumili eh pwede naman sa labas na lang para mas mura."reklamo ko. Wala pa kong nabibili dahil sobrang mahal mga presyo. Ito naman si Trina ay dito gustong bumili dahil ititreat na daw ang sarili nya ng medyo mahal na pagkain.

"Sige na kumuha ka na ng gusto mo,libre ko na"seryosong sabi ni Miguel.

Agad akong napangiti dahil sa sinabi nya.
"Yun talaga!"masayang sabi ko sabay tapik sa balikat nya "Kaya ako'y sayo eh. The best ka"excited akong humarap sa mga pagkain para mamili na.

"Wag kang magalala. Sayo din ako"mahinang sabi nya

"Teka! Pano naman kami?" tanong ni Trina

"Ganyan ka pala. Ang unfair mo pagkatapos kong piliin kanina ang ChanMiguel"si Sanya

"Bagay nga kayong magkakaibigan. Mga kurakot. Sige na kumuha na kayo...pero untian nyo lang ha. Mamumulubi ako sa inyo"

Excited na namili na rin ang dalawa ng pagkain. Pagkatapos non ay binayaran na nya sa counter at lumabas na kami.

#1Chasing My Felicity (Chasing The Dreams Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon