Chapter 7◉⁠‿⁠◉

3 0 0
                                    

Hanggang ngayon ang sakit pa rin ng puso ko!

Ganito pala yung feeling non. Nagseselos nako pero wala pa'kong karapatan!

Parang nasampal ako sa mga pinagsasasabi ko. Oo nga pala, wala akong karapatan kaya bakit ako magseselos. Eh ano naman ngayon kung may kasama syang babae at nagtatawanan sila!

Edi sila ng masaya!

Bad trip tuloy akong umuwi kahapon dahil sa nakita ko.

So false alarm lang pala yun? Yung paghahatid nya sa'kin tuwing ginagabi ako ng uwi sa trabaho,yung pagaalala nya sa'kin?

Akala ko totoo na!

What if girlfriend nya pala yun? Oo nga noh? Ngayon ko lang na realize na nagkagusto ako sa taong hindi ko pa lubusang kilala. Ni hindi ko man lang muna inalam kung single ba sya or taken na.

Hindi nya napansin na dumaan ako dun at nakita ko sya kaya malamang na wala syang alam sa nararamdaman ko ngayon.

***********

Bakit ba ang hot ko? Ang init tuloy.

Andito kami ngayon sa field ng school at halos lahat ata ng estudyante andito para sa PE exercise.

Ewan ko ba sa mga teacher nato! Lakas ng sapak,kung kailan tanghaling tapat syaka kami patatakbuhin ng pagkahabahaba.

Pero wala sakin ang init nato lalo pat andito din si Nathan. So meaning may chance na magkita kami. Sana naman nakalimutan na nya yung nangyari kahapon. Kasalanan kasi to ng ugok na yon eh!

Kung di lang kasi talaga ako na curious dun sa magic nya hindi talaga ko maniniwala dun . Kahit kailan talaga pahamak!

Wala atang araw na hindi ako mabubwsisit dun . Kagaya ngayon, siguradong magbababag nanaman kami nun at hindi ako makakatakbo ng maayos dahil sa asaran namin.

Pumila na kami sa kanya kaniyang pwesto na inassign samin.

Mahi-heat stroke ata ako sa sobrang init ,grabe!

Sinimulan na namin ang pagtakbo. Si Trina lang ang kasama ko tumakbo dahil may asthma si Sanya at bawal syang mapagod .

"Ang bagal mo talagang tumakbo kahit kelan"

Nagulat ako sa biglang umimik sa tabi ko. Kahit kelan talaga nakakabwisit tong si Miguel!

"Bakit ba bigla bigla ka nalang sumusulpot ha! Kabote ka ba ha?"

Sigaw ko sa kanya habang patuloy pa rin sa pagtakbo. Kakasimula pa lang pero grabi na ang pawis ko isa pa mabilis rin akong mapagod .

Mabilis akong mapagod pero hindi ako agad sumusuko!

Humuhugot ang anteh nyo!

"Ikaw nga 'tong mukhang mushroom Jan eh,ang liit liit mo!"

Napahinto ako sa pagtakbo kahit na ang dami kong kasalubong  dahil sa sinabi nya. Sumusobra na ang isang to ah!

"Bakit totoo naman ah!"

Sabi nya na parang batang nakikipagaway sa kapwa nya bata.

"Hindi ka b talaga titigil ha!"sa sobrang inis ko ay napasigaw na'ko kaya naman napatingin ang iba sa'min. Pati ang kanina pa hinahanap ng mga mata ko. Nagtama ang tingin naming dalawa at dahil hindi gaanong malayo ang agwat namin dahil nasa likod lang sya ng pila namin ay kita ko ang pagdaan ng galit sa mga mata nya.

Hindi ko alam kung dahil ba nagseselos sya na magkasama kami ni Miguel o dahil nakakaistorbo kami sa pagtakbo?

"Kahit kelan talaga pasaway ang mga educ student" sabi ng PE instructor namin.

#1Chasing My Felicity (Chasing The Dreams Series)Where stories live. Discover now