Chapter 10 ◉⁠‿⁠◉

3 1 0
                                    

Sa buong maghapon ay wala akong ibang ginawa kundi ang magtago para lang hindi ko makita si Nathan. Para akong may ginawang krimen at takot na mag-pahuli sa pulis. Sa buong maghapon din na yon ay hindi nawawala ang kaba ko na baka magkasalubong kami.

"Alam mo? Para kang tanga dyan! Bakit kasi hindi na lang kayo mag-usap nang hindi ka na tago ng tago! Ano hide and seek sya ang taya?"

Andito kami sa canteen at kumakain ng lunch habang panay ang pagaangaw ni Sanya sakin. Si Trina naman ay busy sa cellphone habang pangiti-ngiti.

"Akala mo ba ganon kadali ang makipag-usap sa kanya ha? Atsaka nagiipon pako ng lakas ng loob na harapin uli sya"sabi ko kay Sanya na abala na sa pagkain.

Tumahimik na lang sya sa sinabi ko. Akmang susubo ako ng mapabaling ang tingin ko kay Trina.

"Anyare sayo? Mapupunit na yang labi mo sa kakangiti. Sino yan ha?!"Tanong ko kay Trina na mukhang nagulat sa tanong ko at biglang namula.

Hmm 🤔. I smell something fishy.

"H-ha? Ah,wala 'to! kaibigan ko."sabi nya sabay patay ng cellphone at itinaob sa mesa. Pinagpatuloy na lang nya ang pagkain.

Tumahimik na lamang ako at binilisan na ang pagkain dahil baka magkita pa kami ni Nathan dito sa canteen. Hindi ko pa alam kung pano sya haharapin.

"OMG!" napatingin kami ni Sanya kay Trina na ngayon ay namumula na ang mukha at may nginunguso sa kung saan. Nagkatinginan kami ni Sanya at nagkibit balikat dahil hindi maintindihan ang ginagawa ni Trina.

"Bat ka nakanguso? Gusto mo ng kiss?" natatawang sambit ni Sanya at akmang lalapit na Kay Trina upang ikiss. Napatawag na lamang ako sa kabaliwan nya.

Napairap Naman si Trina bago muling nagsalita."Mga baliw! Tumingin kayo sa likod nyo"

Kahit nagaalangan ay tumingin kami sa likod namin at parehong nanlaki ang mata namin sa nakita. Sari-sari angnararamdam ko sa mga oras nato. Kinakabahan, nasasaktan, at nakakaramdam ng saya. It's been four days since I last saw him. Parang bigla kong nakalimutan yung selos na nararamdaman ko.

Agad na napatingin si Nathan kasama ang dalawa nyang kaibigan. Lahat kami ay nagulat sa isat-isa. Nathan's one friend with
handsome face,pointed nose,red lips and his playful aura looks so stunned while looking at Sanya,same on his other friend — the one we ask for a direction on first day
looks also stunned to see Trina. Madalas ko lamang silang nakikitang magkakasama kaya medyo hindi ako pamilyar sa kanila.

Wala akong alam kung anong meron sa kanila at sa mga kaibigan ko dahil hindi naman sila nagkukwento. Mamaya ko nalang siguro sila tatanungin. Ang dapat kong gawin ngayon ay tumakbo na at umiwas dahil parang hindi ko kaya na makita sya kahit saglit lang.

At ganon nga ng ginawa ko agad akong tumayo at dali-daling naglakad palabas ng hindi man lang nagpaalam sa dalawa. Dirediretso ang paglakad ko kahit naririnig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko. Hindi ako lumingon at nagpapatuloy lamang sa paglalakad palabas ng canteen.

Sapo-sapo ko ang dibdib ko habang humihinga ng malalim . Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na naglalakad patungo sa bench kalapit na malaking puno malapit sa building namin. Agad akong umupo doon at saka lamang nakahinga ng maluwag.

"Will you please stop avoiding me?"napaigtad ako ng marinig ang pamilyar na boses na nanggaling sa likuran ko.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang lumingon ako at nagtama ang mga mata namin. I can see sadness and longing through his eyes. Ayokong magpadala sa iniisip ko at mabilis na nagiwas ng tingin. Napaisod ako ng upo ng bigla syang tumabi sakin.

"Are you mad at me? Answer me please."may pagsusumamo sa mga mata nya habang nakatingin sakin at palapit na sa pwesto ko" Where have you been  this passed few days. Why did you suddenly leave without telling me? Are you okay— are we okay?" parang gusto kong kalimutan ang inis na nararamdaman ko dahil sa malambing nyang boses.

Please,stop torturing me Nathan.

" Nasa probinsya ako kasi naospital yung mama ko" pagpapasimula ko habang pilit na iniiwasan ang titig nya "Hindi ko sinabi kasi bakit naman diba? Bakit ko naman sasabihin sayo, sino ka ba? We're not even that close"tumawa ako ng mapait bago  tumingin sa kanya. Kita ko ang galit sa mga mata nya at pag-igting ng panga nya.Is he pissed by what I said?  "And...I'm not avoiding you.So we're okay,I guess"

"Really?"sabi nya sabay ngiti ng peke. "I thought we're close already" tumawa sya ng mapakla sabay iwas ng tingin"Sorry I ask too much. I'm happy that we're okay"may pagaalangan sa boses nya.

Nanatiling walang emosyon ang mukha ko at hindi pinansin ang sinabi nya.

"We're not close"pinilit kong patatagin ang boses ko kahit na gusto ko ng umiyak. I don't know why this happen. I feel vulnerable with him.

Tumayo sya at muli akong tiningnan. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata nya "Yeah right, we're not close. I guess it's just me assuming things."sabi nya sa mahinang boses "You're hurting me you know that?" sabi nya sabay talikod.

Nanatiling nakatitig lamang ako sa imahe ng likod nya na unti-unti ng lumalayo sa pwesto ko. Wala akong ibang magawa kundi ang sapuhin dibdib ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

I don't know what to do with this feeling anymore.

Singkwenta pesos. Yan ang nakita ko nang sinilip ko ang wallet ko. Malalim akong napabuntong hininga bago sumakay sa jeep.

Hapon na nang makarating ako sa cafe. Pagkapasok ko ay sinimulan ko na agad ang trabaho dahil ilang araw rin akong nawala. Thank God at wala dito ang manager namin kaya walang mag-aangaw sakin.

Makakahinga ako ng maluwag!  Sabi ko sa isip sabay ngiti. Pero agad din yung nawala dahil sa naiisip ko.

Bigla kong naalala na makakahinga lang pala ako ng maluwag kung hindi pupunta dito si Nathan sa cafe ngayon. Hanggat maari ayaw ko muna syang makita. Wag muna.

Sinimulan ko na ang trabaho ko at mga ilang oras na rin akong gumagawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga pumupunta dito si Nathan. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot sa hindi nya pagpunta. Ewan ko ba! Naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko! Pero ano bang magagawa ko? Ginusto ko 'to diba?

Tinulak ko sya palayo. Dapat panindigan ko 'tong nararamdaman ko.

Hanggang sa matapos akong mag trabaho ay hindi talaga dumating si Nathan kaya naman bagsak ang balikat kong umuwi sa apartment.

Pagkauwi ko ay sarado na ang kwarto nung dalawa kaya paniguradong tulog na sila. Siguro simadya talaga nilang matulog ng maaga dahil alam nilang gigisahin ko sila sa tanong kung bakit ganon ang reaksyon nila kanina nang makita yung mga kaibigan ni Nathan sa canteen.

Naligo muna ako saglit bago nahiga sa kama. Marahil sa pagod kaya agad akong nakatulog.









#1Chasing My Felicity (Chasing The Dreams Series)Место, где живут истории. Откройте их для себя