Chapter 6◉⁠‿⁠◉

1 0 0
                                    

Hanggang ngayon tulala pa rin ako habang nakatitig sa harap ng blackboard.

Hindi lang yung  love letter na lyrics pala ng kanta ang iniisip ko. Hindi pa rin kasi ako maka move-on na hinatid nya ko kagabi.

Parang gusto kong magsisigaw dito sa classroom dahil sa kilig.

What if sumigaw nga ako?
Tutal wala naman dito yung iba kong kaklase dahil nasa canteen. Break time na kasi ngayon kaya pati yung dalawa ay nasa canteen din. Tinatamad naman akong lumabas dahil wala ako sa mood kumain.

Anyway,kaya ba hinatid nya ko kagabi kasi concerned sya sa'kin? Kung ganyan sya ng ganyan baka tuluyan na nga akong hindi makaahon sa pagkakahulog ko sa kanya. Baka mamaya asang asa nako tapos false hope lang pala.

"Bakit ganyan ang mukha mo?"nagulat ako sa biglang nagsalita sa tabi ko.

Biglang napawi ang ngiti ko dahil napansin ko na naman ang mukha ng asungot na Miguel na to.

"Pake mo ba!"mataray kong sabi

"Bakit ka naka-ngiti?.... Ngiting aso"natatawang sambit nya

Agad napakunot ang noo ko sa sinabi nya . Ngiting aso?

"Ano bang paki mo ha! Panira ka talaga ng araw noh? Talent mo ba yan?"

"Uy,grabi ka Naman"hindi makapaniwalang sambit nya

Tss, papansin talaga. Sana hindi ko na lang to naging kaklase!

Umirap ako sa kanya at biglang napadako ang tingin ko sa hawak nyang bote.

Ano nanaman kayang trip neto? Paniguradong kalokohan nanaman yan!

"Ano yang hawak mo?"tanong ko sa kanya.

"Bote obvious ba?"

Pilosopo talaga. Kelan kaya to makakausap ng matino?

"Alam kong bote yan,I mean para saan yan?"inis na sabi ko

"Bakit curious ka?"nagtaas pa sya ng kilay at animoy nangaasar

Bwisit! Pasensyahan talaga ang pakikipagusap sa isang to . Hindi ba sya marunong ng isang tanong isang sagot.

"Hindi noh!"

Ngumiti sya sa'kin ng nakakaloko . Alam ko na to!

"May magic ako sayo"..... Sabi na eh!

Ayan na naman tayo sa pamatay na magic nyang yan.

"Ano nanaman yon?"

"Ito...watch me"sabi nya sabay ngisi

Tahimik naman akong pinapanood ang gagawin nya kahit alam kung wala naman yung kwenta.

"Nakikita mo ba tong piso?"naglabas sya ng piso sa bulsa at pinakita iyon sa akin.

Tumango na lamang ako sa sinabi nya.

Ipinatong nya yung piso sa bibig nung bote at naglabas ng lighter.

"Kapag sinindihan ko tong pwet ng bote papasok tong piso sa loob.....  naniniwala ka ba dun?"

"Sabog ka ba ha! Pano aman yan papasok Jan?"

Impossible naman na pumasok dun ung piso . Talagang walang kwenta tong pinagagagawa ng isang to. Kelan kaya to titino?

"Chill. Basta ,just watch me at hindi lang yan ang magic"

"What do you mean?"

"Syempre kailangan kong kumuha ng oil sa mukha mo para gumana yung magic at kapag nakakuha na ko mapapansin ka na ng crush mo"

#1Chasing My Felicity (Chasing The Dreams Series)Where stories live. Discover now