Chapter 11 ◉⁠‿⁠◉

1 0 0
                                    

"Speak. Anong meron sa inyo ha? Meron ba akong dapat malaman bukod sa may nabubuong feelings dyan sa puso nyo?"sabi ko sa dalawa.

Andito kami ngayon sa bench ng school nakaupo habang nagkukwentuhan.Kung kahapon nakaligtas sila sakin pwes ngayon hindi!

Mukhang nagaalinlangan pa yung dalawang magkwento at sabay silang napabuntong hininga at napatingin sakin na para bang suko na.

"Okay fine I'll go first."sabi ni Sanya "Ang totoo nyan kilala ko na si Felix bago pa mag simula ang pasukan" Felix, The name of Nathan's one friend.

Nagulat ako sa sinabi ni Sanya at Hindi makapaniwala sa sinabi nya. Kung ganon matagal na silang magkakilala. Really? Fate must be planning something. "Ano?! Paano at saan kayo nagkakilala?"kyuryosong tanong ko

"Ganito kasi yan"aniya at bumwelo muna bago muling magsalita "Nagkakilala kami sa bar noong naghahatid ako ng mga make up products tapos aksidenteng.."tumigil sya sa pagsasalita at parang nagaalangan pang sabihin ang kasunod.

"Aksidenteng ano?!"tanong ni Trina

"ahm.. aksidenteng nag ano...you know"aniya at ngumunguso

"Aksidenteng ano ba kasi?! Sabihin mo na! Pa suspense pa eh!" sabi ko habang niyuyugyog si Sanya

"Aksidenteng nagkiss"napapikit pa sya habang binibgkas yun.

Pareho naman kaming na-estatwa sa kinauupuan ni Trina at hindi makapaniwala sa sinabi ni Sanya . We're both speechless and stunned to respond.

"Hey"napatigil lamang kami ng pinitik ni Sanya ang daliri nya sa harap namin. Tsaka lang kami nakapag-react muli ng unti-unti ng mag sink-in samin ang sinabi nya.

"So you mean,una pa lang kayong nagkita may kiss agad na nangyari?!"hindi makapaniwalang tanong ko.

"ahm.. kasi ano..ahm aksidente nga diba tapos ayon nagalit ako sa kanya. Hindi lang yun ang huli naming pagkikita kasi nadagdagan pa...at ngayon dun na 'ko nagtatrabaho sa Restaurant na pagaari ng pamilya nya" aniya at kinamot ang batok ng dahil sa hiya

"OMG! Totoo ba? So ano ng meron ngayon sa inyo? Kayo na ba ha?!"nakangiting tanong ni Trina

"Of course not!"mabilis na sabi ni Sanya "Ew,yuck hindi ko papatulan yun noh. Lakas kaya mangasar non kaya lagi kaming magkaaway. Impossible talaga yang sinasabi mo . Never akong papatol dun,kahit pa yata sya na lang ang nagiisang lalaki sa mundo hindi ko talaga magugustuhan yon."

"Wow ha! Ang daming sinabi. Defensive yarn. Napaghahalataan ka tuloy"sabi ko na ikinapula ng mukha nya. Got you girl.

"Totoo naman kasi hindi ko talaga sya gusto"depensa nya

"Oo na, sinabi mo eh"sabi ko at binalingan naman si Trina ng tingin na agad nyang iniwasan "Oh ikaw? Wag mo Kong iniiwasan ng tingin hindi ka makakatakas sakin!"

"Fine. Alam nyo naman 'to diba? Na crush ko na sya nang first day pa lang. Tapos ayun... I secretly admired him. I thought it was just a simple crush.. not until I realize that every time I see him.. he makes my heart beat faster."nakangiting saad nya

Napabuntong hininga muna ako bago magsalita "Funny right? Pare-pareho tayong nahulog sa kanila...and worst, they are friends too."

"Yeah, what a coincidence. Fate is funny"natatawang sabi ni Sanya

Saglit muna kaming nagkwentuhan bago at natigil lamang iyon ng dumating na ang prof.

"Hi chan!"masayang bati ni Miguel nang makaupo sa tabi ko. Tingnan mo 'tong isang 'to! San na naman kaya 'to galing at nauna pang pumasok ang prof sa kanya.

#1Chasing My Felicity (Chasing The Dreams Series)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum