chapter 3◉⁠‿⁠◉

17 2 0
                                    

Nang matapos ang klase ay inaya ako ng mga kaibigan ko na naglibot-libot muna sa campus para daw maging familiar kami sa mga pasikot-sikot dito.

Duda ko na yon talaga ang pakay nila!

"Tara sumama ka na para maging familiar ka rin dito" pamimilit sa'kin ni Sanya

Sabi ko Kasi na dito na lang muna ako sa classroom dahil tinatamad akong mag-uli.

"Sus familiar! Maghahanap kamo kayo ng pogi kaya gusto niyong mag-libot."sabi ko

"Hindi——— Hindi ka nagkakamali"si Sanya

Sabi na nga ba!

"Hi girls"bati ng kadadating lang na si Miguel.

Eto nanaman tong asungot na'to!

Ewan ko ba pero kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking 'to.

"Sige tara na" sabi ko at hinila na palabas yung dalawa

"Akala ko ba ayaw mo"sabi ni Trina

"Nagbago na isip ko"

"May LQ kayo ni Miguel noh?"sabi ni Sanya

"LQ ka Jan "parang Ewan

Hindi ko nga ata kaya maging friend yun lover pa kaya!

"Ayos ah may nadagit ka na agad"pangaasar ni Sanya

"Tumigil nga kayo "inirapan ka na lamang sila at nauna na sa paglalakad.

Kahit kailan talaga hindi sumagi sa isip ko ang magka-crush sa kaklase,wala kasing thrill ang relasyon kapag ka-klase mo yung crush mo 'tas araw-araw kayong magkikita parang ang boring, hindi niyo mami-miss ang isa't isa .

Kapag hindi kami nagkita ulit ni kuyang pogi sa jeep baka maghanap na lang ako ng paninahong crush at kakalimutan ko na sya. But I admit,hindi sya madaling kalimutan .Ewan ko ba! Iba talaga yung dating nya.

Bigla kong naalala si Miguel,gwapo din naman siya at matangkad pa. ang kaso nga lang ay naiirita ako sa kaniya masyado kasing madaldal at mapang-asar. Feeling close agad!

Walang-wala talaga sya sa standards ko kahit gwapo pa sya,kaya kung magka-crush man ako imposibleng sya Yun.

Nalibot na ata namin ang buong campus pero mukhang ayaw pa rin bumalik nitong dalawa.

"Ano wala pa ba kayong nakikitang pogi?"Tanong ko sa dalawa

"Wala pa eh"sabi Naman ni Trina

"Pwede bang bumalik na tayo? Ang init na oh"

"Pero——"pinutol ko na ang sasabihin ni Sanya

"May bukas pa naman eh,bukas na lang uli tayo mag hanap"

"Sabagay, sige balik na tayo"

Naglakad na uli kami pabalik sa building namin at iilang hakbang pa lang kami ng mapahinto ang dalawa kaya pati ako ay napahinto na din.

"Ba't kayo huminto?"Tanong ko sa kanila.

Hindi nila ako sinagot at nakatulala lang habang may tinitingnan.

Pati ako ay natulala rin nang makita ang tinitingnan nila. Hindi ako pwedeng magkamali, kilala ko ang isa sa mga lalaking yun!

OMG! Si kuyang pogi sa jeep!

Naglakad sya papunta sa katapat ng building namin.

Yun ata ang building ng course nila.

Pero Hindi ba building yon ng med? So meaning, medicine ang course niya?

#1Chasing My Felicity (Chasing The Dreams Series)Where stories live. Discover now