chapter 28

93 7 0
                                    

Dahan-dahan na binuksan ni Shayne ang kaniyang mga mata. Maliwanag na ilaw ang unang nakita ng kaniyang mga mata. Naka-focus lamang ang kaniyang paningin roon habang may naririnig siyang mga boses sa paligid.

“Gising na siya!” masayang anunsyo ni Sherlyn.

“Oh god, baby! Thank you for not leaving us.” Sa kasiyahan... humalik si Crisostomo sa noo ni Shayne.

“Call the doctor, hon!” mando ni Sherlyn sa asawa. Sumunod rin agad ito. Bumalik itong may dalang doctor at sinuri agad nito ang kaniyang anak.

Shayne still conscious. Nanatili pa rin ang kaniyang paningin sa ilaw habang sinusuri ito ng doctor. Matapos siyang suriin, dumako ang paningin niya sa lalaking nasa kaniyang tabi na walang sawang humahalik sa noo niya. Her mind telling whom he is, she smiled knowing that Crisostomo was in her side.

Kausap nina Sherlyn at Benjamin ang doctor na tumingin kay Shayne habang si Crisostomo naman ay walang balak na pakawalan ang kamay ng babaeng mahal.

“D-daddy, w-what happened?” utal-utal na tanong ni Shayne.

“sshh... Huwag kana muna magsalita. Everything is okay,” sagot ni Crisostomo.

Naalala ni Shayne ang kanilang anak. “Ang mga anak natin.... N-nasaan ang mga anak natin? Maayos lang ba sila?”

Tumango si  Crisostomo. “Yes, they are okay. Nasa bahay sila.”

Matapos mag-usap ang mga magulang nila at nang doktor, lumapit sila kay Shayne. Tumulo ang luha nito nang makita ang ina.

“Shayne, anak,”

“Mom... I'm sorry for leaving you. Huwag ka sana magalit sa amin. Huwag ka magalit kay kuya cris dahil penuwersa ko lang siya papunta sa Italy.”

“Shayne—”

Shayne clipped his words. “Totoo ang sinabi ko. Please, mom.” she begged.

Nagkatinginan sina Crisostomo at madrasta niya. Lumambot ang ekspresyon nito sa kaniya sabay ngiti. Sinuklian rin ito ni Crisostomo ng isang ngiti rin. Bumalik ang paningin nila kay Shayne. Halata na masaya ito sa nangyayari sa dalawa.

Days past, nakalabas na si Shayne ng hospital. Deretso siyang inuwi ni Crisostomo sa bahay nila. Akay-akay siya ng lalaki papasok ng nursery room kung nasaan ang kanilang anak. Ilang days rin na hindi niya nakasama ang mga anak niya. Miss na miss na niya ang mga ito. Pinaupo siya sa gilid ng kama habang pinagmamasdan niya ang anak na natutulog sa  crib. Hindi pa niya p‘wede buhatin ang mga ito dahil baka dudugo ang sugat niya.

“Gusto mo bang hawakan sila?” tanong ni Crisostomo na nasa gilid ng babae. “Bubuhatin ko sila.”

“Yes, daddy.” tugon nito.

Unang binuhat ni Crisostomo si Carson at inilagay niya sa kama, malapit kay Shayne. Kasunod si Colton na umiyak pa. Napangiti si Shayne nang marinig niya ang iyak ng anak. Subra niyang namiss ang boses ng mga anak niya.

“Colton, huwag na umiyak. Nandito na si mommy.” ani Crisostomo. Tumigil rin sa pag-iyak ang anak na parang naintindihan siya.

Hinaplos ni Shayne ang malaman na pisngi ni Colton. “Nandito na ako, nak. Hindi na ako aalis. Mahal na mahal ko kayo ni Carson at ni daddy.” Humalik siya sa pisngi ng anak saka niya binalingan si Carson na nasa kama. “My good boy Carson, palaging natutulog.” napangiti siya na may kasamang luhang tumulo. Masaya siya dahil nakasama niyang muli ang kaniyang mag-ama.

BUHAT-BUHAT ng dalawang yaya ang kambal habang nakaalalay si Crisostomo kay Shayne. Birthday ni Benjamin at imbitado sila. Excited si Crisostomo hindi lamang dahil ito ang kauna-unahang kasama siyang magse-celebrate ng kaarawan ng ama sa loob ng ilang taon dahil na rin ito ang kauna-unang makikilala ng mga magulang nila ang kanilang mga anak.

OBSESSED THY INNOCENCE(Completed)Where stories live. Discover now