chapter 20

77 7 0
                                    

Nakatingin si Shayne sa mga kuya niyang nag-uusap sa garden. It was located at the back of the mansion. Kinakabahan siya dahil mula sa kinaruruonan niya kitang-kita niya ang galit na namutawi sa mukha ni Barry. Kakabalik pa lamang nito at si Crisostomo agad ang gusto nitong makausap. One month na rin since umalis ito at nagpunta sa China para daw sa business meeting. At ganoon na rin katagal silang namalagi sa Italy.

Lumingon si Crisostomo sa kinaruruonan ni Shayne. Ngumiti ito sa dalaga at dahan-dahan na humkabang palapit sa kaniya. Sinalubong na lang rin niya ito.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Crisostomo nang malapit na sila sa isat isa.

“Is there something my brother said to you? About us.” balik-tanong ni Shayne.

Hinaplos ni Crisostomo ang pisngi ng dalagang nag-aalala. “No, baby. We're just talking about business.” sagot nito.

Tumango si Shayne. Bumuga siya ng hininga para iwaksi ang pag-aalala niya. Ngumiti siya kay Crisostomo kasunod tumingin siya sa kapatid niya na si Barry nakatayo pa rin ito kung saan ito iniwan ng kuya Cris niya. Nakatingin ito sa kanila sabay ngiti. Sinuklian na rin niya ito.

“Do you have class this day?” tanong ni Crisostomo.

Ibinalik ni Shayne ang paningin sa nagtatanong. “Wala, kuya cris. Tomorrow pa class ko.”

Two weeks ago nang nakapagtransfer si Shayne ng school. Sa tulong ni Bert nakuha niya ang mga kailangan niyang mga papers para makapag-transfer. Minsan, naalala niya ang mom niya, alam niyang subra na itong nag-aalala sa kaniya, at namimiss na siya nito, namimiss na rin niya ito. Pero ang pagmamahal niya kay Crisostomo ang mas importante sa kaniya. Alam niyang maiintindihan rin iyon ng kaniyang ina balang-araw.

“Ayos ka lang, Shayne?” Tanong ni Crisostomo na nagkasalubong ang mga kilay. Titig na titig kasi ang dalaga sa kaniya na parang may malalim na iniisip. “Something bothering you?”

“Wala naman. Medyo iba lang pakiramdam ko.” pagdadahilan niya. 

“Is there something happened?" Tanong ni Barry na kasalukuyang lumalapit sa dalawang magkasintahan. Nag-alala siya sa kapatid nang mapansin niya itong parang tulala na nakatitig  kay Crisostomo. Humarap ang dalaga sa kaniya. “What‘s wrong, Shayne?” Sinuri niya ang kabuuhan ng kapatid.

“Mybe I just missed, mom,” Shayne responded.

“Do you want to see her? Tatawagan ko siya para malaman na nandito kayo. Mukhang may alam naman siya na nandito kayo.” Ani Barry.

“Hindi muna ngayon, we'll go back to Philippines after our wedding. It's already planned. It's just a secret wedding,” she said.

Kumunot ang noo ni Crisostomo sa narinig mula kay Shayne. Nagtaka siya dahil kahit isang beses hindi nila napag-usapan ang kasal. Tumingin si Barry sa kanya, kitang-kita rin sa reaksyon nitong nabigla.

Tumikhim si Barry. “I will go into the room to rest.” Iniwan na nito ang dalawa.

Tinalikuran ni Crisostomo ang dalaga. May galit at tampo siyang nararamdaman dito. Hindi niya maisip na magawa nito ni Shayne sa kaniya, planuhin ang kasal nila na wala siyang kaalam-alam.

“Kuya cris, you're mad at me again?”

“What do you think, Shayne?” matigas na balik tanong ni Crisostomo.

Sa pamamagitan ng boses ni Crisostomo, kumpirmado ni Shayne na galit nga ito sa kaniya. Alam naman niya na magagalit na naman ito sa kaniya nang pinaplano niya ang plano, pero itinuloy pa rin niya para masiguro na hindi siya nito basta-bastang maiiwan. She will do everything to make him stay. Gusto man nito o hindi.

OBSESSED THY INNOCENCE(Completed)Where stories live. Discover now