chapter 3

163 7 0
                                    

Nakabalik na sila ng bahay. Unang lumabas si Crisostomo ng sasakyan. Walang lingon siyang pumasok sa kabahayan. Dere-deretso siya sa kuwarto niya at marahas na nilaglag ang sarili sa kama. Nakakunot-noo naman si Shayne na nakasunod dito. Nakatayo siya sa harap ng pintuan nito. Balak niyang pag-usapan ang nangyari sa kanils kanina pero sa huli pumasok na rin sa kuwarto niya.

Padabog na umupo si Shayne sa gilid ng kama niya. Her mind still thinking about what happened earlier. Hindi siya makapaniwala sa inaakto ng kuya niya. As if ito ang hinalikan.

"What the hell!" mura ni Crisostomo. "Bakit ba hindi mo makalma ang sarili mo pagdating sa kan'ya!? Arrr!" parang tanga siyang pinapagalitan ang sarili.

May kumatok sa pintuan ng kuwarto. Tumayo si Crisostomo at pinagbuksan kung sino man ang nasa labas. Napatuwid siyang tumayo nang makita roon si Shayne, may dala itong isang box na may lamang pagkain.

"Naisip ko kasi na wala kapag-lunch, so, dinalhan nalang kita ng pizza." ani Shayne.

Napakurap-kurap si Crisostomo. "Thank you." Akmang kukunin niya ang hawak nitong tray nang pumasok ito sa loob ng kaniyang kuwarto. "Shayne, what are you doing? Hindi ka p'wede dito!"

Inilapag ni Shayne ang dala niya sa nightstand. Lumapit siya sa kama at humiga doon. Ipinikit niya ang kan'yang mga mata. "Can I sleep here, kuya cris? Promise, idlip lang."

"No!" walang pagdadalawang-isip na tanggi ni Crisostomo. "Lumabas kana!" mando niya.

Shayne acted like she didn't  hear her stepbrother. Her eyes were still closed as she comfortly lay her body in the bed. Wala siyang balak na sundin ang lalaki. Ngumiti para siya nang marinig niya ang buntonghininga nito na parang nahihirapan na sa kan'ya. Naramdaman niyang umalog ang kama, palihim niyang tiningnan ang dahilan nito. She smiled when she saw him sitting at the edge of the bed.

Sinimulang kainin ni Crisostomo ang dalang pizza ng dalaga. Lumingon siya sa likuran niya nang umalog ang kama at nakita niyang nakaupo na si Shayne. Ibinalik niya ang isang slice ng pizza sa box.

"Kuya Cris, pagamit ng comfort room ah," sabi ni Shayne sabay baba sa kama at dumeretso sa cr. Nakasunod naman ang paningin ni Crisostomo sa kaniya. Maya-maya lumabas rin agad ito. "Kuya cris, napansin ko lang wala kang things here. P'wede kitang samahan na mamili." presenta niya habang bumalik sa paghiga sa kama.

"Hindi na kailangan, Shayne. Hindi rin naman ako palagi nandito. I have my own house." Crisostomo said. Bumalik siya sa pagkain ng pizza.

Biglang umupo si Shayne sa kama nang marinig ang sinabing iyon ni Crisostomo. "You're not staying here?" malungkot nitong tanong.

Inubos ni Crisostomo ang hawak na pizza tyaka humarap kay Shayne. Tumango siya. "Pero palagi akong pupunta dito."

Humiga ulit si Shayne. "That's good. For sure mami-miss kita kapagmawawala ka naman, kuya. You know, I feel safe now because you're here na. Pakiramdam ko may protector na ako dahil nandito kana. Since I was kidnapped, araw-araw na akong nakakaramdam ng takot. Kahit pa may bodyguard ako kapaglumabas or dito."

Crisostomo felt sorry for Shayne. Siya ang dahilan kung bakit nakakaranas ng ganito ang dalaga. Kung kaya lamang niyang ibalik ang nakaraan, hinding-hindi niya iyon gagawin. He held her hand. He wanted to talk but there is no words came out from his mouth. Crisostomo don't know how to comfort her knowing that he's the reason why she felt fear everyday.

Umupo ulit si Shayne sa hinigaan. "Kuya cris, don't leave me. I need protector. I need you, kuya."

This time, finally, Crisostomo talked. "But I kissed you. I called you baby. Hindi ka pa rin ba takot sa akin?" seryosong tanong ni Crisostomo.

OBSESSED THY INNOCENCE(Completed)Where stories live. Discover now