chapter 25

74 7 0
                                    

“Bakit hindi nalang tayo magpa-ultrasound? Excited akong malaman kung anong gender ng anak natin,” suggestion ni Shayne. Hindi kasi pumapayag si Crisostomo na magpa-ultrasound dahil gusto nito na ma-surprise. “Ang laki-laki ng t'yan ko. It's possible na twins. What do you think, kuya cris?”

Hinawakan ni Crisostomo ang tiyan ng kausap. “Di ba napag-usapan na natin to. And about sa twins, it's possible. Malaki ang tiyan mo kumpara sa isang laman lang.”

Tumingin si Shayne sa malayo. Nasa veranda sila, sa kalagitnaan ng gabi. Nagising si Shayne at gusto niyang makalanghap ng preskong hangin. Nakabalot ang kaniyang katawan ng kumot para ‘di malamigan.

Kontento si Shayne sa buhay nila sa Italy. Gusto na rin sana niya na dito magpakasal pero tumututol si Crisostomo. Ayaw nitong magpakasal hanggat hindi nito nakakausap ang mga magulang nila. Kabuwanan na niya at hinihintay na lamang nila ang araw ng labor niya. Ilang buwan na lang rin graduation na niya.

“Let‘s go, pasok na tayo mas lalong lumalamig na,” yaya ni Crisostomo. Inaalalayan niya si Shayne patungo sa kanilang k‘warto hanggang sa paghinga. Napaigik si Shayne na agad naman niya itong sinuri. “May masakit ba?”

“T‘yan ko, kuya. Biglang sumakit.” Hindi maipinta ang mukha na sagot ni Shayne.

He was nervous. Ganito ang nararamdaman niya kapagsumasakit ang tiyan ni Shayne. “Ahmn... Saan banda? I'll call the doctor!”

“Faster kuya! Manganganak na yata ako!” sigaw ni Shayne.

Dahil sa narinig, hindi alam ni Crisostomo ang gagawin. Natataranta siyang tumakbo palabas ng k‘warto at tinungo ang ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ni Barry. Malakas siyang kumatok sa kwarto nito. Madilim ang mukha ni Barry na pinagbuksan siya ng pintuan.

“What? Quarrel again?” Nakakunotnoong tanong ni Barry. Kotang-kota na siya kapag nag-aaway ang dalawa at nadadamay siya.

“No, Barry! Manganganak na si Shayne! She needs doctor!”

Daling sinira ni Barry ang pintuan. Lumabas ito na may kausap sa cellphone. Magkasama silang tumakbo papunta kung nasaan si Shayne. Nakakulumbaba ang babae dahil sa sakit ng tiyan pero nakapagbatok pa ito kay Crisostomo nang lumapit siya dito.

“Bakit mo ako iniwan!” singhal ni Shayne. Sunod-sunod na kumikirot ang t‘yan niya. “Ang sakit-sakit ng tiyan ko iniwan mo ako!” Umiiyak na siya.

“I‘m sorry, baby. Tinawag ko lang kuya mo,” sagot ni Crisostomo. Punong-puno siya ng pag-aalala. “Nandito na ako. Huwag kana magalit.”

“The doctor is coming, don't worry,” said Barry. He was at the back of Crisostomo. He was also worried for his sister.

“It‘s your fault!” sinabunutan niya si Crisostomo na nagpapasabunot rin. “I‘m in pain because of you!”

“Yah, I know! Pero ikaw kasi nagsabi—”

“Dumadahilan kapa!” singhal ni Shayne.

Hindi na muling nagsalita si Crisostomo. He keep his mouth shut up. Tuloy-tuloy ang pagsabunot ni Shayne sa kaniya habang umiiyak ito sa sakit ng tiyan. Pero hinayaan niya ito kahit nasasaktan siya sa ginagawa ni Shayne sa kaniya. Kung mababawasan ang sakit na nararamdaman handa siyang masaktan.

May kumatok sa pintuan, binuksan ito ni Barry. Ang doctor ito at may kasamang dalawang nurse. Pinapasok agad ni Barry ang mga ito. Lumapit ang mga ito kay Shayne na kasalukuyan na itong nakahiga sa kama.

“Manganganak na siya,” doctor announced. “Pwede merong maiiwan dito sa loob pero isa lang.”

“Ako ang maiiwan,” ani Crisostomo. “I‘m the father.”

OBSESSED THY INNOCENCE(Completed)Where stories live. Discover now