Chapter 09

12 2 1
                                    

"Una ka na sa field. May kukunin lang ako kay Rose," sabi ni Coffee kay Sunny nang matapos ang klase nila.

Kumunot ang noo niya. "Rose? Sinong Rose?"

"'Yong secretary ng kabilang section," sagot nito sa kaniya saka sinuot ang bag.

Lalong lumalim ang gitla sa noo ni Sunny. "Sino?"

"'Yong classmate mo no'n sa Electricity," ani Coffee sa tono na para bang dapat ay kilala niya ang tinutukoy nito.

"Naging classmate ko sa Electricity?"

Kahit anong gawing pag-iisip ni Sunny, hindi niya pa rin maalala kung sino ang tinutukoy nito.

Coffee sighed in defeat. "Ano pa bang ine-expect ko sa'yo?"

Tumayo siya at tinaasan ng kilay ang kaibigan. "Anong ibig mong sabihin?"

"Wala," Coffee said and rolled her eyes. "Sige na. Antayin mo na lang ako sa field."

Iniwan siya nito sa loob ng classroom na pilit pa ring inaalala kung may ka-batch ba silang Rose ang pangalan. At nang wala talaga siyang maisip, nagkibit-balikat na lamang siya at tinungo na ang field.

Uupo na sana siya sa puwesto nila nang makita niya si Kairos sa palaging inuupuan nito. Kahit na nakasuot ito ng itim na cap, kilala niya pa rin ang kilos at hubog ng katawan nito.

Matutulog na naman ba siya?

Sunny decided to go to him. Matapos ng malalim na pag-uusap nila no'ng nakaraan, pakiramdam niya ay naging mas komportable na sa kaniya si Kairos. Nasanay na rin ito sa araw-araw na pangungulit niya.

"Hello!" masiglang bati ni Sunny kay Kairos na nakasandal sa malaking puno.

Inangat nito ang cap na nakatakip sa mukha at singkit ang mga matang tiningnan siya. "Huh?"

"Napansin kong palagi kang natutulog sa spot na 'to," aniya kapagkuwan ay tumabi sa lalaki dahilan para umusog ito ng bahadya. "Paborito mo ba 'tong pwesto?"

"Malayo kasi sa ingay ng mga tao," sagot nito saka inayos ang pagkakasuot ng sumbrero.

Sunny awkwardly pursed her lips.

"Ah! Hindi ikaw ang tinutukoy ko," dugtong ni Kairos nang mapansin siyang natahimik.

She chuckled. "Alam ko."

Ilang segundo silang natahimik nang magsalita siya. "Kumain ka na ba?"

Matagal bago ito nakasagot. "Oo. Tapos na."

Pero salungat ng sinabi nito ang sagot ng katawan. Pagkasabi kasi no'n ni Kairos, narinig niya ang pagkulo ng tiyan nito.

Napahawak na lamang sa tenga si Kairos at marahang hinaplos iyon sa hiya.

Sinasabi ko na nga ba.

Matagal nang may hinala si Sunny na hindi kumakain ng tanghalian si Kairos dahil palagi nila itong nakikitang tulog tuwing lunch break. Akala niya no'ng una ay totoong natutulog lang ito dahil pagod ito sa pagta-trabaho. Pero nang mapansin niyang araw-araw nito itong ginagawa, na-realize niyang itinutulog na lang nito ang gutom.

Ayaw niyang tanungin si Kairos tungkol sa personal na buhay nito. Hahayaan niyang ito mismo ang magsabi sa kaniya. Sa ngayon, ang tanging magagawa niya lang ay ang maging kaibigan nito.

At ang magkaibigan ay laging nagtutulungan.

Inilabas ni Sunny ang baon niya at inilapag iyon sa harap nila.

"Buti na lang at nakita kita," sabi niya habang isa-isang inaalis ang takip ng mga ito. "Naparami na naman ang baon ko. Tulungan mo akong ubusin?"

Tumaas ang dalawang kilay at nagtatanong ang mga mata ni Kairos.

Like YesterdayDove le storie prendono vita. Scoprilo ora