Chapter 05

18 1 0
                                    

Pagkatapos maghapunan, dali-daling pumasok sa kwarto si Sunny at ibinuklat ang kaniyang notebook. Isinulat niya do'n ang mga nakalap niyang impormasyon na pwedeng makatulong sa kaniya.

"Lahat ng kinuwento ni Coffee kanina may driving force. Kesyo time machine, paggunaw ng mundo, o kaya wish," she said while tapping the pen on the paper.

"Wish," bulong niya sa sarili.

Pwede bang bigyan mo ako ng dahilan para maging masaya uli?

Naalala ni Sunny ang huling mga sinabi niya nang kinakausap ang dandelion na bigay ng babae sa flower shop.

"Dahilan ang hinihingi ko, hindi time travel!" inis na sabi niya sa kawalan.

Ginulo ni Sunny ang sariling buhok. Hindi niya malaman kung maganda ba o masama ang maidudulot ng nangyayari sa kaniya.

Gusto niyang magtatalon sa tuwa pero alam niyang hindi ito tama.

Habang inuulit niyang binabasa ang mga nakasulat sa notebook niya, isang linya ang nakaagaw ng kaniyang pansin.

Connection from the past

"Anong klaseng connection?" Para na siyang baliw na kinakausap ang sarili.

Biglang pumasok sa isip niya ang bagay na hawak niya habang humihiling. Ang bagay na dapat ay ibinalik niya na noon pa.

Mabilis na kinuha ni Sunny ang bag niya na nakapatong sa kama saka hinalungkat iyon. Pero kahit na binuhos niya na lahat ng laman n'on, wala ang hinahanap niya.

Dali-daling hinagilap niya ang malaking kahon na naglalaman ng mga gamit na mahalaga sa kaniya. Natagpuan niya 'yon sa ilalim ng kama. Dinampot niya ito at inilapag sa study desk niya.

Isa-isa niyang hinanap mula roon ang mp3 player na nakuha niya noong 3rd year high school pa lang siya.

Natigilan siya hindi dahil sa nakita niya ang puting mp3 player kundi dahil sa katabi nito. Nandoon ang dilaw na dandelion na binigay sa kaniya ng babae sa flower shop.

Hindi siya maaaring magkamali. Mayroon nakapulupot na pulang ribbon sa tangkay nito.

Dahan-dahan niyang inabot ang bulaklak.

"Mas mainam na ibalik mo ang bagay na matagal ng nasa sa'yo bago tuluyang malanta ang bulaklak."

Biglang sumagi sa isip niya ang misteryosong sinabi ng babae bago siya lumabas ng shop.

Bumaling ang tingin niya sa mp3 player na nasa loob pa rin ng box.

Ito na ba ang tinutukoy nito?

"So, kailangan ko lang ibalik ang mp3 player kay Joshua? Gan'on?" pagkausap niya sa sarili.

"Kay Joshua ata 'yan," sabi ni Coffee sa kaniya nang ipakita niya rito ang napulot na mp3 player.

Umangat ang mga labi niya. "Talaga? Pa'no mo naman nasabi?"

"Nakita kong ganyan 'yong kulay ng mp3 niya. Di'ba palagi natin siyang nakikitang naka-earphones?"

Joshua was her long-time crush. Nagsimula 'yon nang 2nd year sila. They were seatmates and she knew back then that he was a nice guy. Bukod pa ro'n, matalino at gwapo rin ito kaya naman hindi nakapagtataka na marami ang nagkakagusto sa lalaki.

Nang sabihin ni Coffee na kay Joshua ang mp3 player, hindi agad siya naniwala. Bakit ba naman? Ano ang chances na siya ang makakapulot ng gamit nito gayong hindi na sila magkaklase no'ng 3rd year? Not until when she saw him walking without his earphones on after she picked up his mp3 player.

Like YesterdayWhere stories live. Discover now